Ika-pitong Kabanata

3 1 0
                                    

     [Luc's POV]

Dahil sa pagkamatay ni Kiara ay sakit at galit ang nararandaman ni Jhin at Hiraya. Di nagtagal ay dumating si Luc na gulat na gulat din sa nangyari. Wala na kaming magagawa at nahuli na ang mga ambulansiya at pulis dahil malalim ito sa kagubatan.
"Bakit nahuli ako!? Hindi ko man lang ako nakatulong, bakit nangyayari ito!?" Sabi ko habang umiiyak. "Wala na tayong magagawa dahil napag diskitahan tayo ng cranbel." sabi naman ni Hiraya. Tahimik lamang si Jhin at kitang kita ang kalungkutan niya. Tinanong din kami ng pulis at klaro na hindi isa sa amin ang pumatay. "Pero bakit ang aga mo naman Jhin? 6 am ang nakalagay sa sulat sa amin" tanong ni Hiraya ngunit hindi umimik si Jhin.

      Ngayon ay libing ni Kiara at kalungkutan ang nararandaman ng lahat. Nagpatawad kami sa magulang ni Kiara "Hindi naman natin ginusto ito diba? Wag ninyong sisihin ang sarili niyo at salamat din sa pag aalaga sa anak namin bilang kaibigan." Lalo kaming napaluha sa mga sinabi ng magulang ni Kiara at sa mga kwento nila. Ngunit tahimik pa rin si Jhin dahil sa nangyari at sinisisi parin ang sarili niya. Lumabas muna siya at sinabing magpapahangin. Sumunod ang tatay ni Kiara kay Jhin "Iho alam mo ba na lagi kang kinukwento ng anak namin? Mahal na mahal ka niya at alam kong mabuti at malakas kang tao, ilabas mo lang ang nararandaman mo, naiintindihan kita." sabi ng tatay ni Kiara. Nilabas ni Jhin ang nararandaman niya at mas lumuwag ang pakirandam.

      [Jhin's POV]

      Nawawalan na ako ng pagasa at kahit ilang beses akong tawagan ay hindi ko sinasagot. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin para makaganti sa cranbel. Randam ko parin ang sakit at galit ngunit hindi ko na maibabalik ang nangyari na. Kahit sisihin ko ang sarili ko ay wala akong mapapala. Siguro'y wala pang nasisimulan sina Luc at Hiraya dahil sa ginagawa ko. Biglang pumasok sa kwarto ko si Luc at Hiraya "Hindi ito matatapos kung Wala ka." sabi ni Hiraya. "Ngunit sumuko na ako di natin kayang talunin ang cranbel, kita mo naman ang nangyari diba?" sagot ko. "Masasayang lamang ang sakripisyo ni Kiara kung ganan lang ang gagawin mo." At dahil sa mga salitang ito ay napagtanto ko na mali ang ginagawa ko. "Handa na ang maaari nating gamitin para matalo ang cranbel." sabi naman ni Hiraya. Napagtanto ko din na hindi pa huli ang lahat at may magagawa pa kami. Nasurpresa din ako na sa ilang araw ay napaghandaan nila ito kahit na wala ako.

      Papunta na kami sa kung saan ilalagay ang gagamitin namin upang matalo ang cranbel. "Paano niyo nga pala nalaman kung paano lalabanan ang cranbel" tanong ko "Nahalata namin na gabi lamang naatake ang cranbel at saktong umalis siya noong malapit nang sumikat ang araw na para bang ito ang kahinaan nito gagamit tayo ng UV rays upang matalo ang cranbel ngunit di ko alam kung ano ang magiging epekto nito." sagot naman ni Hiraya.

      Inayos na namin ang mga ilaw na maglalabas ng UV rays sa puno na kung saan ay nagpapakita ang cranbel, umaga ngayon kaya hindi siya pwedeng umatake. Maayos at gumagana ito, nagpahinga muna kami pagkatapos nito, Bigla na lang may humampas sa aking ulo at nawala ang malay ko.

      Pagbukas ng aking mata ay hindi inaasahan ang nakikita. Sakal ni Luc si Hiraya at may baril na nakatutok sa ulo ni Hiraya. Nagpupumilit pa siyang umalis. "Ano ang ginagawa mo Luc at bakit ako nakatali!? galit na tinanong ko. "Dahil kayo ang may gustong sumira ng plano ko.." sagot ni Luc. Dito ko napagtanto na hindi pala siya si Luc at siya ay cranbel. "Panoorin mo muna ang pagkamatay ng kaibigan mo." sabi ng cranbel at sabay putok ng baril. Bakit nangyayari ito? Sobrang lungkot at takot ang emosyon ko ngayon habang nakatingin sa cranbel na kinuha ang anyo ng aking kaibigan na nakangiti at titig na may masamang intensyon. Ngunit hindi ako nagpadala sa emosyon ko at sinubukang sirain ang tali gamit ang kutsilyo na naitago ko. Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay nila!! Pagkatanggal ko ng tali ay dali dali kong binuksan ang mga ilaw na may UV rays "HAHAHAHA WALANG EPEKTO IYAN SA AKIN!! Bakit ko hahayaang maayos yan kung ikamamatay ko iyan?" Sabi ng cranbel. "Hindi ito maaari!!" sigaw ko. At ganon pa rin ang nangyari wala parin akong naligtas.

      "At dahil ikaw ang natitira ay sasagutin ko ang isa mong tanong, huwag Kang magalala dahil sasagutin ko ito nang tapat." sabi niya. "Kailan mo kinuha ang anyo ni Luc?"
tanong ko. "Naaalala mo pa ba noong may nadinig siyang tunog? Ang katotohanan ay hindi na siya nakaalis nang buhay doon, kaawa awang nilalang, ang ibig sabihin nito ay simula noon ay ako na ang kasama niyo, tulad na lang sa paghahanap ng sagot, at ang ipinakita ko sa mga dumaang araw ay panglilinlang ko lamang. Nagulat ako na sa lahat ng ito isa lamang mang gagaya ang aking kinakausap at tumulong para tapusin ito, ngunit isa lamang pala itong bitag. "Sa pagkuha ng ibat ibang anyo nadadagdagan ang aking kaalaman, kaya nagawa ko ito mas lalo din akong naging tao.
May mga huling salita ka ba?" Tanong niya. "KUNG KAYA KO LANG IBALIK ANG ORAS!!" Pinutok niya Ang baril na nagdulot ng aking pagkamatay.

HakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon