Chapter One

303 14 4
                                    

Chapter One

"Grabe best binalikan mo pa siya? Ay naku naman Xylie hindi ka na natuto" pagrereklamo ni Yesha nung nalaman niyang binalikan ko ang lalaking yun.

"Alam mo Xy, hindi niya deserve yang pagmamahal mo at yang second chance mo"

"Ay naku Madellaine hindi lang pang second chance yan. Pang ilang chance na ng lalaking yan pero hindi pa rin siya natututo. Tsk" yeah. She's right, hindi lang second chance, third chance, fourth chance ang naibigay ko, kundi marami nang chance. Ang baliw ko diba? Ganyan siguro ang love.

"Xylie, mabuti pang hiwalayan mo na yang lalaking yan. Lolokohin at lolokohin ka lang ng lalaking yan" kailan ba magiging sweet 'to? Grabe, brineak lang ng boyfriend niya naging bitter na, ganun din ba kayo pag binibreak kayo?

"Haha. Hindi ka naman bitter niyan Louise?" Pang aasar ni Sabrina sa kanya, inirapan niya lang ito.

Habang nagkukwentuhan kaming magkakaibigan biglang may dumating na lalaki sa tambayan namin.

"Hi Guys! Kamusta na kayo?" He's Enzo Xion. And he's also my friend, our friend. Mabait siyang tao medyo mayabang nga lang and gwapo din, nirereto nga nila sakin si Enzo pero ayoko, ayoko talaga. Natatakot ako na baka isang araw iiwan niya lang ako, na baka mawala yung pagkakaibigan namin. He's one of my bestfriend, my one and only boy bestfriend at ayokong mawala siya sakin.

"Hoy Xylie!! Tulala ka diyan, okay ka lang? Sabi na nga ba eh may gusto ka sakin eh" sabay-sabay naming binatukan si Enzo, baliw eh -.-

"Hoy wag ka Enzo, sila na ulit ni lover boy. Bongga diba? Bonggang katangahan" bigla namang nag iba yung aura ni Enzo.

"Bespren? Totoo ba yun?" Nagnod naman ako, "Xylie naman, hindi ka na ba natututo? Grabe naman, ilang beses ka na niyang niloko pero patuloy ka pa ring naniniwala sa kanya. Patuloy pa rin yung--tss. I don't believe this. Hindi ka na natuto"

"Besp--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil umalis siya, nagwalk out siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong concern lang siya sakin. Tinignan naman ako nila Yesha. Naiiyak na ako. Mali ba yung ginawa ko? Mali bang balikan ko ulit siya? Mali bang bigyan siya ulit ng second chance?

"Best, okay lang yan. Alam mo namang nag-aalala lang sayo si Enzo kaya siya nagalit, pero mamaya, tignan mo magsosorry din yun. Intindihin mo muna siya. Okay?" Nag nod nalang ako.

BTW, nagdadrama na ako dito pero hindi niyo pa ako kilala, ako nga pala si Xylie Rodriguez, I'm a fourth year high school and I have a boyfriend, my first ever boyfriend, he's Liam Sanford at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya kahit ilang beses niya pa akong lokohin at saktan. Hindi ko ba alam kung namanhid na ba ako o sadyang ewan lang ako.

~~~

Flashback 2 weeks ago..

"Liam, ayoko na. Lagi mo nalang ginagawa sakin 'to. Pagod na pagod na ako!" Bigla niyang pinunasan yung luha ko at niyakap.

"Shhh. Xylie, don't cry, promise hindi ko na gagawin ulit yun. Hwag ka lang mawala sakin. I love you" muli akong nabuhayan nung sinabi niya yung tatlong word na yun. Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako sa mata.

"Xylie, I'll promise magbabago na ako. Babawi ako sa kung ano man ang pagkukulang ko sayo noon. Hwag mo lang akong iwan. Ayokong mawala ka sakin"

And with that, napatawad ko muli siya sa kasalanang ginawa niya sakin. Alam kong madami nang chance yung naibigay ko sa kanya, pero hindi ko alam. Parang hindi ko siya matiis. Hindi ko kayang iwan siya. Mahal ko siya eh.

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon