Chapter Six

162 8 0
                                    

Chapter Six

"Maraming salamat po" pumasok na kami sa bahay nila, binuksan nila yung pintuan nila at bumungad samin ang bagong gising lang na Jiro.

"Kagigising niya lang? Wow ah." Bulong ni Louise. Tinitigan ko naman si Louise at nag sign na tumahimik siya.

"Oh! Hi! Goodmorning girls! Goodmorning Yam." Sabi niya sabay yakap sakin. "Anong meron? Bakit kayo andito? Bilis niyo naman maka miss sakin?"

"Wow! Ang hangin ah" natatawang sabi ni Madellaine habang inaaction niya yung parang hinahangin siya. Natawa naman si Jiro. Ang cute niya *o*

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya.

"Kagigising ko lang Yam eh, eh ikaw bakit kayo nandito? Alam niyo bang may klase kayo? Bakit kayo nagcut?" sunod-sunod na tanong ni Jiro.

"Dahil sayo." Oo dahil sayo kaya hindi kami pumasok. Sobra--

"Sobrang nag-aalala sayo si Xylie kaya sinamahan namin siyang pumunta sa bahay niyo. Tss." So pinangungunahan mo ako Yesha? Haha.

"Yam naman, dapat nagtext ka nalang sakin kaysa naman nagcut ka pa, mamaya pagalitan pa ako ni tita Xienna (mommy of Xylie) Yam eh"
Sabi sabay nagkamot ng ulo. Hahaha. Pinagkakatiwalaam kasi siya ni Mommy ng sobra kaya yung mga break-ups namin noon hindi ko sinasabi sa kanya. Kasi tinuturing na niya itong parang anak si Jiro. Kasi nga diba galit siya sa mommy niya kasi--

"Hoy Xylie! Tulala ka na naman diyan. Mamaya ka na magday dream diyan. Tinatawag tayo ni ate Cleofy (sister of Jiro)"

"Bakit daw?" Napahampas naman siya sa mukha niya.

"Di ka nga nakikinig. Tss. Kain na daw tayo ng lunch dito" napatingin ako bigla sa relo ko, 11:35 na bakit ang bilis naman yata ng oras? Tsaka nakamiss kami ng dalawang subject. Patay kami neto >.<

Pumunta na ako sa kusina at nakita kong kumakain na sila sa table. Umupo na ako sa tabi ni Jiro at Yesha.

"Sa lunes na kayo pumasok, kinausap ko yung principal niyo, inexcuse ko kayang lima sa kanya. Buti nalang mabait siya at pumayag. Kapatid, hwag nang gagawin ulit yun ah" tumingin naman ako kay ate Cleofy at ngumiti, "Opo ate" ngumiti din siya pabalik.

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa garden nila. Ito yung isa sa pinakamagandang puntahan sa bahay nila, maganda kasi, maaliwalas tsaka madaming flowers.

"Yam, anong nangyari kahapon? Yung emergency?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang napatigil sa paglalakad.

"Kasi.. Kasi ano.. Walang tao sa bahay kaya.. Kaya umuwi ako" sabi niya sabay ngiti. Huh? Ang weird niya. Di bale na nga.

"Siya nga pala, bakit di mo sinasagot tawag ko. Ha! Ikaw!" Sigaw ko sa kanya. Sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.

"Hahaha. Easy! Easy lang Yam, kasi in off ko yung cellphone ko. Okay?" Pagpapaliwanag niya. Sabay balik ng kamay niya sa balikat ko.

"Eh bakit kasi naka off?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Kasi po madaming tumatawag sakin. Mostly mga girls na hindi ko naman kilala" dami kasing babae eh. Tsk >.<

"Haha. Hwag ka na magalit. Sorry na" sabi niya habang nagpapacute pa.

"Tss. Dami-dami kasing babae eh" binulong ko lang yung huli ko sinabi .

"Ano? Ano yun Yam? Haha" tanong niya, "Wala. Tara doon oh sa grass" hinila ko na siya papunta sa grass at pinaupo ko siya doon. Tumabi naman ako sa kanya.

"Yam, anong mararamdaman mo kapag niloko kita ulit? Kapag nalaman mong nagsinungaling ako ulit?" Bigla naman akong kinabahan sa ganong niya.

Ano nga bang mararamdaman ko?

Masasaktan?

Magagalit?

"Hindi ko alam. Bakit? Niloloko mo ba ako ulit? Ha?!" Hinarap ko siya. Tinitigan niya naman ako sa mata at ngumiti.

"Hindi kita lolokohin Yam. Hinding-hindi na" sabi niya. Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

Sana totoo na 'to. Sana hindi na niya ako lokohin. Sana hindi na niya ako saktan. Sana forever na kami. SANA.

SANA LANG TALAGA ❤️

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon