Chapter Twenty Seven

16 0 0
                                    

Chapter Twenty Seven

Xylie's Point Of View

Napag isipan namin na lumipat nalang dito ulit sa dati kong school. Wala eh. Nosebleed ako dun. :D kaya eto ako ngayon, nosebleed pa rin sa Physics na to. -__-' bakit ba kasi ang hirap hirap mong intindihin? :3 malapit na ang finals oh, makisama ka naman please?

"Hoy! Ginagawa mo diyan babe?" kilala niyo naman na kung sino to.

"Bakit ka ba andito? Sinusundan mo ba ako?"

"Di ah. Saktong napunta rin ako dito kasi mag aaral ako para sa finals natin." natin!? dito na rin siya nag aaral? Tinitigan ko naman siya na oarang nagtataka.

"Oh! Oh! alam ko crush mo ako pero wag naman masyado baka matunaw babe mo niyan *kindat* tsaka baka mahalata tayo masyado ng madaming tao babe" sabay ngigi. tss asa siya. Mukha mo tol.

"tss asa." nagbasa na ulit ako. kailangan kong maintindihan to.

di ko talaga maintindihan to :3 di ba pwedeng Math nalang lahat? para mas madali. "paano to arghhh! tss" nainis na ako kaya clinose ko na yung book tapos nagsuot na ng earphones. matutulog muna ako.

Cloyd Point Of View

Habang nagbabasa ako tinititigan ko siya, sobrang ganda niya talaga. I want her. No I think I love her. Nasa kanya na lahat ng gusto ko, pero medyo masungit siya kaya pahirapang manligaw dito :D habang tintignan ko siya parang kumukunot yung noo niya. Problema neto? Nainis sguro siya kaya clinose na niya yung book tapos nilagay niya sa desk yung ulo niya. Natulog na yata?

Tinitigan ko lang siya habang natutulog siya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. :') Sguro madaming nanliligaw dito di lang maligawan kasi masungit. Kinuha ko yung libro na binabasa niya. Physics? Nahihirapan ba siya dito? :)

Xylie's Point Of View

Palapit na ng palapit yung finals namin. Paano na to? Nahihirapan pa rin ako sa Physic na to. -__-' pinuntahan ko na lahat ng kaibigan ko para magpaturo sa Physics na to pero wala talaga :( kailangan ko na yatang magpakuha ng tutor. :3 haay. Naalala ko tuloy siya. :(

FLASHBACK

Nagrereview kami para sa exam namin...

"Baby, di ko alam to paano ba to :3?" hindi ko kasi magets yung lesson namin sa Physics.

"Where my babygirl?" lumapit naman siya sakin at kinuha yung book na hawak ko.

"Ah ganito lang yun baby *explain dun sa lesson* gets mo na?" tumango naman ako ngumiti siya tapos ngumiti din ako. Hinalikan niya naman ako sa noo. He's so sweet talaga :')

"Basta tawagin mo lang ako pag may tanong ka pa baby okay?" tumingin naman ako sa kanya, ngumiti naman siya.

"Oo di ka nakakaabala mahal. Iloveyou" sabay ngiti niya at bumalik na ulit sa pagrereview niya.

END OF FLASHBACK

Miss ko na siya. Sobra. Pero gusto ko nang mag move on. Ayoko na. Di ko napansin, tumutulo na pala yung luha ko.

"Akalain mo isang masungit na babae, umiiyak din pala" andito na naman po ang asungot. tss naglakad na ako papunta sa gate. Hihintayin ko nalang yung sundo ko. Sinundan niya naman ako.

"Wag ngayon. Ayokong makipag lokohan ngayon kaya please? Tigilan mo ako." paalis na ako ng hinawakan ko yung kamay niya.

"May problema ka ba?" Seryoso yung mukha niya. Kinuha niya naman yung libro na hawak ko. "Akin na yan ako na magbubuhat babe" di ko nalang siya pinansin. Sinundan ko nalang siya na dire direstong maglakad. Anong problema neto? Kanina lang nangungulit tas biglang seseryoso.

~~~

"Okay ka lang?" Seryoso niya pa rin kasi ngayon eh.

" *nod* oo naman" ngumiti naman siya pero parang may mali talaga. Haay hayaan na nga. Bigla naman siyang nagsalita ulit. "tignan mo baka nagtext na yung sundo mo" ayy oo nga pala. Oh wait! Buti pinaalala mo.

From: Mama

Anak, umuwi ka ng maaga ngayon ha? Wala kasi si kuya Marco na magsusundo sayo. Nagka emergency sila ngayon sa bahay nila kaya umuwi siya ng probinsya. Ingat anak. I love you.

tinignan ko kung anong oras tinext ni mama yun. 4:23!? Eh magsi 6 na oh. Haynaku naman! Bat kasi di ako nagche check ng phone agad bago umuwi? -__-

"Oh anong sabi? asan na daw?" tanong niya sakin. No choice ako. Magco commute ako.

"Ah magcocommute nalang ako, ako na yang--"

"Tara na." Hinila niya ako papuntang kotse niya.

"Hindi magco commute nalang ako baka maabala pa kita. Akin na yang mga libro ko" kukunin ko na sana yung mga libro ko nung hinila niya ako papasok ng kotse niya.

"Hindi ko namang hahayaan na magco commute ka sa ganitong oras. Alam mo bang sobrang delikado sa gabi? paano kung may mangyaring masama sayo?" nabigla ako sa sinabi niya. Siya ba ito? Seryoso niya masyado ah.

Tinaas ko yung dalawang kamay ko. "Oh kalma. Suko na ako" ngumiti naman siya. tss bipolar netong lalaking to. Abnoy. Haha. "Good babe. Let's go? I'll bring you home" nagdrive naman siya papuntang bahay.

"Ah, Xy?" tumingin naman ako sa kanya. Parang ang seryoso niya ulit.

"Nakita ko kanina hirap na hirap ka sa Physics. Do you want me to help you?"

"No thanks." sabay tingin sa bintana. Gusto ko siya lang magtuturo sakin. Siya lang :(

"But--"

"Kukuha nalang ako ng tutor ko."

"Dahil ba to sa pinsan ko?" What? Anong pinsan pinagsasabi neto?

Cloyd Point Of View

"Dahil ba to pinsan ko?"

FLASHBACK

"Hey cousin how are you?" umuwi kasi ako dito sa Pinas para kamustahin din ang parang tinurung ko na ring kapatid ko.

"Okay lang. Bat ka pala naparito? Haha. Layo ng Korea sa Pilipinas bro ah"

"Bawal na ba ako dito? Haha. Pinabanned na ba ako ng may ari ng Pilipinas o kaya--" binato naman niya ako ng crumpled paper.

"Wag ko nang ituloy. Alam kong kahanginan na naman lalabas sa bibig mo."

"Ganyan talaga. Mana sayo eh hahaha" ngumiti naman siya. Pero yung tipong pilit. Problema neto?

"Bro?" tumingin siya sakin. biglang lumungkot yung mukha niya, umupo naman ako tabi niya at nagkwento siya.

Umiiyak siya. First time kong makitang umiiyak to dahil sa babae. Lahat kasi ng naging girlfriend niya parang laro at libangan niya lang pero ito kakaiba. Ibang iba. Seryoso talaga siya sa nangyari.

END OF FLASHBACK

"Ikaw ba yung girlfriend ng pinsan ko?" tumawa naman siya ng malakas. "Eh sino ba yang pinsan mo?"

"Si Jiro Liam Sandford."

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon