Unang Kabanata

6 1 0
                                    

[Luc's POV]

Ako ngayo'y naglalakad papunta sa aking paaralan "Ang ganda ng panahon ngayon at mukhang magiging maganda ang araw na ito." Ako nga pala si Luc isang estudyante na nasa ika 10 na baitang at nagpapakasaya tulad ng karamihan. "Hoooy!! Bakit hindi mo agad sinabi na nakaalis ka na? Iniintay pa naman kita" Siya si Jhin isa sa aking mga kaibigan at kababata ko din siya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nagusap tungkol sa ibat ibang bagay. Sa pag dating namin sa paaralan ay nakasalubong namin si Kiara "maganda umaga!!" Sabi ni Kiara "Magandang umaga din!!" Tugon namin. Pumunta na kami sa silid aralan at nakita namin doon si Hiraya kami ay nagkwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay. "Sa tingin niyo ba totoo ang cranbel?" Sabi ni Hiraya "Siyempre hindi, bakit yan magiging totoo eh pang takot lang yan sa bata at kathang isip lamang." Tugon ko. "Umagang umaga ganyan ang pinag uusapan niyo, hindi ba kayo natatakot sa pinag uusapan niyo? Pano kung magkatotoo yan?" Sabi naman ni Kiara "Kalma Kiara, takot ka lang HAHAHAHAH." sagot naman ni Jhin. "Hindi naman eh!" sagot naman ni Kiara. Nagkwentuhan at tawanan kami sa mga natirang oras bago magsimula ang klase.

Natapos na ang aming klase at dumeretso na pauwi. "Ma, Pa, nakauwi na ako!" Binati ako ng aking mga magulang at di nagtagal ay kumain na kami ng hapunan. Gabi na ngunit nahihirapan akong matulog. Biglang may malakas na kalampag akong nadinig at parang may nabangga ng sasakyan. Tiningnan ko ito sa bintana ngunit nakita ko lamang tumatakbo papalayo ang sasakyan na sa tingin ko ay bumangga at ang aming kapitbahay na nakaluhod na parang bang may inoobserbahan at hinila ito paalis. Pinuntahan ko ito ngunit Wala akong naabutan. "Nakapagtataka kung anong nangyari dito, kanina lamang ay may malakas na kalampag ngunit kahit kaunti ay walang naiwang kahit ano." Bumalik ako sa aking silid at natulog nang naguguluhan ang isip.

Ngayon ay papunta ulit ako sa aming paaralan ngunit nakita ko ang kapitbahay namin, kahit isang emosyon ay hindi ko nakikita sa kaniyang mukha. Tinanong ko siya tungkol sa nangyari kagabi ngunit tumitig lamang siya sakin. Nakakakilabot ang kaniyang titig at napag desisyonan ko na lamang na dumeretso sa paaralan. "Paumanhin Luc, nauna na ako dahil nakita ko na kinakausap mo yung kapitbahay mo, ayoko namang maka istorbo kaya umalis na lang ako." Sabi sa akin ni Jhin. Tulad ng ibang araw ay nagkwentuhan kaming apat bago magsimula ang klase.

Pagkatapos ng aming klase ay nilapitan ako ni Kiara "Parang malalim ata ang iniisip mo? May problema ka ba?" sabi niya. "Baka natakot siya parang isang batang paslit sa sinabi ko kahapon?" Tugon naman ni Hiraya. "Wala ito, Hindi naman ito ganon ka seryoso" tugon ko. "Ahhh sige, pero kung may problema ka pwede mo kaming lapitan. May oras kami para sayo." Sagot naman ni Hiraya.

Mula sa paglalakad pauwi hanggang sa pagtulog ay iniisip ko pa rin ito. Bakit di ko din nakita ang aming kapitbahay noong pumunta ako doon at tiningnan ang nangyari? Pagpunta ko sa aming silid aralan ay parang kakaiba ang
atmospera at pabulong na naguusap ang aking mga kaklase. Pumasok na ang aming guro at laking gulat ko na lang nung sinabi ng aming guro na namatay na si Ychan.

HakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon