Ikalawang Kabanata

5 1 0
                                    

      [Luc's POV]

      Kitang kita sa buong klase Ang gulat at lungkot dahil sa nangyari. Lumapit ako sa aming guro at nagtanong patungkol sa nangyari ngunit ayaw niyang sagutin ito at napaluha na lang na kahit siya ay nagulat sa nangyari. Lumapit sa akin si Jhin sinabing "siguro'y di kayang sagutin ni ma'am ang patungkol diyan at bigyan mo muna siya ng oras." Sabi niya. "May kaunti akong ideya sa nangyari dahil isa sa nagiimbestiga ang tatay ko sa kaso patungkol dito, kahit sina itay ay hindi din maipaliwanag ang nangyari sa pagkamatay ni Ychan." sabi naman ni Hiraya. "Magkita kita na lang tayo pagkatapos ng klase sa aming bahay, gusto kong malaman ang iba pang detalye dahil kahit ako ay di makapaniwala sa nangyari" dagdag naman ni Jhin.

Pagkatapos ng klase ay nagkita kami sa bahay ni Jhin upang pagusapan ang nalalaman ni Hiraya. "Ayon sa aking ama hindi daw nila maipaliwanag kung paano ito nangyari dahil hindi sila makakita ng mga bagay sa paligid na may kaugnay sa kasong ito na parang hindi normal na tao ang gumawa." Sabi ni Hiraya. "Ano ang ibig mong sabihin? Namatay siya ng wala man lang maiwang bakas ang pumatay?" sagot ko. "Sa tingin ko'y ganon na nga nahihirapan din silang alamin kung sino ang gumawa ng krimen na ito." tugon naman ni Hiraya. "Ang bumabagabag sa isip ko ay bakit siya pa? Mabait siya at mapagkakatiwalaan handa din siyang tumulong sa kahit sino pa man." sabi naman ni Kiara.

      Naglabas si Hiraya ng isang USB na naglalaman daw ng kopya ng nakuha ng CCTV sa oras bago mangyari ang kasong ito. "Ito pa ang isang di maipaliwanag ng aking ama." sabi ni Hiraya. Nakuhanan sa CCTV ang pag pasok ng namatay sa pinangyarihan ng krimen at sinundan din ito ng pag pasok ng isang lalaki. "Yan ang aming kapitbahay!!" sabi ko. "Kalma Luc, di pa yan nagtatapos diyan." Sagot naman ni Hiraya. Nagpatuloy ang bidyo at nakita pang lumabas si Ychan ngunit di pa nagtatagal ay may nakakita dito at nagulat na parang nakakita ng isang karumaldumal na pangyayari. "Ang babae diyan ay yung nakakita sa bangkay ni Ychan at tumawag sa pulis" sabi ni Hiraya. "Paano nangyari yon eh lumabas nga si Ychan sa lugar na iyon " sagot naman ni Kiara. "Kahit pulis ay hindi ito maipaliwanag at kinilabutan ako dito, paano kung isang multo ang nagpakita sa CCTV?" Pinag usapan pa namin ito at naguluhan sa mga nangyari.

      Ginabi na ako bago umuwi sa bahay. Habang naglalakad ay may parang isang pamilyar na babae ang nakita kong naka talikod sa tabi ng kalsada. Bigla itong lumingon at nagulat na ito pala si Ychan. Ngunit wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang mukha at lalo akong kinilabutan dahil sa pagkakaalam ko ay namatay na siya. 

HakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon