Nagpakatanga E!

4 0 0
                                    



"teka alex, you mean to say kahit may boyfriend sya pinayagan ka nyang manligaw at di nya sinabi sayo ang tungkol sa boyfriend nya?"


 Ngumiti lang ako sa tanong ni Michie


"true friend at eto pa. Nalaman naming ang Ericka na yun o mas kilala sa tunay nyang pangalang Pamela Ericka San Juan ay ang Pam na bestfriend ng walangya kong ex na si Marky Samuel Diaz"


        Galit na galit na paliwanag ni Eulli kay Michie pero parang nabato si Michie sa mga narinig nya mula kay Eulli


"Uy friend ayos ka lang ba dyan?"


Pag-aalala naman ni Eulli sa nagging reaksyon ni Michie


"pe-pwede bang ulitin mo yung pangalan ng ex mo at ng bestfriend nya Eulli?"


"Marky Samuel Diaz at Pamela Ericka San Juan"


         Sa tagpong iyong naiyak lalo si Michie na labis naman naming kinagulat ni Eulli sa nagging reaksyon nya


"ang galing no, iisang mga tao lang pala yung mga nangloko sa atin at dahilan ng mga pagpapakatanga natin!"


Nagkatinginan naman kami ni Eulli sa sinabi ni Michie


"anong ibig mong sabihin?"


     Tanong ko sa kanya, parang nagets ko na ang ang sinasabi nya pero ayokong maniwala


"Kasi si Pamela Ericka San Juan ay bestfriend ko at si Marky Samuel Diaz? Yung walang hiya kong ex na sinundan ko sa davao. At kung nagkataon pa pinagsabay nya yata tayo Eulli?"


           Humagulgol narin sa pag-iyak si Eulli

"tangina talaga sya hayop talaga sya. Bumuka na sana ang lupa at lamunin silang dalawa ni Pam"


   Galit na galit na sabi ni Eulli habang umiiyak na rin


"at ikaw Alex? Ikaw nga siguro yung Alexis na sinasabi nyang baliw na baliw sa kanya pero di sya interesado!"


          Yun pala ang tingin sa akin ni Ericka


"at ikaw yung sinasabi nyang bestfriend nyang naghihitay noon sa kanya sa 3rd floor ng mall? Yung binibilan daw sya ng mga gusto nya?"


     Tumango lang sya bilang tugon


Ayos din ano? Yung mga taong dahilan ng pagpapakatanga naming tatlo iisa lang pala?

Nagmahal kami


Umasa


Nasaktan


Pero wala e mahal naming


Nagpakatanga kami


Pero sabi ko nga diba parang jogging, no pain no gain, after ng pain may mga natutunan kami.. kaming tatlo na ang bagong magkakaibigan at magkakasangga. Sabi nga ni Michie para syang isang bus, bus pero di magiging mag-isa dahil ang isang bus merong driver at konduktor na di sya iiwan kahit lumipas pa ang panahon...

Para Sa NagpakatangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon