Isang linggo.
Isang linggo na simula noong na kick out si Neron at isang linggo na ring hindi pumapasok si Clark.
"Bakit hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Clark?" Tanong sa akin ni Sandy.
"Iyan din ang tanong ko." Sagot ko naman.
"Nagtampo siguro 'yon sa iyo, ikaw kasi eh." At nanisi pa nga.
"Eh bakit ako? Hindi ko naman alam eh..." sabi ko.
Inirapan lang ako nito at sumubo ng fries.
Kagagaling lang namin ng simbahan kaya heto kami ngayon sa mcdo para kumain.
"Aalis nga pala sila lola mamaya." Ani ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Saan sila pupunta?" Tanong niya.
"Anniversary nila ngayon kaya pupunta sila ng tagaytay para roon mag celebrate." Sagot ko.
"Gusto mo samahan kita?" Umiling naman ako.
"Kahit hindi na, thank you na lang." Sagot ko.
"Sure ka, ha?" Tumango naman ako.
Pagka-uwi ko sa bahay ay wala na roon sina lola. Nagbihis muna ako bago pumunta sa kusina para magtingin ng puwedeng maluto mamayang tanghalian.
At mayroon nga roong pang tinola, 'yon na lang ang lulutuin ko mamaya.
Nanood na lang ako ng TV hanggang sa pagpatak ng alas diyes ay nagsimula na akong magluto ng tanghalian ko. Dinamihan ko na 'yong niluto ko para mayroon akong kakainin mamayang gabi.
Matapos akong magluto ay nanood muna ako bago kumain.
Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang manood at kumain.
"Ang boring naman." Ani ko at saka humikab.
Hindi ko na lang napansin na nakatulog na pala ako sa sofa.
Nagising na lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Pupungas-pungas kong inabot ang cellphone ko sa lamesang nasa gilid ko.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
["Nasa iyo ba 'yong cord ng power bank ko?"] Tanong ni Sandy.
"Wait lang, tignan ko sa kuwarto." Inaantok pang sagot ko.
["Nagising yata kita,"] natatawang sambit niya.
"It's okay, kung hindi ka pa nga tumawag hindi pa ako magigising eh." Sagot ko.
Ni-loud speaker ko muna 'yong cellphone ko bago ibaba sa kama at naghalungkat sa drawer ko para hanapin 'yong cord ni Sandy.
"Nakita ko na, Sandy. Ibigay ko na lang sa 'yo bukas." Sabi ko.
["Sige, huwag mong kakalimutan ha?"]
"Ilalagay ko na sa bag ko para sure na hindi ko malilimutan." Sagot ko.
["Okie! See you tomorrow."] Aniya at in-end na ang tawag.
Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso ng kusina para magluto ng kanin at para iinit 'yong ulam.
Matapos 'yon ay naghanda na ako ng mga plato upang makakain na ako. At nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na agad ang pinagkainan ko at pagtapos no'n ay chineck ko na ang mga pintuan kung naka-lock na.
Papunta na sana ako sa kuwarto ko nang may marinig akong katok.
"Huh? Sino naman kaya ito?" Takang tanong ko sa sarili.
YOU ARE READING
He's my Favorite Bully
Dla nastolatków[COMPLETED] 'Yong hobby mo nang I bully siya hanggang sa hindi mo namamalayang unti-unti ka na palang nahuhulog sa kaniya. Siya si Clarkson Benavidez o mas kilalang king of the bully na nahulog sa koreanang transferee na si Yoon Min-jo. Date started...