[Luc's POV]
Ngayon ay walang pasok at napagdesisyonan naming magkita kita. "Paano ka nakakasiguro na isang cranbel yung nakita natin?" Sabi ni Jhin. "Nakikita naman natin na may pisikal na katawan yung nakita natin at kaya niyang hawakan ang kutsilyong ginamit niya." sagot ko naman. "Bakit ganan ang iniisip mo Jhin, ilang araw na ang nakalipas at nakakasiguro ang tatay ko na katawan ni Ychan ang bangkay na nakita, tanggapin mo na ang katotohanan!" Dagdag naman ni Hiraya. " Seryoso ang sitwasyong ito ngunit bakit wala akong narandamang lungkot o takot sa inyo?" Sabi naman ni Kiara. "Kami din ay nakakarandam ng takot at lungkot ngunit hindi na tayo makakabalik pa, kahit anong gawin natin Hindi na natin mababawi ang mga nagawa natin sa nakaraan." sagot ko. Naipaliwanag namin sa isa't isa ang mga saloobin namin at nagka ayos matapos ang alitan.
"Naging konektado na tayo dito, at maaaring tayo ang punteryahin nito, kailangan nating tapusin ito." sabi ko. "Ngunit di pa rin ako desidido tungkol dito dahil di pa rin ako sigurado na cranbel nga ang nakita natin, kailangan muna natin ng patunay, dahil sa tingin ko ay ang cranbel ay isa lamang kathang isip." sabi naman ni Jhin. "Naiintindihan ka namin Jhin at kailangan muna nating pagisipan." Dagdag naman ni Hiraya. "Di na tayo makakabalik pa kaya kung ano ang desisyon niyo ay doon na din ako, pero mas lalala lang ito pag nadamay pa ang iba." sabi naman ni Kiara.
[Jhin's POV]
Ngayon ay 7 pm ng gabi at napapaisip sa mga nangyari habang naglalakad. Maaliwalas ang hangin na nagpapakalma sa akin. Mahirap man ngunit kailangan kong magpatuloy. Sa aking paglalakad ay di ko inaasahang makikita ko ito. Kabado at hindi makapagsalita habang nakatitig sa isang lalaki na nagpapalit ng itsura. Laking gulat ko na lamang na mukha ni Ychan ang ipinalit nito. Sa takot ay tumakbo ako papaalis at di ko alam kung anong gagawin ko. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Luc. "Totoo nga ang sinasabi mo na isang cranbel ang nakita natin at ginaya niya lamang ang katawan ni Ychan" sagot ko. " Nakita mo ang cranbel? Kailangan na nating umalis at lumayo dito baka masundan pa tayo!" Mabilis kaming tumakbo papaalis.
"Totoo ngang cranbel si Ychan na nagpakita sa atin, ano pa ang napansin mo?" tanong ni Luc. "Ang nakita ko lamang ay nagiiba ang kaniyang katawan." sagot ko. Bigla kong naalala na para mas nagiging tao na siya at may emosyon na siyang ipinapakita hindi tulad dati. "Teka lang Luc, kailangan nating magingat dahil may nakita akong emosyon sa mukha niya hindi tulad ng dati." sagot ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni Luc " Kailangan nating maresolba to nang mas maaga, kung magtatagal pa ay baka di natin ito mapigilan pa." sabi niya.
Habang naglalakad kami pauwi ay napatanong siya. "Kilala mo ba ang ginamit niyang katawan bago magbago kay Ychan? "Oo, siya ang kapitbahay mo.." sagot ko. Nagulat siya sa aking sinagot. " Kaya pala wala din siyang emosyon noong una ko siyang nakita, nagtataka lamang ako kung bakit hindi niya ako inatake." Nakauwi na kami at mas kumalma na kami sa nangyari ngunit kami ay napaisip parin. "Naririnig mo ba iyon?" tanong niya. "Wala akong naririnig na kakaiba" sagot ko. "Mauna ka na at ako na ang bahala sa sarili ko, aalamin ko muna kung ano ang tunog na ito.
[Luc's POV]
Palakas nang palakas Ang tunog na naririnig ko hanggang dalhin ako nito sa kagubatan. Kung ito man ay galing sa isang cranbel ay makakatulong din ito para maobserbahan ang ginagawa niya. Nadala ako nito sa isang patag na lupain na walang ibang puno kundi yung nasa gitna nito. May isang babae ang humihimig na nakaupo sa tabi ng puno. Habang nagtatago ay bigla kong natapakan ang isang sanga na nagbigay atensyon sa babae. Tumingin siya sakin nang may nakakatakot na titig at ngiti nang bigla na lang ay biglang nagiba ang kaniyang itsura. "Isa itong cranbel!!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Haka
Mystery / ThrillerTungkol ito sa apat na magkakaibigan na nagngangalang Luc, Jhin, Kiara at Hiraya. Si Luc ay ang tumatayong lider sa kanila dahil sa kaalaman niya sa personalidas ng isa't isa at sa pagdedesisyon, reponsable ay maasahan siyang lalaki. Si Jhin naman a...