SEGMENT 5

5 1 0
                                    

IBALIK ANG KAHAPON
~

POV: KALIEGH PIÑERA

Pauwi na ako nang makita ko si Luca sa open court. Nakikipaglaro siya kina Flint, ang igop na basketball player. I noticed, mas dumami pa ang mga nag aabang and nagkakaguluhan ang mga babae sa court.

Whatever! Umalis na ako, wala nmn akong mappla jan. I am just happy, he gained friends sa wakas. Mabuting tao naman si Flint so I don't mind.

The same pattern ang ginagawa ko whenever I am walking alone. Nag fofootball ng mga pebbles sa daan. Nasa pitong hanggan sampung minuto bago ako makarating sa bahay.

Just like yesterday, andon na naman si papa sa may balkonahe na umiinom. Ng alak syempre. Simula nong pumanaw si mama, he had been like this. Never changed.

"Pa, andito na po ako," I greeted.

"Ate Kal!!" Excited na sigaw ng nakababata kong kapatid. Sinalubong ko siya at niyakap. I had to, ganito ang nakasanayan niya kay mama.

"Tita?" I also greeted Tita Shae sa may kusina. Kapatid ni dad and siya ang tumayong ina namin ni Van simula non. She came back from Japan last year, para tulungan kami nang mabalitaan niyang halos mabaliw na si papa sa nangyari.

Hindi ko maitatago ang mga salitang pagpapasalamat kay Tita Shae. Kung wala siya paano na lang kami. Lucky for me, makakayanan kong tumayo sa mga sarili kong paa but how about Van?

"Kain na," saad nito sa akin sabay halik sa may forehead ko. Napatikang pa siya, mas matangkad kasi ako. "Van tawagin mo na papa mo sa labas at kakain na," utos niya sa bunso nmin.

Papaupo na ako nang biglang may sigaw mula sa balkonahe. I immediately stood in the same reaction to my tita, napa usad kami sa upuan para tingnan ang nangyari.

Lumapit ang kapatid ko na luhaan. Bakas sa mukha niya ang simulang pag iiyak. "Bakit?" I asked.

"Sam!" Sigaw ng tita ko habang nilalapitan si papa. Hindi na ako nakialam at kinandong na lang si Van para suyuin siya sa pag iyak. "Ano ba naman yan Samuel?! Kung may problema wag mong idamay mga anak mo!?" Sigaw nito sa mas malakas na tuno.

"Hindi ko sinasadya, ano ba!!" Medjo mainit init na ding sagot ni papa.

"Ano ba kasi problema mo?"

"Hindi mo rin maiintindihan, palibhasa hindi nangyari sayo kaya hindi mo maiintindihan," sabay tanga ng botilya ng alak.

Matapos kong paupuin si Van sa may lamesa ay linapitan ko ang magkapatid. "Tita, tama na. Wag mo nang patulan," pakiusap ko. Kumalma na si tita at bumalik sa lamesa para sabayan ang kapatid ko na kumain.

"Papa," I shed little tears. I do not know kung bakit napakaemosyon kong tao. Napaisip lang ako kung ano naging kasalanan namin at nagkaganito ang pamilya ko.

Pero hindi ako sinagot ni papa sa pagtawag ko sa kaniya at patuloy parin sa pagtanga ng bote ng alak.

Pumunas ako ng aking mata. "Hindi ka ba kakain?" I asked.

But he still did not answer.

"Sa tingin mo ba dad, ikaw lang ang nasasaktan? You think ikaw lang ang iniwan ni mama? NO!!" Diniin ko ang pagkakasabi sa pagkakataong sana ay marealize niya iyon. "Iniwan din kami. And we misssed her as much as you do. Pero tingnan mo, we still fight and moved on!" I cried in front of my father.

"Para saan pa Kali?" He answered at the same time he asked it.

Natawa ako sa tanong niya. Para saan pa? Ha! Saglit bago maramdaman ang pait ng kahulugan non. "Para sa amin! Ano pala kami sayu pa'? Wala lang? Eh kung ganon sana di niyo na lang kami binuhay!!"

"Hindi," napangiwi siya. Tsaka tumanga na naman ng isa pang higop ng kalbaryong hawak niya.

"Kung hindi ka nahihiya sa akin o kay Van o kay tita Shae, mahiya ka sa sarili mo! Move on kasi ganiyan ang buhai. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin nang hindi ako handa!!" Saad ko bago pumasok sa loob at umakyat sa silid ko.

Hindi na ako sumalo sa dinner at nagkulong na lang sa room ko. I gave myself a moment para ikalma ang sarili. The thought of suicide hit me again.

'Unahan ko na lang si papa. Iniwan na kami ni mama at hindi ako papayag na danasin ang muling pang hapdi at lungkot sa buhay. Hindi ko kakayanin. Kasinliit na lng ng sinulid ang pinanghahawakan ko ngayon pero pilit akong lumalaban.'

But there this other thought na pinanghahawakan ko. 'Paano na lang si Van? Ano mangyayari sa kaniya pag mawala ako?'

I opened my room window. Pumatong ako sa palpag saka pumwesto sa pagkakaupo. Matatanaw ko si papa sa may balkonahe. Andon parin siya. Hindi tumitigil sa pag iinom.

Habang ikinukumpara ang dati, gusto kong sisihin si mama, kung sana lang. Kung sana lang hindi siya nagpakamatay edi sana.

Masaya parin kami.



Worth RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon