Vina
"THERE..." Zerenity pointed sa isang fast food stall habang hila-hila niya ang kaliwang braso ko.
Hinayaan ko siyang hilain ako sa kung saan-saan habang pilit niyang inaalala lahat ng lugar kung saan sila pumunta ng mga kapatid niya. Well, unfortunately, sa lahat ng lugar na pinuntahan namin, wala kaming nakita, kahit na anino o presensiya ng nasabing Kuya at Ate niya ay wala.
Lungkot na lungkot na siya kanina habang hinihila ako papunta sa huling destinasyon na naalala niya. Which is there, the fast food stall.
Habang papunta kami rito, natanong ko sakaniya kung kaano-ano niya si Kurt, she said na Kuya nga niya.
Okay, where in the hell is her Kuya then? Where are you, Kurt Elenox? Kung gaano ko ka responsible sa mga kompetisyon na sinasabakan natin, gano'n ka naman ka iresponsable sa kapatid mo. Ganito ba?
Tinignan ko ang stall na itinuro niya at tumango ng dahan-dahan. I also don't know kung paanong hindi niya napansin na hindi na niya kasama ang kapatid niya dahil imposible 'yon. Malakas ang senses ni Kurt, that's one of his annoying traits.
Well, maybe he thought na nakasunod sakaniya si Zerenity kaya tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad o kaya naman pwedeng may nakapukaw sa atensyon ni Zerenity at bilang isang bata na kuryos sa mga bagay bagay sa mundo ay sinundan ito.
Pero, kahit na ayaw kong ipagtanggol ngayon si Kurt, hindi siya tanga o bobo. Matalino siyang tao at mayroon siyang common sense. Kaya imposible ring mangyari 'yon. Besides, Zerenity mentioned na may Ate rin siyang kasama, kaya paanong dalawa-dalawa na nga silang nagbabantay ay nahiwalay pa rin sakanila ang bata?
I let out a quiet, hidden sigh. For a long time, I've yearned for an older brother who could offer guidance and assistance in matters I'm unfamiliar with. However, this situation has the potential to alter my wish.
Ini-angat ni Zerenity ang tingin sa'kin nang mapansin na malapit nang magsara ang mall. "Mahahanap pa....po ba natin...sila ate?" she asked
Tumigil ako, as I just realized that I have to reassure her na magiging okay rin ang lahat, kase kung hindi ko 'yon gagawin, baka bigla siyang umiyak.
With care and gentleness, I softly patted her ash-blond hair, hoping to provide a small measure of comfort. "Yes, tiwala lang, okay?"
Tumango siya sa sinabi ko bago umiwas ng tingin at nagmasid-masid sa paligid. She's trying her best na hanapin ang kaniyang ate't kuya para makauwi na. I wanted to take her to the information center to expedite the search, but the issue was that I didn't know where it was located in the mall. And I had a reason for being hesitant to rely on the mall staff to assist Zerenity.
There's been a recent case of pedophilia and sexual assault involving some of the staff members, and because of that, I didn't want to entrust Zerenity's safety to them. Whether I know her or not, no one deserves to fall victim to such reprehensible and repugnant behavior.
Now, what to do? Kahit na kating-kati na akong i-contact si Kurt para sabihan siya na kasama ko ang kapatid niya ay hindi ko pa rin magawa. Not because I can't swallow my pride, pero dahil wala akong contact number ni Kurt at hindi rin ito saulo ni Zerenity.
Damn. Can't they just put something on her pocket? Like a calling card or something? But, yet again, wala namang ni-isa sa mundong ibabaw na 'to ang nakahula na mangyayari 'to.
Tinignan ko si Zerenity. Kaunti nalang ay iiyak na dahil hindi pa rin nahahagilap ng mga mata niya ang anino ng kaniyang ate at kuya.
Tumigil ako saglit at napatingin sa ice cream stall.I'm not sure if this trick would be effective with Zerenity, but it's something I do whenever our youngest brother is on the verge of crying and we're near a store.
BINABASA MO ANG
The Book in Disguise
Fantasy(On going) Navina Nyx Kitayama, the quick-tempered, petty SSG Vice President of Del Xuel High, received an intriguing invitation one day: leadership training at URA (University of Raelion Agnor) with her chaotic and talkative SSG President, Earwyn A...