SEGMENT 14

1 0 0
                                    

7 GENTLEMEN IN A ROW
            ~

POV: KALIEGH PIÑERA

Palabas na ako ng gate ng school nang mahulog ang ballpen sa aking bulsa.

Bigla kung naalala. This ballpen belongs to Chevs at kailangan ko itong isauli sa kaniya.

Napatapik ako sa sariling ulo. Hays nakalimutan ko. Kelangan ko na namang bumalik sa building. Nagmadali na akong naglakad para hanapin si Chevs.

"Nakita mo ba si Chevs?" Tanong ko kay Dex nang makita ko siya sa pintuan ng kanilang room section?

Nangiti siya sa akin. I guess I asked the wrong guy, balita ko manyakis daw si Dex pero wala naman akong makita na kaibigan ni Chevs dito kundi siya lng.

"And bakit mo naman hinahanap si Chevs?" he teased. Panugurado akong mali na naman ang pumasok sa kokoti nito.

"I need to return this ballpen."

"Ah! Gusto mo samahan kita?" He offered pero hindi ako tanga na pumayag sa alok niya baka dalhin pa niya ako sa kung saan at pagsamantalahan.

"No, just tell me na lng ako na ang pupunta," malditang sagot ko.

Lumapit siya sa akin ng ilang hakbang at halos magdikit ang aming katawan. "Hindi ko alam kung bakit ngayon lang kita nakita. I believe you're Kylie?"

Natawa ako, manlalandi na nga laos pa. Humakbang namam ako patalikod. "Nasaan si Chevs?"

"Ba't walang nakapagsabi sa akin na may prinsesa pala sa school na to? I mean ang ganda ganda mo, pwede kitang ligawan?"

"No!"

"Bakit naman? Sa itsura kong to siguradong babagay sa kagandahan mo."

Laos! Ampangit naman ng damoves niya. Hays! Makaalis na nga.

"Fine. Kung ayaw mo sabihin kung nasaan si Chevs di wag!"

"Teka lang!" Pagpipigil niya at hinarangan ang daraanan ko. "I mean ano ba kasi sasabihin mo?"

"Isasauli ko lng naman tong ballpen, o kung gusto mo ikaw na lang ang magsauli," saad ko.

"Ney! Ney! Tara samahan na kita."

Samahan? "Ayoko! Sabihin mo na lang ako na ang pupunta."

"Tsk!" Nabigla ako nang nagmukha siyang galit sa akin. "Sama na tayo tutal dun din naman ako pupunta!" Saad pa niya sa galit na paraan.

"Why are you yelling at me!" Di na rin ako nagpatalo na sumbatan siya.

"Ikaw kasi eh! Mabait ako okay!" Dex popped his hands trying hard to explain himself. "Hays!" Saka niya binitbit ang bag at jacket at pinanguluhan ang paglalakad.

Papunta lang pala kami sa close gym basketball court. Hays! Kung alam ko lang sana na nandito si Chevs edi kanina pa ako pumunta dito.

"See!" Saad pa ni Dex sa akin bago ako humiwalay sa kaniya nang matanaw ko si Chevs na nakaupo at hinihingal.

Walang masyadong tao dito at sila silang magkakaibigan lang ang naglalaro. Siguro nagpapraktis sila sa upcoming event dito sa school.

"Si Kali ba yun?" Sambit ng isa sa kanila. Napalingon ako para hanapin ang nagsabi non. Ngunit nata a ako nang mahimas masan sa nakikita. Weyt what? Lahat sila nandito? Lahat silang magbabarkada? O may!

Nilipat ko ang aking mata para mafamiliar sa kanilang mga mukha. Si Rudj ang may hawak ng bola, si Drex naman ay nakamasid kung ma shoshoot ba sa ring ang kahahagis ni Rudj.

Sa likod ni Drex ay nandoon si Flint, napakaganda ng hugis ng katawan niya sa jersey at short na suot niya. Kasama ni Flint si Kae na nakamasid na din sa bola.

