Chapter 20

63 5 3
                                    

"Try mo lang kasi siyang hawakan, hindi naman siya nangangagat eh." Papupumilit ni Clark.

Ang kulit talaga ng budhi nitong mokong na ito.

"Ayoko nga kasi, eh! Bakit ba ang kulit mo?" Singhal ko, natawa naman siya.

"Hahayaan ko bang sakmalin ka?" He asked.

Medyo malayo ako sa kaniya kaya dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya.

Nang makalapit ako sa kaniya ay dahan-dahan akong umupo malapit sa aso. "Hi Jax, don't bite me, ha?" Sabi ko saka dahan-dahan siyang hinawakan.

Napatili na lang ako sa gulat nang dilaan niya ang kamay ko.

"Hindi mo nga ako kinagat, dinilaan mo naman ako." I pouted.

Tumawa naman si Clark at mayroon siyang binulong ngunit hindi ko narinig dahil tumahol si Jax.

Tuwang-tuwa ako habang nilalaro si Jax, sobrang talino niyang aso. Lahat ng sasabihin kong gagawin niya, ginagawa niya.

"Good job, Jax. High five!" At nakipag high five naman siya.

"Wow, close na close na kayo ah." Wika ni Clark na kalalabas galing sa kusina at may hawak na tray na ang laman ay 'yong niluto niyang pasta.

"Ang bilis mo naman mag luto?" Sabi ko.

"Mabilis pa sa 'yo 'yon?" Takang tanong niya at nilapag na sa lamesa 'yong tray. "Oh, kumain ka na. Jax, come." Tawag niya sa aso niya at bumalik ulit sa kusina.

Pinalamig ko muna saglit 'yong pasta bago kainin.

"Masarap?" Tanong niya at tumabi na sa akin.

Pagkasabi ko ng 'oo' ay sinabay niyang sinabi ang 'ako' kaya naman mabilis ko siyang hinampas.

"Sira ulo ka!" Tatawa-tawa naman siyang sumubo ng pasta niya. "Mabulunan ka sana!" Biro ko kaya umakto siyang nabulunan na siyang ikinatawa naming dalawa.

"May tanong ako." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What is it?"

"Marunong kang mag Korean?" Tanong niya.

"Hmm... marunong naman pero kaunti lang alam ko, bakit?" Simula kasi noong pumunta kami rito sa Pilipinas ay minsan na lang magsalita ng Korean sina lola.

"Turuan mo ako." Sagot naman niya.

"Ano ba mga gusto mong matutunan?" Tanong ko ulit.

"Gusto kong matutunan... mahalin ka." Bigla naman akong nailang sa sinabi niya.

"A-Ano ba... umayos ka kasi, ano nga?" Naiilang na tanong ko.

He chuckled. "Kahit na ano na, 'yong mga alam mo lang na Korean words." Sagot niya.

Binaba ko muna 'yong plato at saka uminom muna ng juice.

"First word, neon mot saeng-gyeoss-eo." Sabi ko.

"What? Ang bilis naman, bagalan mo lang kasi." Reklamo niya.

Natawa naman ako.

"Neon... mot... saeng-gyeoss-eo." Mabagal na sabi ko.

"Ano meaning niyan?" Tanong niya.

"Ang meaning no'n is you're handsome." I bit my tongue to restrain my laughter.

Ang totoong meaning talaga noon is you're ugly.

"Ah so, neon mot saeng-gyeoss-eo." Taas noo niyang sabi.

He's my Favorite BullyWhere stories live. Discover now