Chapter Three

191 13 2
                                    

Chapter Three

"Anak! Baba ka na diyan. Malalate ka na sa klase mo!" Naka ng naman. Ingay naman ni mama oh.

"Opo five minutes!" Sigaw ko nalang para hindi mag ingay si mama. Tsk. Naman oh.

"Hay naku! Anong five minutes? 7:15 na. Hindi ka pa ba tatayo diyan?" Tsk. Napilitan akong tumayo dahil alam ko na ang susunod na gagawin ni mama. Pumunta na ako sa cr at naligo na.

~~~

"Anak kumain ka na"

"Ah wag na po ma, una na po ako. Sige po" sabi ko kumiss na ako sa pisngi ni mama. Umalis na ako sa bahay at pumunta na sa school.

Pumunta muna ako sa tambayan namin at nakita doon sina Yesha, Madelliane at Louise. Naalala ko si Enzo. Kamusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya sakin?

"Hi. Uhmm. Wala pa si Enzo?" Tanong ko sa kanila. Nakita kong biglang lumungkot yung mukha nila. Anong problema?

"Xy, lumipat ng school si Enzo, hindi namin alam kung saan" ano?! Dahil ba 'to sa nangyari?

"Xy, wag ka mag-alala, hindi ito dahil sayo. Family problem ang dahilan kaya siya lumipat" hindi eh. Parang may mali eh.

"May--"

*Krinnnnggggggg*

"Tara na. Time na" tumakbo na sila papunta sa room, samantalang ako. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko yung mga nangyayari.

"Oh Yam! Late ka na bakit andito ka pa?" Nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko, "Okay ka lang?" *sigh* tumango nalang ako at sabay na kaming pumunta ni Jiro sa school.

Pagdating namin sa school, buti wala pa yung teacher. Hinatid ako ni Jiro sa upuan ko. Hinalikan niya ako sa noo at binigay na niya sakin yung bag ko. "Relax" sabi niya sabay upo sa upuan niya.

Hinampas naman ako ng isa kong katabi ko dito. Sino pa ba. Tss.

"Ano na naman yun Yesha?" Tinusok niya naman ako sa pisngi ko sabay tanong ng,

"Ayieeh, ano yun? Hahaha. May pa ganun-ganon na kanyo ngayon ah. Haha. Nagbabago na si Loverboy" sabi niya habang tinataas taas pa niya yung kilay niya. Ngumiti naman ako sa kanya,

Sana nga magbago na siya, sana nga di na niya ako lokohin.

Ilang minuto pa ay dumating na yung guro namin. Lesson dito. Lesson doon. Hanggang sa matapos na yung subject namin.

"Okay class dismissed, you may now take your lunch break"

[A/N: Isipin niyo nalang po na marami nang subject ang natapos nila xD Hahaha]

"Okay class dismissed" nagsitayuan na kaming lahat at nagpray. Pagkatapos nun pumunta sakin si Jiro.

"Yam, sama ka muna kina Yesha ha, may pupuntahan lang ako. Hatid ko nalang kayo sa canteen" sabi niya sabay kuha ng bag ko.

"Saan naman yan Yam?" Tanong ko sa kanya, pero hindi niya sinagot. Nginitian niya lang ako sabay hawak nang kamay ko. Naglakad na kami papunta sa canteen. Binigay na niya sakin yung bag ko at niyakap ako.

"Yam, hwag ka mag-alala magdodota lang kami. Pwede? Haha. Kung papayagan mo lang naman ako" sabi niya habang nagpapacute. Sus. Ito talagang 'to. Matatanggihan ko pa ba ang mukhang yan?

"Sige na. Basta. Basta ah. Kumain ka tapos balik kayo bago magtime. Okay ba yun?" Ngumiti naman siya at tumango.

"Oo naman. Haha. Salamat. Ingat ka ah. Kain ng marami. I love you" sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Nginitian ko nalang siya.

"Ingat din. I love you too"

Umalis na sila kasama sina Leo, Vince at Nigel. Umupo na din kami sa upuan namin.

"Oh bat ganyan kayo makatingin?" Yung tingin kasi nila nakakakilabot.

"Ikaw ah. Haha" sabi ni Madellaine sabay kiliti sakin.

"Ano ba! Hahaha. Nakikiliti ako. Haha."

"Buti, nagpapaalam na sayo yun? Dati hindi naman ah" pang uusisa ni Louise.

"Baka nagbago na nga. Natuto na." Sabi ni Yesha habang kumakagat pa ng donut.

Sana nga nagbago na talaga siya. Sana tama yung desisyon kong binigyan siya ulit ng chance, kahit na ilang chance pa yan. Gusto ko forever na kami❤️

~~~

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon