Chapter 5

206 10 0
                                    

Nagpalipas ako ng gabi sa terminal. Wala ng bumabyaheng jeep o motor sa ganitong oras lalo na't umuulan pa. Basang basa ako habang hinihintay na pagbuksan.

Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom at sa lamig pero hindi talaga ako bumalik sa bahay na iyon.

Masyadong maraming nangyari sa araw ko. Gusto ko munang huminga panandalian.

Mabuti nalang at may ilaw ang terminal at kahit papaano ay may mahahabang upuan akong pwedeng higaan.

Hindi ako nagsisisi na umalis ako. It's definitely a stupid move but it's freeing. I felt stronger.

Tuluyan na akong napanatag na walang mangayayaring sa akin nang magtilaukan na ang mga manok at pasikat na ang araw.

Pero hindi ko inaasahang sa pagising ko ay sa hospital ko babangon. Maliit at masikip ang center at halo-halong mukha ang nakikita ko.

May tulog na lalaking nakaupo malapit sa kama ko na agad ring nagising nang may dumaang nurse para i-check ako.

"Nilalagnat ka ng apoy at hindi ka nagigising." ramdam ko ang pagaalala ng lalaki.

Si Mang Vicente. Isa pala siyang driver sa terminal. Marami na palang nakakita sa akin at inakalang patay na ako o siraulo pero siya lamang ang nakaisip na bitbitin ako sa hospital.

"Kumain ka muna." Nahiya ako nang abutan ako nito ng sapot ng mainit na kakanin. My heart warms because of his generosity.

Kalaunan ay nagpaalam na ito dahil walang bantay sa jeep niya. I thanked him profusely at sinubukan bayaran ang kabutihang loob niya pero tumanggi na siya at sinabing gamitin ko nalang ang pera pambayad sa ospital at sa mga gamot.

Hinihintay ko lang ang resulta ng mga test na ginawa sa akin kanina at habang naghihintay ay inabala ko ang sarili ko sa mga pasyenteng nadaan dahil wala naman akong phone. 

Pero hindi ko lubos akalaing aabot sa ilang oras ang paghihintay ng results. Nadischarge na ako pero dahil nga wala pa ang resulta kaya hindi rin ako makaalis.

Para akong turista kung pinagtitinginan sa mga maletang bitbit ko. Nakatulog nalang ako sa waiting area kakahintay hanggang sa naalimpungatan ako sa pamilyar na boses.

"Bakit andito ka?" Gulat kong tanong sa aking pinsan. Ang alam ko ay hindi pa tapos ang klase nito.

"Nalaman kong nandito si tito, kaya sumunod agad ako." the weight of guilt is evident in his face.

I nodded. I felt calm knowing I'm not alone anymore.

"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" Inayos ng matandang nurse ang kanyang bitbit na mga papel.   

"Ayos lang po. Masyado lang siguro akong napagod kagabi." Tumanggo pa ito nang ilang beses habang tinatanong kung ano na nararamdaman ko.

"Alam mo bang buntis ka?" Para akong hinugutan ng hangin nang marinig ang tanong na iyon.

"Huh?"

A static noise seems to come out of nowhere. Namanhid ako.Hindi ko na narinig pa susunod na sinabi ng nurse dahil nanlabo na ang mata ko at nanghina.

I am pregnant?!

"Raya.." Gising ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit. Nananakit ang ulo ko sa pakikinig sa nurse at kay Charles na nag-uusap.

A gentle squeeze pushes me to open my eyes. Bakas ang pag-aalala sa kanya mukha.

"Paano na?" 

"Alam mo ang sabi-sabi." Dismayado niyang sabat naikinasikip lalo ng dibdib ko.

Accidental Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon