Chapter 3

102K 2.8K 266
                                    

"Ayos ka na ba, Ember? Hindi na ba masakit ang likod mo?" ginagamot ako ngayon ni Angel dito sa clinic. Buti na lang talaga at nandito siya. Ginagamit niya kasi ang healing power niya para gamutin ako.

"Hindi na. Salamat Angel."

"Masakit siguro ang pagkakahagis sayo ni Sky 'no?"

"Oo. Masakit talaga. Halos mabali na nga 'tong buto sa likod ko eh. Ah teka matanong ko lang, kelan ka pa napasok sa school na 'to?"

"Ah, since bata pako. My parents transferd me in this school because of my ability of healing."

"Pareho pala tayo. Ako din nilipat din ako ng parents ko dito dahil sa power ko. Ni hindi ko nga alam kung pano ako nagkaroon ng ganito eh."

"Sabi nga ng mama ko, gifted daw ang mga taong may kakaibang ability. Gaya natin."

"Pero parang hindi naman lahat gifted eh."

Napatingin siya sakin na may halong pagtataka sa mukha niya.

"Bakit mo nasabi 'yan?"

"Kasi malay mo, may ibang tao dyan na hindi gusto ang ganitong klaseng ability diba? Tulad ko, hindi ko gusto 'tong power ko. Nakakasakit lang ako ng mga tao. Kaya ng nilipat ako ng paretns ko dito kasi nga gusto nilang matutunan ko kung pano gamitin ang power ko."

"But I know you can control it. You need some training."

"Yeah right," humiga ako sa kama at ginawang unan ang pareho kong kamay. "Kahit na mag-training ako ng husto, hindi ko pa rin mako-kontrol 'tong power ko. Para kasing may sariling pag-iisip 'to eh."

"Huwag kang sumuko. Alam kong kaya mo 'yan!"

Ngumiti lang ako sa kanya. I'm thankful that she's with me kahit na alam niyang dangerous ako. Pero napaisip ako sa sinabi niya, pano kung mag-training nga ako?

* * * * *

Dylan's POV

Naglalakad ako ngayon sa may hallway. Wala pa kasi ang teacher namin eh kaya lumabas muna ako. Pagkadan ko sa room ni Ember, bigla ko tuloy siyang naisip. Hindi ko alam eh pero may pakiramdam ako na itong kapangyarihang taglay niya ay mukhang malakas.

Hindi kaya isa siya sa mga legendary elements? May marka naman siya sa braso eh na katulad sakin kaya walang duda na isa nga siya dun. Ang akala niya birth mark 'yun pero ang hindi niya alam, ang mga taong may ganung marka ay napapabilang sa legendary elements.

Sigurado ako natagpuan na siya ng mga teachers dito. At mukhang kumpleto na ang apat na elemento. Lalong-lalo na sa head master dito sa Magical Academy.

boogsh!!

Ayan tuloy, sa sobrang pag-iisip ko sa kanya may nakabangga tuloy ako.

"Sorry! Hindi ko-- Dylan?"

"Ember." akalain mo nga naman. Si Ember pala ang nakabangga ko.

"Sorry kung nabangga kita. Hindi ko sinasadya."

"Ayos lang. Saan ka pupunta? Parang nagmamadali ka ata ah."

"Ah. Magse-self training kasi ako eh."

"Magse-selftraining ka?"

"Oo. Kaya naghahanap ako ng lugar kung saan pwede ako mag-training na gamitin 'tong power ko. Nababaliw na kasi 'to eh. Bigla na lang aatake katulad ng ginawa ko dun sa Sky na 'yun."

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon