Chapter 12

163 6 1
                                    


Nakasabay ko  si Charles paakyat sa Elevator. Kinuha niya ang dala kong tray ng pagkain at siya na ang nagbitbit ng mga water bottle na binili ko.

Dumating kami sa room ni Ezrael na tulog na ulit . Napansin kong may laman na ang maliit na bote na ikinaiwas ko ng tingin. Dumating naman agad ang nurse para kunin ito at sinabing maghintay lang ng ilang oras para sa result.

Ginising at pinakain ko na si Ezrael dahil ngayon ay nilalagnat na talaga siya. Hindi na nga siya makausap ng maayos dahil sa tindi ng hilo niya.

Ilang oras lang ay pinasakan na siya ng IV fluid sa kamay habang ako naman ay pinayuhan na ng doktor na umuwi na dahil hindi safe saamin ng baby ang hospital. 

Kahit ayaw ko silang iwan ay wala akong magawa dahil alam kong mas lalo kaming mahihirapan kami  kapag ako ang magkasakit.

Nagpaalam na ako kay Ezrael. Saglit lang akong hinatid ng pinsan ko sa apartment ko dahil walang kasama si Ezrael. Tinawagan niya naman ang mga kaibigan ko para may kasama ako.

Rose is the one who answers the call. Nasa meeting si Ashe at hindi naman mahagilap si Lav.

"The favorite ninang is here!" Nawala ang ngiti niya nang makita ako. Inabot niya saakin ang hawak na bouquet bago pumasok.

"Bakit ang lungkot ng mga mata mo."

"Nasa hospital si Ezrael. Nilalagnat." May parte saaking matinding may pag-aalala. Maybe napasa nga taaga sa kanya ang sakit ko?

"Your baby daddy will be fine." Inalog-alog niya pa ako bago tigilan.

 "Kumain ka na. Lagpas lunchtime na." Siya na ang naghain ng pagkaing bitbit niya.

Tahimik akong kumain ng sinigang na niluto niya. Siya naman ay daldal ng daldal pero wala na sa kanya ang atensyon ko. Nag-aalala talaga ako para kay Ezrael. He looks really sick.

"You should rest na. Masama para sa baby ang stress at pagod." Siya na rin ang nagpresentang maghugas at hinayaan ko lang.

Pumasok na ako sa kwarto at pilit ang sariling makatulog pero kalahating oras pa lang ang nakakalipas ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Lumabas ako at naabutan si Rose na nanonood ng nakakatakot na palabas. Sumiksik ako sa kanya at nakinood. Agad niya naman inabot saakin ang popcorn na niluto niya. 

"Wag kang masyadong mag-alala. Baka makasama sa baby." 

"Hindi ko mapigilan dahil feeling ko, ako ang dahilan kung bakit siya nagkasakit." Napalingon naman siya saakin na may kunot ang noo.

"Anong sinasabi mo?" I faced my confused friend.

"Nilaktawan ko siya. Sabi kasi nalilipat ang paglilihi sa lalaki. Kaya ngayon ay anasa ospital siya.." problemadong pagkkwento ko na ikinatawa naman ni Rose.

Ilang segundo siyang nanahimik bago tumawa ng malaks. Halos alugin niya ang buo kong katawan kakatawa dahil sa sinabi ko.

"N-Naniniwala ka sa ganon?" Naiiyak niyang tanong habang pilit inaayos ang sarili.

"Dios Mio, H-Hiraya..." She cleared her throat. Ilang ulit niya pa itong ginawa para patigilin ang sarili niya sa matinding pagtawa.

"Hindi totoo iyon. Hindi mo pwedeng mapasa ang paglilihi." Pagpapaliwanag niya saakin habang pilit parin pinapaseryoso ang kanyang mukha. 

She doesn't believe it becuase she still hasn't experienced it. Pagnabuntis to ay tatawanan ko siya.

"Totoo iyon Rosie. Simula noong nilaktawan ko si Ezrael ay siya na ang nagsusuka at sensitibo saaming dalawa."

Accidental Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon