Epilogue

107 5 0
                                    

Clark's POV

"Hey brother, wake up! Late ka na naman sa school, first day na first day." Inis akong nagtalukbong ng kumot nang marinig ko na naman ang mala-megaphone na boses ng kapatid ko.

"Can you lower your voice? Umagang-umaga ang ingay ingay mo." Singhal ko.

"A-Aba?! Ginigising lang kita tapos sasabihan mo 'ko niyan? Unbelievable."

Bumangon na lang ako kahit na ayaw pa ng katawan kong bumangon. Badtrip kasi.

"Ito na, tatayo na! Kainis..." naiwan naman siya roong parang tangang naka-awang ang bibig.

Matapos akong maligo at makapagbihis ay hindi na ako nag-abala pang kumain dahil mas lalo lang akong mababadtrip kung magtatagal pa ako rito.

Pagkarating ko sa school ay dumiretso na agad ako sa room at tuloy-tuloy lang sa pag pasok.

"Continue miss," napatingin ako roon sa babaeng nakatayo sa harapan.

Hmm... maganda siya, huh. Maputi, maganda, singkit, matangkad— pero mas matangkad pa rin ako sa kaniya. I think she's new here, ngayon ko lang siya nakita eh.

"Good morning, I am Min-jo Yoon and I'm 17 years old." Pati boses at pangalan maganda rin.

But she's not my type.

Matapos siyang magpakilala ay lumakad na siya paupo at kung sini-suwerte ka nga naman at katabi ko pa.

"Are you half Korean or pure?" Tanong ni Ma'am.

"Pure Korean po," sagot naman nitong katabi ko.

"Tss, stupid." Umiiling na sabi ko. Makatulog na nga lang.

Nasa kalaliman ako ng tulog nang may walang hiyang gumising sa akin.

"Ma'am ayaw po niyang gumising eh," dinig kong sabi noong katabi ko.

"Nevermind, let him be." Dinig ko namang sabi ni Ma'am.

Lagot ka sa akin mamaya, babaeng pinaglihi sa tokwa.

Nang mag-bell na ay hinintay ko munang makalabas lahat ng kaklase ko bago ako lumabas.

Papasok na ako ng Cafeteria nang may babaeng bumunggo sa akin kaya natapon sa akin 'yong hawak niyang tubig.

"Are you blind?!" Sigaw ko sa kaniya.

Paulit-ulit naman siyang nagso-sorry habang nakayuko.

Inis akong lumabas ng Cafeteria at pumunta sa locker room para manguha ng extra uniform at nagpalit na.

Matapos akong magpalit ay bumalik ako sa Cafeteria para abangan 'yong lampang babae kanina.

Iginala ko ang tingin ko at bigla na lang itong tumama sa gawi nina babaeng pinaglihi sa tokwa. May atraso rin pala sa akin itong isang 'to... mamaya ka sa akin.

Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at tamang-tama namang tumama ang mata ko sa babaeng lampa.

Mag-isa lang siya kaya naman hindi ako mahihirapang lapitan siya.

Nang wala na akong madaanang estudyante ay tinawag ko siya. "Hoy babae!"

Dahan-dahan naman siyang lumingon at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya.

"You think nakalimutan ko na 'yong kanina?" Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya samantalang nakatayo lang siyang parang tanga sa puwesto niya.

"Bukas na bukas dapat wala ka na rito kung hindi... hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa buhay mo." Pananakot ko.

"O-Oo, b-bukas na bukas aalis na ako." Utal na sagot niya.

He's my Favorite BullyWhere stories live. Discover now