Sa gilid naman ay nandoon si Jake at si Luca! Nandito rin siya?

"Okay ka lang Kali?" Saad ni Chevs na nakatayo na pala sa gilid ko.

Binalingan ko naman siya at inabot ang ballpen. "Thank you," I said.

"Pumunta ka dito dahil lang diyan?" Natatawang saad niya.

Tumango lang ako.

"Akala ko pinuntahan mo ako."

Napabilog ang aking mga mata na tumingin kay Chevs lalo. "Ha?!" Gulat na sambit ko. "Luh di ah!" Pagtatanggi ko.

"Actually sinamahan niya lang ako," eto naman si Dex ay nagsalita at nagsimulang maghubad ng kaniyang pan itaas. Mabuti ay agad tinakpan nang animo'y palad ang aking mga mata.

"Dex! Iwasan mong maghubad infront of a lady, pwede ba?" Wika ni Chevs kay Dex.

"Magsuot ka nga!" Wika na din ni Luca kasama ang iba na papalapit sa kinalalagayan namin.

Tiningnan ako ni Luca mula ulo hanggang paa. Tiyak na mang iinis na naman ito. Medyo may papikit na tumingin naman si Flint sa akin, tila ba curious na nandito ako.

"Kali," sabay nilang saad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Luca.

"Nothing, sinauli ko lang ang ballpen ni Chevs na hiniram ko kanina."

Natawa si Luca sa akin na ikinacurious ng lahat.

"Ah kaya pala tinanggihan mo yung pinapahiram kong ballpen dahil gusto mo yung kay Chevs?" Patango tango at mukhang pikon na saad niya sabay talikod, kinuha ang bag niya sa may upuan at nag walk out.

"You should've said na wala kang ballpen kanina. I would have lend mine, bat kailangan mo pang pumunta ng kabilang section just to borrow from Chevs?" Nagtatakang tanong ni Flint.

Hindi na ako nakasagot nang sumunod na nagsalita si Rudj. "Yeah andon din naman ako sa classroom, pwede namang sa akin din kung wala kang mahihiraman para di ka na pumunta ng kabilang section," ani Rudj.

"Hindi! Guys you misunderstood!" Nahihirapang pagpapaliwanag ni Chevs ng katotohanan.

Pero umalis na ako at baka maabotan ko pa si Luca. I ran fast nang makita ko ang anino niya sa may gate but he walked too fast kaya nahihirapan akong abutan siya.

"Luca!!" Sigaw ko.

Natigil siya at napalingon sa akin. I guess he understood and stopped, waiting for me in his spot.

I panted habang nakahawak sa mga tuhod ko na siyang sumusuporta sa bigat ng katawan mula sa pagtakbo. Nagulat ako nang biglang hawiin ni Luca ang aking mga kamay. Wala akong magawa kundi magpahinga sa kaniyang pagkakahawak. Nang lumipas ang ilang segundo ay saka na ako humiwalay.

"Napagod ka ba?"

"Syempre! Bat ka ba kasi umalis?"

He shrugged his shoulders. "Dapat di ka kasi tumakbo, hihintayin naman kita eh."

Pinaikot ko ang aking mga mata sa inis. Tinitigan niya ako at napangiti.

"Ano, magpapaliwanag pa ba ako?" Galit na saad ko.

"Huwag na, alam ko ang totoong nangyari."

Nakunot noo akong tumingin sa kaniya. "What do you mean?"

"Sinundan kita nung lumabas ka kanina."

"Alam mo!" binigyan ko siya ng suntok ngunit nagawa niyang umiwas. "Ba't ganon ka makaasta kanina?!" Sigaw ko kay Luca. Kung ganon, alam niya pala ang totoong nangyari eh bakit kung makapagsalita siya kanina parang ako pa ang pinagmukha niyang masama

"Ginawa ko yun para makasama kita ngayon."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon