Chapter 3- Huli pero di kulong

288 20 1
                                    


Excited umuwe si Tanch ng araw na yun. Inabot na din siya ng hapon bago umuwe, may pinaayos pa kasi sa kanyang requirments. Bago umuwe dumaan muna siya sa tindahan ng lechon manok, para sa hapunan nilang pamilya.

Tanch: kuya isang buong lechon manok nga po.

Kuya: Buo po ba miss o tatadtarin na?

Tanch: tadtarin mo na kuya.

Malayo palang natanaw na siya ng kapatid niyang bunso na si toto.

Toto: nay nay nandyan na si ate mukhang may dala.

Nanay tess: salubungin mo na tulungan mo na ang ate mo.

Patakbong lumapit si toto sa ate niya.

Toto: ate, ate! Kanina ka pa namin hinihintay, ano yang dala mo ulam?

Tanch: oo, bakit? May nangyari ba?

Toto: wala nman ate, nagugutom na kasi ako eh.

Tanch: oh kunin mo na to at pahanda mo na kay nanay para  makakain na tayo ako din eh gutom na

Nang makarating sa bahay agad nagmano si Tanch sa nanay niya na nag aabang sa kanya.

Tanch: mano po nay,

Nanay Tess: kamusta anak, may trabaho ka na.

Tanch: yes nay, sabe sayo eh para sa akin yung trabaho na yun

Nanay Tess: ay salamat sa diyos, wala na kasing pambili ng gamot ang tatay mo

Tanch : hayaan mo na, bibili ako bukas may natatabi pa nman ako. Tara na nay kumain na tayo at akoy nagugutom na.

Sa opisina

Anika: Mai, si sarah nakauwe na ba?

Mai: ahh maam anika di ko po alam eh, pero nakita ko siya kanina nadun pa sa desk niya. May uutos po ba kayo sa kanya?

Anika: ahh wala ako nalang, sge na umuwe ka na, by the way turuan mo mabuti yung bago kong secretary ayaw ko ng aanga anga.

Mai: yes maam ako na po bahala.

Anika: good alam mo kung ano ang ayaw at gusto ko.

Mai: opo maam.

Anika: you may go now

Nang wala ng halos tao sa opisina, pinuntahan ni Anika si sarah. Nadatnan niya si sarah na may iniiscan na mga papers.

Hindi siya napansin ni sarah na papalapit kaya nman niyakap niya iyon papatalikod.

Nagulat nman si Sarah sa ginawang iyon ni anika.

Anika: napaka busy mo.

Sarah: Anika ano ba may makakita sa atin, makita tayo sa cctv.

Anika: Haaay, ayaw mo na ba talaga sa akin?

Sarah: Eto nanaman ba tayo, ilang beses ko ng pinaliwanag sayo.

Anika: di ko kasi magets, why all of a sudden ang cold cold mo.

Sarah: Anika, pwede ba yung boses mo may makarinig sayo.

Anika: wala na silang lahat pinauwe ko na. Tayo nalang tao dito. I still love you, alam mo yan.

Sarah: hindi na nga pwede ang kulit mo.

Anika, bakit nga, bak.......

Hindi na nakapagsalita si Anika dahil may biglang pumasok na isang empleyado.

Joy: ahhh sorry po, may nakalimutan lang po ako

Para di sila mahalata iniba ni anika ang sasabihin niya dapat kay Sarah.
(Tila pinapagalitan niya ito)

Anika: Bakit sarah, bakit ngayon mo lang ginagawa yan!!! Di ba kanina ko pa yan inutos sayo. Wag kang uuwe hanggang di mo natatapos yan.

Natapos lang ang kunwaring pagsusungit ni Anika ng makaalis si Joy.

Sarah: sinabi ko nman sayo umjwe ka na baka may makakita sa atin.

Anika: haaay sarah, ang manhid mo na! Ihahatod na kita.

Sarah: magllrt nalang ako.

Anika: gosh sarah, hanggang kailan mo ba gagawin yan. You supposed to in my position, pero ayaw mo.

Sarah: ayaw ko nga. Please anika respect my desicion. Umuwe ka na.

Anika: fine,

Sarah: at pwede ba, ayaw ko may makaalam nito, kaya please treat me like them.

Anika: oo na, i will keep it a secret, but please ibalik natin yung dati.

Sarah: ANIKA ELAINE!!!!

Anika: basta love kita. Bye. Aghhh by the way i have new secretary na

Sarah: good for you, but i feel sorry for her, please lang bawas bawasan mo yung pagkamasungit mo, nakakailang secretary ka na!

Anika: kasalanan ko bang tatanga tanga sila.

Sarah: ang taas ng standard mo, pwede ba habaan mo yung pasensya mo. Ako naawa sa kanila.

Anika: excuse me, di lang lang talaga sila marunong makinig at masunod. Let see this one, kung tatagal siya sa akin.

Sarah: ewan ko sayo.

Anika: i have a proposal for you, be my wife ay este be my secretary total ayaw mong maging boss, secretary nalang

Sarah:  lumalayo nga ako sayo, ikaw nman tong lapit ng lapit, Ayaw ko.

Anika: pag isipan mo yan, bye uwe na ko. I LOVE YOU.

Isang mabilisang halik sa pisngi ang binigay niya kay sarah at sabay naglakad palabas ng office.

Sarah: Anika elaine!!!!! Wag mo ng uulitin yun!!!

Natawa nalang si Anika habang patuloy na naglalakad palabas.

Habang sakay ng lrt luminga linga si sarah sa palikid nagbabakasakali na baka nandun ulit ung babae nakasabay niya kanina. Hindi noya maiwasang matawa habang inaala ang mga naganap kaninang umaga sa loob ng lrt.

Hiniling niya na balang araw magkasabay ulit sila ditong dalawa.







This is usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon