Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang umpisa ng foundation namin.
"Grabe, mas marami 'yong mga booths ngayon kaysa noong nakaraang taon." Manghang saad ni Sandy.
"Saan mo gustong unahin natin?" Tanong niya sa akin.
"Ikaw bahala," sagot ko.
"Sa mga pagkain muna tayo, kanina pa ako nagugutom eh." Ika niya, natawa naman ako.
Ang una naming pinuntahan ay 'yong nagbebenta ng potato bubbles.
"Magkano ito?" Tanong niya sa nagtitinda.
"Ten pesos ito," turo niya sa 10 ounce na plastic cup. "At twenty pesos naman ito." Tukoy naman niya roon sa 15 ounce na plastic cup.
"Dalawang twenty," sabi ni Sandy.
"Ililibre mo ako?" Tanong ko habang nakangiti.
"Hindi. Bayaran mo sa akin mamaya." Nawala naman 'yong ngiti ko.
"Ang epal mo naman," usal ko. "Tapos bente pa 'yong binili mo." Reklamo ko.
"Joke lang!" Sabi niya saka tumawa, sinamaan ko naman siya ng tingin.
Pagkakuha namin ng pagkain ay naupo muna kami sa bench para kumain.
"Ang mensaheng ito ay para kay Miss Min-jo,"
Habang kumakain kami, nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko sa speaker na katapat lang namin.
"Ay wow, may pa-mensahe siya." Mahina naman akong siniko ni Sandy.
"Alam mo ba, habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa 'yo. Hindi ko alam kung kailan at paano ito nagsimula pero nagising na lang ako isang araw na gusto na kita. 'Tsaka alam mo bang ngayon ko lang ginawa ito sa buong buhay ko, akala ko kasi dati hindi ako magkakagusto sa isang babae pero dumating ka. Hindi ko na ito pahahabain baka kasi magalit na sila eh, basta nasabi ko na 'yong nararamdaman ko. Hindi man personal atleast nasabi ko 'di ba? Pero soon, aamin ako sa 'yo kapag ready na ako." Matapos 'yong mahabang mensahe na 'yon ay paulit-ulit akong pinaghahampas ni Sandy.
"Grabe na talaga 'yang beauty mo bespren!" Ani nito.
"Kanina kaya galing 'yon?" Tanong ko.
"Iyan din ang tanong ko eh, pa mysterious pa kasing nalalaman eh." Sambit niya.
Nang maubos namin 'yong kinakain namin ay naglibot-libot lang kami habang tinatry 'yong ibang booths.
Bumili rin kami ng mga hand-made bracelets at singsing.
"Ang gaganda ng mga gawa nila, 'no?" Tinanguan ko na lang si Sandy.
"Thank you po," sabay naming pasasalamat ni Sandy sa nagtitinda ng mga hand-made bracelets.
Medyo marami-rami kaming nabili dahil bukod sa magaganda ay mura lamang ang mga ito.
"Ipapasalubong ko 'yong iba sa mga pinsan ko." Sabi ni Sandy.
At pagdating ng hapon ay nasa room lang kami ni Sandy dahil sobrang init sa labas.
"Sandy, Min-jo, sali kayo?" Tanong ni Peter.
"Sali saan?" Tanong naman ni Sandy.
"Piring-piringan," sagot nito.
"Ang tatanda niyo na naglalaro pa kayo no'n? Pero sige sali kami." Kita mo 'to, papayag din pala.
"Anong kami? May sinabi ba akong sasali ako?" Tanong ko
"Sumali ka na, bawal ang kj sa panahon ngayon." Aniya kaya wala na akong nagawa kundi tumayo na lang.
YOU ARE READING
He's my Favorite Bully
Teen Fiction[COMPLETED] 'Yong hobby mo nang I bully siya hanggang sa hindi mo namamalayang unti-unti ka na palang nahuhulog sa kaniya. Siya si Clarkson Benavidez o mas kilalang king of the bully na nahulog sa koreanang transferee na si Yoon Min-jo. Date started...