Vina
PALAGAY ko ay sasabog na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Mabigat ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Pinagpapawisan ako na animo'y naligo sa ulan ng ilang oras.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malamig na pagbati ng hangin sa'kin, tila ba nananadyang yakapin ako sa mga ganitong oras ng gabi.
I blinked in the midst of the dark void, trying hard to remember what time and when I came up to this room that URA lent us to sleep in. But I failed. I can't recall anything except for the chaos last night, the student with the knife.
Pa'no ako nakatulog at sino ang nagdala sa'kin dito? Ang huli kong memorya, nasa hardin ako ng URA.
Inilibot ko ang mata ko sa paligid noong bigo akong habulin ang mga memorya kong tumakas na mula sa'kin. Madilim ang paligid, pero salamat sa asul na ilaw sa malapit sa'kin, nakikita ko ang paligid. May tubig sa sahig, may mga kadena rin do'n na parang nakakabit sa lumang pader ng palasyo pababa sa tubig.
I stopped for a while, nostalgia hitting my senses, and a few memories flashed before my eyes.
Tubig na sahig, kadena, madilim na paligid at lumang pillars at pader sa mga palasyo . . .
Wala ako sa URA. Narito nanaman ako sa lugar kung saan ko napanaginipan ang sampong anino. Pero this time, hindi ako nakatayo sa tubig, nakaupo ako sa kama na nasa gitna ng lugar na ito. Isa siyang kama na pinaglumaan, kagaya ng mga kama ng sinaunang mga tao sa mga panahong laganap pa ang mga imperyo.
Weird. Nakakatakot ang aura ng lugar na 'to nung una ko 'tong mapanaginipan. Pero ngayon, may kung anong mga bagay ang nagbago. Kung dati, walang bumabagsak na tubig mula sa mga pader, ngayon ay meron na.
May mga vines din, may mga magagandang asul at pulang bulaklak sa mga bato na dati ay wala. Para bang, naging magandang lugar ito bigla mula sa dating pagiging nakakatakot at hindi kaaya-ayang lugar.
Muli akong luminga-linga sa paligid, sinusubukang sagutin ang sariling kaisipan na nagsisitakbuhan sa utak ko kahit na malabong makahuli ang mga 'yon ng sagot.
Out of curiosty, tinignan ko ang tabi ng kama at tumambad sa'kin ang isang tao.
"What the fuck, sino ka?!" napabalikwas ako ng upo at umatras sa binatang nakita ko na nakaupo sa isang upuan na nasa tabi lang ng kama.
I don't know if he's looking at me or what expression he's wearing now. All I can tell is he's clad in black with a hood to conceal his face. Like in my initial dream, his face remains unseen. It's blurry, almost as if the blue light hesitates to reveal him, emanating from his palm. The light forms a circular shape in his hand, yet the wisps of smoke it emits envelop my upper body for reasons I can't recall.
Sinundan ko ng tingin ang isang maliit na kulay asul na usok habang alerto pa rin na may binatang hindi ko kilala sa tabi ko. He could just be using the light as a distraction to stab me or something else.
Lumilipad ang isang kulay asul na usok mula sa palad niya at pinalibutan ang upper body ko habang pinapanood ko ito. Habang unti-unti itong nawawala at habang pinapalibutan ako, isang malaking kulay pula na mantsa sa dibdib ko ang nakapukaw ng atensyon ko. Napansin ko rin ang apat na may kalakihang butas sa damit ko, malapit sa dibdib.
I just stared at it, still clueless about the reason behind the bleeding in my chest. I may have unearthed memories from the depths of my mind, but I still can't recall why there's blood on my chest.
Tangina, nahihibang na'ko, mas lalong sumakit ang ulo ko kakaisip dito. Napasapo uli ako sa noo ko, para na siyang sasabog dahil sa sakit.
"You were stabbed," biglaang sambit ng binata na nakaupo sa tabi ng kama ko. Because of this, I hissed.
BINABASA MO ANG
The Book in Disguise
Fantasy(On going) Navina Nyx Kitayama, the quick-tempered, petty SSG Vice President of Del Xuel High, received an intriguing invitation one day: leadership training at URA (University of Raelion Agnor) with her chaotic and talkative SSG President, Earwyn A...