"Where's papa?" I looked at my four years old son dressed in his camouflage uniform.
Kakauwi ko lang galing trabaho. Aciel looks so cute in his costume!
Hindi ko na napigilang pangigilan ang halikan ang kanyang pisngi dahil sa pangigigil.
"Ahhh! Your lipsticks!" sigaw nito na akala mo permanente ang lipstick sa pisngi niya.
"Overreacting ka." I brushed his soft hair aside. Pinagpapawisan na siya dahil sa makapal niyang costume.
"You cannot kiss a soldier." Pangangaral nito.
"It disturbs them from their work. It's on the manual Momma." He seems disappointed that I forgot the manual he always demands me to read.
"May exception sa mga nanay. I'm your mom, I can kiss you whenever I want." nakasimangot ang mukha niya pero agad itong nawala nang ilabas ko ang paburito niyang tinapay.
He is clueless na puro lipstick ang mukha niya habang nakain.
"Nasaan ang kuya mo?"
"With tita Adie." Nag-iwan lang ako ng message kay Adie para alamin kung nasaan sila.
"Momma, Tawagan mo si Papa? I miss him." I looked at Aciel jumping on the couch while holding his bread.
It's been almost a month since his 4th birthday but he can now speak both English and Tagalog fluently.
"You call him." Binigay ko sa kanya ang telepono ko. Madali niya namang nahanap ung number ng kanyang tatay.
Habang kinakalikot niya ang phone ko ay nagsimula na akong magluto ng hapunan.
May mga kasang bahay si Ezrael na kinuha pero, hindi ko alam kung bakit hindi ko gusto ang mga luto nila. Kaya naman ako na ang madalas na nagluluto kapag may oras pa.
"Hindi sinasagot." Inutusan ko siyang iwan ang phone sa may island counter na kayang sinunod.
Ezrael called me ealier na malalate siyang umuwi dahil sa tambak na meeting na naipon dahil siya isang linggo siyang on leave para sa birthday ni Aciel na siyang mismong nagplano.
I called his office to which his secretary answered. Kasalukuyan daw itong nag-aayos ng mga papeles.
Nakauwi na sila Adie at sabay-sabay kami kumain ng hapunan. I packed Ezrael's dinner since he developed an allergy for eggs.
"Long time no see maam," I smiled at his secretary and greeted some employees na nakakasalubong ko.
Tapos na dapat ang trabaho niya pero he wanted to spend our Christmas in Paris kaya inuubos niya na ang mga meetings niya.
Still, in my teacher's uniform, I walked into the hallway holding his dinner inside Aciel's transformer's lunch box! Nakakahiya man pero ito lang ang meron ako!
I quickly reached a floor pero naramdaman kong pintig ng puson ko kaya bumaba muna ako mula sa elevator para hunanap ng restroom.
The hallway is nearly empty dahil naguuwian na nga ang mga trabahador pero hindi naman nakakatakot dahil may mga ilaw na nagkalat sa buong hallway.
I walked to the restroom and settled. Kalahating minuto lang ay may pumasok sa restroom. Ang takong nito ay nageecho sa buong banyo.
"Bahala ka, Aakyatin ko pa si Ezrael sa office niya. Hinihintay ko lang ang message niya." I stop myself from making any noise.
Kilala ko ang boses na iyon... she's that bitch...Clara? Kora?
"Sa business proposal mo na naman?" I could hear them talking dahil naka loud speaker siya.

BINABASA MO ANG
Accidental Hearts (COMPLETED)
Roman d'amourHiraya Sanchez, The stubborn independent girl from the city. She lived a carefree life, going out with friends and enjoying herself, and taking all the time to enjoy her life. A night at the bar like they usually do during weekends turn out to be a...