[Luc's POV]
"Bakit parang may bumabagabag sa iyo Luc?" Tanong ni Kiara. "Kagabi lamang kasi ay may tunog akong nadinig at sinundan ko ito, kasama ko si Jhin sa oras na iyan." sagot ko. "Ano ang nangyari pagkatapos?" Tanong ni Hiraya. "Dinala ako nito sa isang babae na malapit sa puno, sa pag oobserba ko dito ay bigla akong nakatapak ng isang sanga na nagbigay atensyon at tumitig sa akin at ngumiti na parang may masamang intensyon at bigla siyang nagpalit na itsura, isa pala siyang cranbel. Sa takot ko ay nagmadali ako sa pagtakbo at nawala siya at di niya ako nahabol, buti na lamang at nakaligtas ako." salaysay ko. "Kailangan na talaga nating tapusin ang problemang ito, kailangan nating alamin kung paano natin masusugpo ito." sabi naman ni Hiraya. "Maaari tayong kumuha ng impormasyon sa linggong ito dahil wala tayong pasok at may oras tayo." Di nagtagal ay nagsimula na kaming humanap ng mga impormasyon tungkol dito.
Lahat ng librong nahanap namin ay hindi nagsasaad ng impormasyon para masugpo ang cranbel. "Nakakasiguro ako na mahahanap din natin ang sagot at wag tayong mawalan ng pag asa." sabi ko. " Madami pa naman tayong oras,kaya pa natin ito." Dagdag naman ni Kiara. Napagdesisyonan naming hatiin ang grupo namin sa dalawa para makahanap agad.
"Magiging maayos din ang lahat Jhin, at magkakaroon ka din ng oras para aminin ang nararandaman mo para kay Kiara. "Hah!! Saan naman nanggaling yan?" sagot niya. "Heh, yung reaksyon mo ang nagpapatunay na totoo, pulang pula ka nga eh." dagdag ko. "Sabihin na nating tama ka pero paano mo nalaman? Di ko naman sinasabi sayo." tanong niya. "Basta hindi na mahalaga kung paano ko nalaman." sagot ko. "Naalala ko nanaman na sinabi ko yan kay Ychan dahil natalo niya ako sa isang laro." Sabi niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko. "Siyempre nakakahiya tapos baka sabihin mo pa." sagot niya. Tumingin ako sa kaniya at nagpapahiwatig na tama ang sinabi niya dahil sa reaksyon ko. "Pero sana tahimik na ang kaluluwa ni Ychan" sabi ko. "Oo nga... Salamat nga pala dahil kahit papaano ay nabawasan ang takot na nararandaman ko ngayon dahil sa pinagusapan natin ngayon." sabi niya. Nagpatuloy kami sa paghanap ng sagot sa aming problema.
Ilang araw na ang lumipas at dahil sa paghahanap ng kung paano masugpo ang cranbel ay hindi namin napansin na dumami ang kaso ng pagkamatay tulad ng kay Ychan. "Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa mga dumaang araw na kahit pulis ay
nadamay, lagi daw itong nangyayari sa gabi at wala ding mahanap na koneksyon sa mga biktima." Sabi ni Hiraya. "Kailangan na siguro nating ipaalam ang naaalam natin sa mga pulis." Pumunta kami sa mga pulis at isinalaysay ang nangyari. "Mga bata hindi ito isang biro lamang buhay ng tao ang nadamay dito." Sinubukan naming kumbinsihin na totoo ang sinasabi namin ngunit hindi sila naniniwala. "Isa ka pa anak, tumigil ka na sa delusyon mo. Napaka seryoso ng kasong ito, mabuti na lamang kung umuwi na lamang kayo." Sabi naman ng tatay ni Hiraya. Hindi gumana ang ginawa naming paraan at wala na kaming maaasahang tulong mula sa mga pulis.
BINABASA MO ANG
Haka
Mystery / ThrillerTungkol ito sa apat na magkakaibigan na nagngangalang Luc, Jhin, Kiara at Hiraya. Si Luc ay ang tumatayong lider sa kanila dahil sa kaalaman niya sa personalidas ng isa't isa at sa pagdedesisyon, reponsable ay maasahan siyang lalaki. Si Jhin naman a...