Eulli
2months na kami ni Marky ngayon, boyfriend ko. Ang weird mang aminin pero sa facebook lang kami nagkakilala, dahil sa pareho kaming rp at mahilig sa kpop! Sabi nila wala daw nagtatagal at seryosong bagay sa rpw pero di ako naniniwala dun, sa loob ng 2months mga once a week kaming nagkikita since halos magkalapit lang naman kami, cavite ako at manila naman sya kaya dumadayo ako sa kanila, sabi nila si Marky daw ang dapat dumayo kasi sya ang lalaki. E pake ba nila? E gusto ko naman to e!
"hi jagiya!"
Post ko sa rp account ko ng nakatag din ang rp account nya
Maya-maya pa online na sya at nagmessage sa akin
"Hi jagi, goodmorning, kumain ka naba? /kisses your forehead/"
"opo jagi /hugs you/"
"great, jagi di ako makakapag online mamaya ah, gagala kasi kami nila Pam e!"
"sige lang po, text text nalang po"
"di din ako makakapagtext kasi wala akong load e!"
"sige jagi, out muna ako, may gagawin lang, love you!"
Tapos seen lang, pero baka naglalaro sya, adik din kasi sa dota yung kolokoy na yun, nag out na ako at dali dali pumunta sa tindahan ni aling Panyang para paloadan ang boyfriend ko
"aling panyang paload po sa sun combo 20, eto po ang number at bayad"
Iniabot ko sa kanya ang maliit na paper at twenty two pesos bilang bayad sa load at maya maya ay may nagtext na sa akin
"Jagi bakit mo pa ako pinaloadan? Di ka na dapat gumastos"
"ok lang jagi, mimiss kita e!"
Pero walang reply, baka kasama nya na sila Pam kaya busy na
Nagonline na ako ulit, at online naman si Pam, pero bakit si Marky wala?
Kaya chinat ko sya
"Hi, Pam aalis daw kayo nila Marky?"
Seen tapos maya maya pa nagreply
"Oo, saka bakit mo ba sya binabantayan?"
"di naman sa binabantayan ko sya tinanong ko lang kasi boyfriend ko sya"
Di nya yata ako naintindihan! Tsk! Sa lahat ng tropa ni Marky na nasa rpw sya lang ang hindi ko masyadong kasundo, bestfriend pa mandin sya ni Marky
"wag ka ngang umastang kala mo kung sino ka, girlfriend ka lang, BESTFRIEND NYA AKO"
Anong gustong iparating ni Pam? Nangengeelam ako sa kanila? Di naman ganun ang gusto kong palabasin e
"sorry pam kung di mo nagets ang gusto ko sabihin ah, ang akin lang nag-alala rin kasi ako!"
"so sinasabi mong bobo ako kaya di kita naiintindihan ganun? At sinasabi mong di kami katiwatiwala kay nag-aalala ka?"
"di naman sa ganun!"
"tumigil ka nga! Akala mo kung sino kang matalino e!"
"sorry!"
"tandaan mo girlfriend kalang. Ako parin ang BESTFRIEND nya"
Ay capslock? Kelangan ipamukha? Edi wow. Nice! Congrats Pam bestfriend ka e, laging kasama, kapit bahay e ako? Girlfriend lang, malayo pa!
Maya maya pa'y tumawag si Marky sa akin
Mylabidoo calling...............
Agad ko itong sinagot
"yes jagi?"
"bakit inaway mo si Pam?"
Medyo galit ang tono nyang tanong sa akin
"inaway? Di ko sya inaway tinanong ko lang sya kung aalis kayo"
"ang sabi nya pinamukha mo daw sa kanya na ikaw ang girlfriend ko at bestfriend ko lang sya, ano bang problema mo Eulli? At saka bakit kelangan mo pa magtanong sa kanya? Wala ka bang tiwala sa akin?"
Kinabahan ako sa sinabi nya at naguilty. Wala nga ba akong tiwala sa kanya? Pero si Pam nga nagpamukha sa akin e
"di yun yung pinag usapan namin, sya pa nga ang nagprovoke sa akin e"
"pwede ba Eulli, bestfriend ko si Pam at di sya gagawa ng kwento kilala ko sya"
"ah so sinasabi mong ako yung nagsisinungaling? Edi wow thanks ah! Pasensya ka na. Girlfriend mo lang ako eh, sya bestfriend mo. Oo tama mas paniwalaan mo sya!"
Di ko na nakayanan pa ang bigat ng luha at nararamdaman ko kaya agad kong pinatay ang tawag at nagkulong lang sa kwarto
Tapos nun mga tatlong araw din syang di nagparamdam, sa text, sa rpw, kahit sa real account, tinetext ko sya na pupunta ako sa kanila pero walang reply
Tapos naalala ko may isa pa pala akong rp account, yung account kung san ko talaga sya nakilala kaya binuksan ko yun, grabe ang daming notif tapos ang dami ding messages kaya binuksan ko yung message box at unang una kong nakita yung rp acc nya sa message. Nagmessage pala sya dito!
Binuksan ko ang message nya
"Hi Eulli, sorry kung wala na akong time sayo ah! Nagsasawa na kasi ako! Pero alam mo the best ka, yung efforts mo yung pagmamahal mo walang katulad yun! Kaso iba kasi yung gusto ko eh, kaya sorry. Alam ko makakahanap ka ng taong para sayo talaga. Sorry sana wag kang magagalit sa sasabihin ko pero yung pinagsamahan natin? Fan service lang lahat yun para sa akin"
Pagkabasa ko nun ay agad kong nasuntok ang lamesa na pinagpapatungan ng laptop, buti nalang ako lang ang tao sa bahay kundi paktay na. Broken hearted na nga ang nagpakatanga sermon pa!
Umiyak lang ako ng umiyak, mga 2nights din tapos di ako kumakain, wala akong gana, kahit sino naman siguro diba. Tangina akala mo totoo na, fairytale lang pala!
BINABASA MO ANG
Para Sa Nagpakatanga
Fiksi RemajaPrologue: Parati ka bang pinapaasa? Parating Pinaiiyak? Parating Sinasaktan? Parating iniiwan ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan mo? Pakiramdam mo ba isa kang bus? May mga taong dumarating sa buhay mo pero pagkatapos ng isang mahaba at mas...