Chapter Twenty Four

49 0 0
                                    

Chapter Twenty Four

Xylie Point Of View

Three weeks na tayong magkasama at sa tatlong linggo na yun ay naging masaya ako. Parang naramdaman ko ulit yung sparks. Gusto kong bumalik yung dating tayo pero umasa lang ako. Pagkatapos ng gabing iyon naging cold ka na ulit sakin, nawala na din yung communication natin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo. Hindi ako makatulog ng ilang araw dahil sa kaiisip sayo. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sayo kaya naging cold ka nalang bigla. Anong nangyari ? Para saan yung mga ginawa mo noong nakaraang araw sa akin? Pinaasa mo lang ako? At ako namang si baliw, umasa asa pa. <\3

"Hooy. Okay ka lang Xie?" Hindi ko napansin umiiyak na pala ako.

Sasabihin ko ba o magsisinungaling ako? Alam kong masasaktan sila kapag sinabi ko ang totoo. So I choose to lie again.

"I'm okay."

"You sure?" I nodded.

~~~

Habang nasa comfort room ako para ayusin ang sarili ko. May tatlong babae na nag-uusap sa harap ng salamin kung saan nandoon din ako.

"Oy alam niyo ba wala na yung bagong transferee na gwapo?" -Girl 1.

"Oh sayang naman. Bakit daw? -Girl 2.

"Bumalik na daw sa Pilipinas." - Girl 3.

Bumalik sa Pilipinas ?!

Iisa lang naman ang kilala kong transferee na galing sa Pilipinas.

Di kaya --

"Ah Miss anong pangalan nung lalaki?" Tanong ko sa kanila.

Parang babagsak ako ng di oras nang marinig ang pangalan na yun.

"Si Jiro Sandford po ate."

Yesha Point Of View

Ngayong yung araw na babalik ng Pilipinas si Jiro. Nung una nagpupumilit siya at humihingi ng extension kay tita pero hindi niya ito pinakinggan kaya napilitan siyang umuwi ng hindi nakakapagpaalam kay Xylie. Alam kong malulungkot na naman si Xylie dahil feeling niya iniwanan na naman siya. Ngunit kahit anong pilit niyang balikan si Jiro ay hindi na maaari.

"Kamusta ang Korea?" Tumango lang siya. Wow ah. Oo o hindi ba ang sagot sa tanong ko? Ayos ah.

Tinignan ko siya ang lungkot-lungkot niya. Tumingin ako dun sa tinitignan niya. Picture nilang dalawa ni Xylie. Masayang-masaya. Nararamdaman ko malungkot na naman ito. Tumabi ako sa kanya at tinap ang balikat niya.

"Okay lang yan. Maybe God has a good reason for the both of you." Nakita ko nalang na may tumulo na luha sa mga mata niya. Nalulungkot ako para sa kanya. Never pa akong nakakita ng guy na umiiyak. Hinagod ko ang likod niya.

"Haay naku Jiro. Just forget about her na kasi. Mahirap bang gawin yun?"

"I really love her. I don't want to leave her someday. I want to grow old with her. I want to be with her in my last breath."

Sa sinabi niyang yun mas lalo lang akong nalungkot at naiyak. Bakit sa kanila pa nangyayari ang lahat ng ito. I want to help them. Pero wala akong alam na paraan para matulungan sila.

"How can I help?" Bigla naman siyang napatingin sakin.

"I want to see her in my last breath." Para akong kinutuban sa sinabi niya.

"W-what do you mean?"

"I want to be with her again. I want her back." Yung mukha niya parang nagmamakaawa. No. Nagmamakaawa talaga.

SHOULD I LET HIM. OR. NOT ?

~~~

P.S. SORRY PO SA SHORT AND SUPERLATE UPDATE. 😂

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon