[Luc's POV]
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nakikita ko ngayon. Ito ba ay totoo o pinaglalaruan ako ng isipan ko. Nakita ko ang titig niya na sobrang nakakakilabot na napag desisyonan kong tumakbo at makauwi na sa bahay. Hanggang sa pag uwi ay nababagabag parin ang aking isipan tungkol sa mga nangyari. Randam ko parin Ang gulat, takot at kaba na narandaman ko kanina.
Sa aking pag pasok ay di ko parin maiwasan na mapaisip tungkol dito. "Bakit parang ang lalim nanaman ng iniisip mo?" Tanong ni Kiara. Lumapit na din sina Hiraya at Jhin sa akin. "Tungkol sa nangyari noong pauwi ako kagabi, hindi ko inaasahang makikita ko si Ychan at wala man lang emosyon sa mukha niya at may nakakakilabot na titig." sabi ko. "Nagpapatawa ka ba? Kasi kung oo hindi yan nakakatuwa." Sabi naman ni Kiara. "Kilala ko si Luc at alam kong seryoso siya." Tugon naman ni Jhin. "Kung hindi ako nagkakamali ay sa tingin ko ay ito ang kaluluwa ni Ychan, kung makakausap natin siya ay baka malaman natin ang katotohanan. Paano kung hanapin natin siya at alamin ang nangyari?" Dahil dito napagdesisyonan namin na hanapin siya at alamin ang katotohanan.
Magkasama kaming lahat umuwi pagkatapos ng aming klase. Bigla akong napatingin sa isang abandonadong gusali at nakita si Ychan "Totoo ba itong nakikita ko?" sabi ko na nakaturo kung nasaan si Ychan gulat, kaba at takot Ang aming narandaman ngunit kailangan naming alamin ang katotohanan at napagdesisyonan na pumunta dito.
Malapit nang mag dalawnag oras ay hindi namin siya mahanap. Sa tagal ng paghahanap namin ay kumagat na ang dilim. At sa isang silid ay nakita namin si Ychan " Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ni Ychan. "Ikaw ay namatay na sa isang karumaldumal na krimen at kailangan naming alamin ang katotohanan." Sabi ni Jhin at lumapit kay Ychan. Kitang kita ang mukha niyang wala ni isang emosyon at nakatitig lamang sa amin. "Ahh patungkol pala doon" bigla siyang naglabas ng kutsilyo at sinubukang saksakin si Jhin buti na lamang ay napansin ko na parang may tinatago siya. "Takbo!!!" Sigaw ni Jhin. Tumakbo kami papalayo ngunit nakakasunod si Ychan sa amin. Dumeretso kami sa isang abandonadong silid at nagtago.
Nakakita kami ng chansa upang makalabas at makatakas. "Bakit hindi ko agad napagtanto na hindi siya si Ychan. sabi ko. "Hah? Ano ang ibig mong sabihin?" Tugon naman ni Kiara "Hindi si Ychan yung nakaharap natin kundi isang mang gagaya ng anyo. Nakikita din natin na iba siya sa totoong Ychan. Naalala mo pa ba yung sinabi mong cranbel, Hiraya?" Sabi ko "Hindi yan maaari isa lamang iyang kathang isip!! Baka may rason lang siya kung bakit niya nagawa iyon?" sabi naman ni Jhin "Nahihibang ka na ba!? Muntik ka nang masaksak kung hindi ko pa napansin, pagkatapos ng muntik mo nang pagkamatay ganan ang iniisip mo!?" Tugon ko
"Wag naman kayong mag away, nangyari na ito buti nga walang nasaktan." Sagot naman ni Kiara "Sa tingin ko ay wag muna natin sabihin sa iba ang mga nangyari dito. Maaaring magdulot ito ng masama."Matapos ang mga magugulong pangyayari ay umuwi na kami. Napapaisip parin ako sa mga bagay at naguguluhan sa mga nangyari. Kailan kaya matatapos ang mga ito?
BINABASA MO ANG
Haka
Mystery / ThrillerTungkol ito sa apat na magkakaibigan na nagngangalang Luc, Jhin, Kiara at Hiraya. Si Luc ay ang tumatayong lider sa kanila dahil sa kaalaman niya sa personalidas ng isa't isa at sa pagdedesisyon, reponsable ay maasahan siyang lalaki. Si Jhin naman a...