Ika-anim na kabanata

8 1 0
                                    

[Luc's POV]

Nagpatuloy kami sa pag hanap ng maaaring makatulong sa amin sa paghanap ng makakatalo sa cranbel. Kami na lamang ang maasahan ng isa't isa sa maaaring pag atake ng cranbel. "Kaya pa natin ito, magkakaroon ng sagot ang tadhana para matapos ang gulo na dinudulot ng cranbel." sabi ni Jhin. "Tama ka diyan Jhin, magagawa natin ito nang magkasama." Dahil sa pagdami ng kaso ng pagkamatay o pagkawala ay sinuspinde ang klase. Nakakarandam din ng takot ang mga tao dahil sa mga di inaasahang pangyayari.

"Sa tingin ko ay tayo na lamang ang makakasugpo sa cranbel dahil tayo lamang ang nakakaalam ng katotohanan" sabi ni Jhin. "Tayo lamang ang kayang magligtas ng mga tao dito kaya wag tayong susuko kahit ano pang mangyari." Ito ay tila isang mabigat na kailangan gawin.

[Jhin's POV]

May kumatok sa pinto ng aming bahay at pagkabukas ko ay nakakita ako ng sulat para sa akin. "Ano ito? Sinong magpapadala ng sulat sa ganitong oras?" Nakasulat dito na magkikita kami sa parke at mahalaga daw ang kaniyang sasabihin ang sulat na ito ay galing kay Luc ang oras na nakasaad ay 5 am. "Mukhang masyado itong mahalaga at may rason siguro siya kung bakit ganitong oras. Natulog na ako at gumising sa oras na nasa sulat.

"Nandito na ako sa parke ngunit wala pa sila sampung minuto na akong nagiintay" sabi ko. May nakita akong ilaw sa kagubatan, baka nandoon si Luc at nag yung ilaw ang senyas, pero para sigurado ay magiiwan muna ako ng sulat. Tumakbo ako papunta sa ilaw na nakikita ko at bigla na lamang ay may humampas sa aking ulo at nawalan ako ng malay.

Nagising ako ngunit nakatali na ako sa isang puno. "Gising ka na pala Jhin." sabi ng cranbel na nasa anyo ni Ychan
"50 minuto pa lamang ang lumilipas simula nung itali kita, at sa akin nga pala nang galing ang sulat." Dagdag pa ng cranbel. "Alam kong hinahanap niyo kung paano ako matatalo ngunit ang bagay na iyon ay imposible may oras pa kayo para sumuko at harapin ang totoong tadhana niyo." Nagtutok siya ng baril sa akin at sinabing "huling chansa, bibigyan pa kita ng pagkakataon, kapag sumuko ka ay madadagdagan pa ang oras ng iyong buhay." sabi ng cranbel.
Pinutok nito ang baril ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay hinarangan ito ni Kiara. "Hah! hindi ito maaari wala sa kalkulasyon ko na pupunta sila dito sa ganitong oras. 6 am Ang sinulat ko sa sulat na binigay ko sa kanila!" gulat na sinabi ng cranbel. "Ang baril na iyan ay tulad ng modelo ng ginagamit ng pulis!" sabi ni Hiraya. "Nakuha ko lamang ito sa isa sa biktima ko." Nakangiting sinabi ng cranbel. "Hindi ito maaari!!! Kaya mo pang mabuhay diba Kiara hindi pwede na mamamatay ka!" sigaw ko "Sa wakas ay nakatulong din ako sayo at nakaligtas ka dahil sa akin, masaya akong ibibigay ang buhay ko para iligtas ka.." nagaagaw buhay na sinabi ni Kiara. "Hindi ito pwede matatalo natin ang cranbel nang magkasama diba? Tumawag na ako sa ambulansiya at pulis " sabi naman ni Hiraya. "Mukhang hindi ako makakasama diyan at nakakasiguro ako na mahahanap niyo ang sagot upang matapos ang gulong dinulot ng cranbel.." sagot naman ni Kiara. Tanging sakit lamang ang aming narandaman. "Tch tumataas na ang araw, Sayang at naubos na ang bala ng aking baril magsasama na sana kayong tatlo sa kabilang buhay, paalam hanggang sa muli!!" Patawang sinabi ng cranbel at bigla na lamang siyang nawala. Galit at puot ang nararandaman namin sa cranbel hanggang sa ito'y umalis. "Wala akong pinagsisihan at masaya akong nakilala ko kayo... Jhin mahal kita at sana ay mahanap mo ang kasiyahan...Kahit sa susunod na buhay ay ikaw pa rin ang mamahalin ko..." sabi naman ni Kiara. "Mahal din kita Kiara, wag mong sabihin yan mabubuhay ka pa, sama sama nating matatalo ang cranbel" sagot ko. Ngunit Wala na si Kiara at pumanaw na siya.

HakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon