SEGMENT 11

2 1 0
                                    

THE FAREWELL
             ~

POV: KALIEGH PIÑERA

Usap usapan sa school ang ginawa ni Luca, pati ako ay nadadamay sa mga chismis. Some says I was the cause of the fight. It's not even a fight it's more of an argument. At masasabi kong hindi ako ang dahilan, I was a victim too! Gosh these people!

Hindi ko na pinansin si Luca o ninuman at nagpatuloy sa paglalakad pauwi. I recieved a text from tita- UMUWI KA AGAD PARA MAABUTAN MO ANG PAPA MO.

The text hit me like a broken glass. Oras na pla para umalis si dad. Aalis siya para magpagaling but that also means na hindi ko na siya makikita in days, months? Years? I dont know, he will come back as soon as magaling na siya.

Di ba dapat masaya ako? Yung araw araw na nakikita ko siya, sumasakit yung damdamin ko but simula ngayon hindi na. Right? Pero ba't prang ansikip sa dibdib.

Napag isipan ko na hayaan na lang na umalis na siya ng walang paalam sa akin. That is better keysa sa nakikita ko siyang umaalis. Aint it?

So I played while walking home. Sinasadya ko na sayangin ang oras at makarating sa bahay kapag malapit na ang gabi. Im that case, siguradong hindi ko makita ang pag alis ni papa.

My phone rang for the first time. Then comes the second. Pero hinayaan ko lng. I didnt mind to answer.

Kung i eestimate, nasa dalawang oras na after dismissal, I rest at uupo ako kung may makikitang uupuan then waste at least 20 minutes tas gagayak uli sa kalsada.

May nakita na naman akong punong kahoy na may bato sa ilalim. I rushed to sit down.

Ringg!!! This is the tenth time my phone rang at the moment. But neither would I care.

"Ba't di mo sagutin ang tawag?"

"HAY! BUTIKI!" Gulat akong napaigtad sa pagkakaupo then catch a big breath and slowly let it out bago pagikutan ng mata sa inis ang lalaking nasa harapan ko.

"Ba't di mo sinasagot ang tawag ko?"

Tawag niya? Kinuha ko ang phone ko mula sa pagkakatapon sa grass land. Siniyasat. *New number nga.

Teka!

"Paano mo naman nakuha ang phone number ko?"

"Secret! Nga pala ba't andito ka pa, kanina ka pa umuwi galing school ah," kunot noong tanong niya sa akin.

"You don't care! Its none of your bussiness," maangas na sagot ko.

"Sabihin mo nga sa akin dahil ba kay Sophie?"

"No!"

"Eh ano? Kahapon ka pa di namamansin, tas galit ka kung makatingin. May problema ka ba sa akin?" Pangalawang tanong niya.

"Wala."

"Eh anong dahilan?"

"Nothing! Just. Umuwi ka na nga! Mag didilim na oh!" Utos ko sa kaniya. Medyo may halong inis at galit yung pagkakasaad ko non.

"Oh galit ka na naman."

"Just go away Luca!"

"Oo na. Aalis na oh!" Tsaka siya nauna sa akin. I can see him take the other road. Siguro banda dun ang bahay nila. Malapit lng pala sa amin. Ang alam ko iilan lng ang nagpatayo ng bahay sa pook na iyon.

Ako na din ay nagmadali at ginagabi na. Matagal tagal na din ako dito sa daan. Plus hindi na ako tinatawagan ni tita. Sigurado akong nakaalis na si dad.

Ang bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat. Natatakot ako sa madadatnan ko sa bahay. Actually, it's all about dad. Kaya ko sinasadya na magtagal ay dahil pag nakita ko siya. Siguradong pipigilan ko ang pag alis niya.

Ilang minuto pa nang makarating ako sa bungaran ng aming tahanan. Andoon na si tita sa naghihintay sa akin.

"Ba't ngayon ka lang?"

Pero hindi ko pinansin ang tanong niya. Napahagulgol na lang ako at niyakap siya. "Umalis na ba talaga?"

Ramdam ko ang pagtango ni tita ang mga mahihinang haplos sa likuran ko. "Oo, kanina pa. I think kailangan mong kausapin ang kapatid mo. Hindi ako makapagpaliwanag," saad ni tita.

Kinalmahan ko naman ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa bahay. Napakaluwag ng balkonahe. Nilinis na din ni tita ang mga bote ng alak. Ni isa ay wala na akong makita. Pati ang lamesa at upuan na dating pwesto ni papa ay malinis linis na.

Mula sa loob ay sinalubong ako ni Van.

Niyakap ko siya. At ang tanong na pinag aalala ko ay lumabas sa kaniyang bibig. "Nasaan po si papa, ate?" Tanong ng nakababata kong kapatid na apat na taong gulang lamang. Wala pa mundong katotohanan at kahit sabihin ko ay hindi niya maiintindihan.

"Umalis muna siya saglit Van. Hintayin natin siya. Babalik din yun. okay?" Maamong saysay na alam kong magugustuhan niya.

Napatango at hindi na siya muling nagtanong. Ang ikinababahala ko ay kung matatagalan ang pagbalik ni papa. At ang malala dito ay kung babalik siyang walang pinagbago.

Umakyat na ako sa hagdan patungo sa aking kwarto. Ibinaba ko ang aking gamit at bumagsak sa kama. Napatulala ako sa ceilling. I hate myself. I really hate myself.

I was interrupted by a knock on my door. Tas unti unti na itong bumukas. It was tita Shae dala niya ang phone niya. Pumwesto ako sa kama at hinayaan siyang lumapit sa akin.

"Here!" Sabay abot nito. "Hindi ko alam na nakarecord pala ang call ko sayo kanina," she said.

Nang pindutin ko ang play button ay bumungad sa akin ang hindi ko inaasahan.

I heard my father plead. "Kali!" He was saying my name. I can hear him plead to me. "Kali! Kali!" Just my name? But in that pleading he was telling me to save him. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang lumayo. I was his last resort to stay para hindi na pumuntang ibang bansa just to cure himself.

But I denied him. I hate myself.

Worth RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon