"Good morning." He nodded with a forceful smile.
Pinapasok ko siya sa apartment ko kung nasaan kasalukuyang naka higa si Charles sa sofa.
"Umupo ka muna." I offered, katabi ni Charles.
We agreed on simple terms or rather, nagpumilit si Ezraell na tumulong because that's the least he could do.
Siya ang nagbabayad ng mga bills ko ngayon lalo na't pinagbawalan ako ng doctor magtrabaho. The baby is weak kaya tutok kami ni Ezrael sa pagbabantay ng kalusugan ko at ng bata.
Hindi ko alam kung para saan ang pagtulong niyang ito. After the night at the hotel, halos hindi na kami magkibuang dalawa.
"Kailan susunod na check-up?" Tanong ni Charles.
He knew our set-up at maging siya ay may opinyon pero hindi niya na binoses pa.
The pregnancy alone is too stressful for me. I've been more sensitive. Halos palagi nalang akong may sakit.
Kinain ko lang ang dala ni Ezrael na carrot cake. Ito ang madalas kong hanapin lalo na pag masama ang pakiramdam ko.
"May check up ako mamayang hapon." I informed.
"Siya na ba ang sasama sayo?" I just nodded at him.
Hindi ko alam kung anong meron pero may tahimik na gulo sa pagitan nilang dalawa. I can sense it.
Doon ko napansin na nakatitig si Ezrael sa akin. Tumayo siya at agad lumiit ang space ng apartment ko sa laki niya.
"Namumutla ka." Inilagay niya ang kamay niya sa noo ko at nang hindi pa makuntento ay sa leeg ko naman.
"Wala akong sakit." Tinapik ko ang kamay niya palayo at tumayo para sana kumuha ng inumin.
My legs went stiff because of leg cramps. Napakapit ako sa pader.
"Anong nangyayari sa kanya?" Ezrael asked.
"Tumabi ka nga muna." Gusto ko sanang sawayin si Charles pero halos pilipitin ang laman ko sa sakit.
These past few days ay nakararanas na ako ng cramps na halos mapaiyak na ako sa sobrang sakit kaya sa apartment ko muna naglalagi ang pinsan ko.
Inalalayan ako ni Charles sa sofa at sinimulang hilutin ang naninigas kong hita habang si Ezrael naman ay tulala sa kanyang kinatatayuan.
"Magbihis ka. Dadalhin kita sa hospital ngayon din." Kahit na namimilipit ako ay nagawa kong irapan si Ezrael.
"Stop worrying too much Ezrael. Hindi pa ako manganganak." Ginalaw ko pa ang paa ko at sinubukang iinat para humina ang sakit.
Nang lumipas na ang sakit ay muli akong tumayo para mag-ayos sa check-up namin. Nagoffer pa nga siya na tutulong siya sa pagbibihis ko, which Charles aggressively declined. Iniwan ko silang dalawa sa sala at nag-ayos na.
I picked a comfortable dress and sneakers before grabbing my bag and the baby booklet they give to expecting mothers.
Naabutan ko si Charles at si Ezrael na naninigarilyo sa labas. Agad akong napa simangot at binatukan ang pinsan ko bago kinuha ang subong sigarilyo.
"Makita pa kitang may subong sigarilyo, gagamitin ko yang mata mong pang-upos." Masama kong tinignan ang pinsan ko bago tinapon ang sigarilyo.
I looked at Ezrael as he quickly finished it off and threw the bud before walking towards me.
Napairap ako nang kumapit ang amoy ng sigarilyo sa katawan niya pero hindi ko na ibinoses ang opinyon ko.
I was holding back my breath the entire time we were inside the car. I don't know but my nose is extra sensitive today. Maging ang bagong hair conditioner ni Charles ay napansin ko.
BINABASA MO ANG
Accidental Hearts (COMPLETED)
RomanceHiraya Sanchez, The stubborn independent girl from the city. She lived a carefree life, going out with friends and enjoying herself, and taking all the time to enjoy her life. A night at the bar like they usually do during weekends turn out to be a...