Chapter Eight

154 10 0
                                    

Chapter Eight

"Yam naman wala ka bang tiwala sakin? Ilang beses ko bang sabihin sayo, wala akong alam diyan! Okay?"

*toot* *toot*

Mali ba yung ginawa ko? Tinanong ko lang naman siya tungkol doon sa malanding babaeng yun eh.

Konsensya:

Oo! Mali ang ginawa mo dahil hindi mo siya pinagkatiwalaan.

Hindi! Hindi ko kasalanan yun, may tiwala naman ako sa kanya eh kaya lang nag-aalala lang ako na baka mawala siya sakin.

Tinatawagan ko ulit siya pero hindi na niya sinasagot. Siguro nga nagalit sakin yun. Tinabi ko nalang yung cellphone ko at natulog na. May pupuntahan pa kami mamaya.

~~~

"Yam! Hwag mong gawin sakin 'to! Sorry! Sorry kung nag react ako agad. May tiwala naman ako sayo eh, kaso lang--"

"Kaso lang ano? Kaso lang iniisip mo na baka totoo yung sinasabi ng babaeng yun? Xylie naman! Nasan ang sinasabi mong tiwala doon?!"

"Jiro! Jiro makinig ka. May tiwala ako sayo--"

"Talaga? Ha-ha alam mo ba ang salitang yun?"

"Teka nga lang kasi! Patapusin mo muna ako! Oo! Alam ko ang salitang iyon at kung sinabi kong may tiwala ako sayo. May tiwala ako! Nagreact ako agad kasi ayaw kong mawala ka..."

"Mahal na mahal na kita Jiro *cries*"

"Xylie! Xylie! Gumising ka! Nananaginip ka! Xylie!" Bigla naman akong napabalikwas nang tapikin ako ni Brylie (karoom mate niya) pinainom naman nila ako ng tubig.

"Okay ka lang ba?" Tumango naman ako, hinahagod pa rin nila yung likod ko.

"May problema ka ba?" Tanong ni Kesha (room mate niya) napatingin naman ako sa kanila. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napaiyak. Kinabahan naman silang dalawa.

"Uy Xylie! Bakit ka umiiyak? Anong masakit sayo?" Nagpapanic na si Kesha. Umiling nalang ako. Alam ko para akong baliw dito na umiiyak ng walang dahilan.

"O-okay lang ako *sniff*" I try my best to smile para hindi sila magpanic at mag alala sakin. Nung tumagal tagal ay kumalma na ako. Panaginip lang pala lahat ng yun. Sana hindi mangyari sakin yun sa totoong buhay baka mamatay ako ng di oras dito.

"Xylie, tara na sa baba, magdidinner na tayo" aya sakin ni Brylie. Tumango naman ako at nginitian siya.

Tinignan ko yung phone ko kung may text or tawag. Pero wala. Wala ba silang care sakin? Bakit hindi man lang nila ako kamustahin? :( Tss. Iniwan ko nalang yung phone ko sa table at bumaba na.

~~~

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa review area. Doon, walang gadgets at ingay. Review lang talaga. Pwede usap pero dapat math pa rin ang topic niyo. Hirap noh? Sinabi mo pa. Ha-ha.

Nagreview lang kami ng nagreview hanggang sa mapagod na kami at bumalik na kami sa dati naming kwarto. Pero syempre ako, hindi muna ako pumunta sa kwarto ko, kahit bawal nang lumabas dahil gabi na. Lumabas pa rin ako, malapit kasi yung hotel na pinuntahan namin sa beach. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa may makita akong dalawang tao na nag-uusap. Syempre, chismosa ako eh kaya lumapit ako sa kanila pero yung tipong hindi nila ako mapapansin.

"For sure, nag-aaway na sila ngayon. Haha. Ako pa. Galing ko kaya kanina. Kung nakita mo lang yun. Hay naku mabibilib ka talaga" wait.. Parang kilala ko yung boses ah. Tinitigan kong mabuti yung mukha pero hindi ko makita. Lalapit pa sana ako nang may naapakan akong can ng coke.

O_O

Lagot ako nito! Tumakbo ako agad at mas binilisan ko yung takbo ko hanggang sa makadating na ako sa room ko.

Kinabukasan...

Bakit ang ingay sa baba? >.< Hello! May natutulog pa po -.- magpatulog naman kayo. Pleasee!! Dahil sa sobrang ingay bumangon ako sa higaan ko at bumaba.

Bakit ang daming tao? Anong meron? Flag ceremony?

"Kayo! Isa sa inyo ang lumabag sa batas! Sino sa inyo ang lumabas ng gabi at hindi bumalik kaagad sa kanyang kwarto?" bigla namang nagbubulong-bulungan yung mga tao. Chismosa lang mga teh? Tsk >.<

"Ano?! Walang aamin sa inyo? Gusto niyong maparusahan lahat?" Tss. Sino ba kasi yung lumabas ng gabi at hindi bumalik kaagad-- wait.. O_O ako yun! Omo! Lagot ako! T_T

"Siya po! Siya po ang nakita kong lumabas kahapon!" Sabi ng isang estudyante..wait siya yung malanding cheerleader. Tsaka ako? No! Huhu! Hindi ako aamin, kahit anong mangyari. Gusto ko pa mabuhay, okay ang O.A ko.

"Miss Rodriguez, is that true?" Napatulala naman ako. Aamin ba ako? Anong mangyayari sakin kung aamin ako?

"A-ah mam.. Kasi po--"

"Miss Arevallo, ako po ang lumabas kahapon ng gabi, kasi po tumawag yung mama ko eh wala pong signal kaya lumabas ako" whaat? Sino yung matapang na estudyanteng yun?

"Mr. Xion! Alam mo ba ang mga batas natin dito?" Tanong nitong guro na 'to. Tss. But wait. Xion? You mean Enzo Xion? Omo! Siya nga! Sinave niya ako.

"Yes Mam. Sorry po mam" I felt sorry for him. Nagsosorry siya sa hindi naman niya kasalanan. "Go to my office, now! And kayo naman go back to your rooms!"

Bago ako bumalik sa room ko, nilapitan ko si Enzo.

"Enzo!" Lumingon naman siya.

"Thank you pala ah" sabi ko sabay nginitian siya.

"Bakit ka nagtathank you?" Poker face niyang sabi. Namiss ko yung boses niya.

"A-ahh. Wala--"

"And oh! Nga pala ikaw pala yung may kasalanan neto kaya ka nagtathank you. Ha-ha. Don't worry. Hindi ko ginawa 'to para sayo. I did this because ayaw kong maparusahan ang wala namang KASALANAN. Tutal wala nang AAMIN diba? kaya ako nang umamin." Sabay ngiti niya sakin. Yung ngiting may galit. Bakit ganun na siya? Nagbago na siya. Dahil ba yun sa kadahilanang binalikan ko si Jiro? Bakit? Ayaw niya bang maging masaya ako? I know he have a concern on me pero bakit ganito? Parang ang laki-laki ng galit niya sakin? Grabe..

"Nagbago na siya" bigla ko nalang nasabi ko yun. Ang sakit💔

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon