CHAPTER 8: Liham

234 18 0
                                    


Mas lumalim lalo ang pagsasamahan nina Anika at Sarah. Tinupad ni Anika ang pangako niyang hindi na muling iiyak at mag iisa si sarah.

Habang masaya si Sarah sa america lingid sa kanyang kaalaman na may iniindang sakit ang kanyang ama.

Minabuti ni Miguel na hindi ito sabihin kay Sarah, alam njya kasi na sobrang mag aalala ito sa kanya. Habang hindi pa huli ang lahat. Nagtayo siya ng isang kumpanya na balang araw ay ipapamana niya sa anak niyang si Sarah. Hindi to alam ng kanyang tunay na pamilya, hanggang ngayon kasi patuloy pa din pinaghahanap ng kanyang asawa so Sarah, naninigurado ito na hinding hindi makakalapit si Sarah at hinding hindi makakahini ng anuman galing sa kanilang pamilya.

Ang kumpanyang iyon ay pinamamahalaan niya ng patago. Labis labis ang kanyang pag iingat dahil ayaw niyang mauwe sa wala ang lahat. 

Alam ni miguel na hindi na magtatagal ang kanyang buhay. Nagpagawa siya ng Dalawang Last will ang Testament. Ang isa ay nagsasaad ng lahat ng kanyang ari arian ay mapupunta sa kanyang asawa at dalawang anak.  Ang isa ay naglalaman na ang kumpanyang kanyang tinatag ay mapupunta kay sarah pag tungtong niya sa kanyang ika 25th Birthday, ang documentong ito ay lihim lamang, siya at ang kanyang abogado lamang ang nakakaalam.

Mabilis lumipas ang mga buwan at araw, mas lalong lumubha ang kalagayan ni Miguel at wala pa din kaalam alam si Sarah sa nangyayqri sa kanyang ama.

Nagtataka lamang si Sarah dahil dati rati madalas siyang kamustahun ng kanyang ama, pero ngayon ay hindi na ito nagpaparamdam sa kanya.

Isang gabi isang balita ang nakita niya sa social media. Nakita niya sa isang post ng kanyang half sister na pumanaw na ang kanilang Ama.

Umiyak ng umiyak si sarah ng malaman ang masamang balita, iyon pala ang dahilan kung bakit di nagpaparamdam ang ama niya niya sa kanya.

Buo ang kanyang loob na umuwe ng pilipinas para sa huling pagkakataon makita niya ang kanyang ama.

Gustuhin mang sumama ni anika pero pinigilan siya ni Sarah. Ayaw kasi ni Sarah na madamay pa si anika sa kung ano man ang mangyayari sa pag uwe niyang iyon.

Nangako nalang siya kay Anika na babalik ito ng ligtas

Pagdating sa Manila, agad siyang nagtungo sa isang chapel kung saan nakaburol ang mga labi ng kanyang Ama.

Sa labas palang ng chapel bumuhos na ang kanyang luha, naalala niya din kasi yung mga araw na nakaburol din ang kanyang ina.

Dahan dahan siyang pumasok sa loob, may mga ilang taong nakamasid sa kanya, ilang sandali pa napansin na siya ng kanyang stepmother.

Agad siya nitong nilapitan at sapilitang hinila papalabas ng chapel.
Ang mga kaganapang iyon ay pumukaw sa atensyon ng mga taong naroon.

Melanie: anong ginagawa mo dito!!! Umalis ka dito ngayon din, hindi ka kailanman naging parte ng pamilyang ito.

Sarah: gusto ko lang makita so daddy sa huling sandali.

Melanie: Daddy? Ang kapal din talaga ng mukha mo. Inuit ko hindi ka kailanman welcome sa pamilyang ito!!! Layas!!!

Sarah: hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa pamilya niyo, ang gusto ko lang makita si daddy sa huling sandali.

Melanie: hindi mo siya makikita at malalapitan, lumayas ka!!! Oh gusto mo bang ipakaladkad ka palabas.

Sa puntong iyon tumawag na si melanie ng mga body guard para paisin si Sarah.

Walang nagawa si Sarah, pilit siyang pinagtatabuyan palabas ng chapel.

Dalawang beses sa buhay niya na ipinagtabuyan siya. Umiyak na lamang siya sa isang tabi. Gustuhin man niyang lumapit ulit doon subalit ang buong lugar ay napapalibutan na ng mga tauhan ni Melanie.

Hanggang sa mailibing ang kanyang ama, hindi niya ito nasilayan, nakamasid lamang siya mula sa malayo habang pinagmamasdan na uting uting lamunin ng lupa ang kabaong ng kanyang ama.

Bago bumalik ng america, minabuti muna ni sarah na dumaan sa masyon, gusto niyang silayan ang lugar na iyon sa huling pagkakataon.

Mula sa malayo tanaw na tanaw niya ang malaking bahay at malawak na hardin na saksi sa paghihirap nilang mag ina sa kamay ni Melanie.

Ilang sandali pa isang matandang babae ang lumabas sa gate, agad niyang nakilala si Sarah

Aling myrna: sarah ikaw ba yan?

Sarah: aling myrna, opo ako nga po.

Aling myrna: jusko anong ginagawa mo dito bata ka? Baka ano nanaman gawin sayo ni Maam melanie pag nakita ka.

Sarah: paalis na po ako, gusto ko lang pong masilayan ang bahay bago ako umalis

Aling myrna: buti nakita kita, may ibibigay ako sayo isang sulat.

Sarah: sulat po? Galing kanino

Aling myrna: nakita ko ito habang naglilinis kame ng mga gamit ni Don miguel.

Pagbalik ng matanda agad niyang inabot kay sarah ang isang liham.

Aling myrna: siguro sulat sayo yan ni Don Miguel. Umalis ka na sarah, bago ka pa maabutan ni Maam Melanie.

Niyakap ni Sarah ang matanda at nagpaalam, pinangako niya rito na mag iingat siya.

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng makabalik siya sa America, pero hanggang ngayon wala pa siyang lakas ng loob para buksan at basahin ang sulat na iyon.

Isang gabi, dinalaw siya ng kanyang ina at ama sa pamamagitan ng panaginip. Napakasaya at buo daw ang kanilang pamilya. Ibang iba sa naranasan niya.

Nagising nalang siya na tumutulo ang kanyang mga luha, dahan dahan siyang bumangon at kinuha ang sulat.

Dear Sarah,

Ibang saya ang dinala mo sa akin at sa iyong ina, ni minsan hindi ko inisip na ikaw ay bungga ng isang pagkakamali. Madalas kitang pinagmamasdan mula sa malayo, may mga pagkakataon na gustong gusto kitang yakapin ngunit pinili kong wag gawin iyon para protektahan kayong mag ina. Mahal na mahal kita bunso ko, Walang araw na hiniling ko sa panginoon na dumating yung araw na malaya kitang mayayakap, malaya akong makikipaglaro sayo, malaya akong tugunan ang tungkulin ko sa iyo bilang ama mo. Pero sa mga sandaling sinusulat ko ito alam kong malabo ng mangyari iyon, bilang nalang annmg araw na ilalabi ko dito sa mundong ibabaw. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita anak, pinagmamalaki kita, dahil sa ilang beses kang nasaktan, nadapa, ganun di  kadaming beses kang bumangon.  Alam ko aalis ako sa mundong ito na kampante ako na kaya mo ang sarili mo. Hindi man kita makita at mayakap hanggang sa huling pagkakataon, sisiguraduhin kong araw araw kitang gagabayan.

Sarah, darating ang araw na ikaw na mismo ang magpapatakbo ng iyong buhay, buhay na masagana na pinagkait sayo ng pagkakataon.

Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako at ang aking pamilya. Muli, mahal na mahal kita.

-Daddy

Napahagulgol siya ng iyak matapos mabasa ang liham na iyon. Muli niyang naramdaman na mag isa nanaman siya sa buhay.

Darating kaya ang araw na mapapatawad ni Sarah ang mga taong nagpahirap sa buhay niya?

This is usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon