CHAPTER 7: New Found Friend

327 21 0
                                    


Nahirapan si Sarah na mag adjust sa America, natatakot pa din kasi siyang makipag usap sa ibang tao. Nandun pa din ung pangamba niya na baka may makakilala sa kanya at may manakit ulit sa kanya. Grabe ang dalang trauma ng mga pinagdaanan niya.  Madalas siyang tahimik at nag iisa.

After ng klase, habang naglalakad pauwe may isang babaeng umakbay sa kanya. Kinagulat iyon ni Sarah at agad humiwalay sa pagkakaakbay ng babaeng iyon

Anika:ooppsss sorry it was not my intention to scare you. By the way I'm Anika.

Ngumiti lang si sarah at nagpatuloy sa paglalakad.

Anika: hey, pinoy din ako, marunong akong magtagalog. Anong pangalan mo?

Hindi pa din kumikibo si sarah.

Anika: pipi ka ba? Gusto ko lang makipagkaibigan sayo.

Sarah: Sarah ang pangalan ko.

Anika: ayun oh, nagsasalita ka nman pala eh. Halika samahan mo ko kumain.

Hinila ni Anika si Sarah papunta sa isang pizza parlor. Walang nagawa si Sarah kundi sumunod kay anika dahil hawak hawak nito ang kamay niya.

Anika: let's eat, wag kang mag alala libre kita, they sell the best pizza ever. Makakalimutan mo pangalan mo pagnatikman mo promise.

Inisip ni Sarah na sana nga totoo ang sinabi ni Anika na sa isang kagat ng pizza na iyon ay makakalimutan niya lahat.

Anika: lagi ka bang ganyan? Tahimik kanina pa kasi kina pinagmamasdan we're classmate. Nakatahimik ka lang the whole class.

Sarah: wala nman kasi akong sasabihin.

Anika: ok fine, saan ka nakatira dito? Kasama mo din ba ang family mo?

Muling nanahimik si sarah, pinaalala nanaman kasi sa kanya na mag isa lamang siya sa buhay.

Anika: may na sabi ba akong mali? Masyado ka na yatang nakukulitan sa akin.

Sarah: mag isa lang ako dito.

Walang ano anong hinablot ni Anika ang cellphone ni Sarah na nakapatong sa lamesa. Nilagay niya doon ang kanyang mobile number.

Anika: ayan simula ngayon pag nalulungkot ka, pag kailangan mo ng kasama at kausap tawagan mo lang mo lang ako.

Sarah: nasanay na kong mag isa. Kaya wag mo na akong pag aksayahan ng oras.

Anika: no hindi to pag aaksaya ng oras. Basta maghihintay ako sa tawag mo sarah.

Kinabukasan maghapong nakadikit si Anika kay Sarah, maghapon niya itong kinukulit, pagnakita niyang malungkot ang bagong kaibigan gumagawa siya ng paraan para mapasaya ito.

Inabot ng gabi ang klase nila ngayong araw. Kaya nman minabuti ni Anika na imbitahin si Sarah sa bahay nila para doon kumain ng dinner.

Muli niyang hinawakan ang kamay ni sarah at sabay silang naglakad.

Sarah: saan tayo pupunta, uuwe na ako.

Anika: kakain tayo,

Sarah: sa apartment nalang ako kakain.

Anika: no, sasama ka sa akin sa bahay doon tayo kakain. It's an order, napagod kaya ako buong araw para pasayahin ka.

Sarah: hindi ko nman hiniling na gawin mo yun di ba?

Anika: hindi nga, pero gusto ko. Gusto ko din na dalin ka sa bahay at doon tayo magdidinner.

Wala ng nagawa si sarah kundi sumunod kay anika, gustuhin man niyang makatakas pero di niya magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Anika sa kamay niya. At nakita niya ang effort nito sa buong maghapon.

Anika: we're here, wag kang mahiya ha.

Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ni Sarah.

Anika: Mom I'm home, Im with my new friend Sarah.

Isa isang pinakilala ni Anika kay sarah ang buo niyang pamilya. At maya maya pa nagsimula na silang maghapunan.

Tahimik lang si Sarah habang kumakain, nakikinig lang siya sa kwentuhan ng buong mag anak. Isa ito sa matagal na niyang pangarap ang kumain sa isang hapag kainan kasama ang buo niyang pamilya.

Anton: sarah, sinong kasama mo dito sa america, nandito din ba ang pamilya mo? ( pagtatanong ng daddy ni Anika sa tahimik na si sarah)

Sarah: mag isa lang po ako dito ( pagkakasabi nun tumulo na din ang luhang kanina pang gustong kumamawala sa mga mata niya)

Mabilis siyang tumayo at lumabas ng bahay, sinundan agad nman siya ni Anika.

Naabutan ni Anika si sarah nakaupo sa harap ng bahay nila, nakatingala at pinagmamasdan ang paisa isang bituin sa kalangitan.

Anika: sarah, sorry ha

Sarah: ako dapat manghingi ng sorry nasira ko yata ung dinner niyong buong pamilya.

Anika: no,its ok. Gusto mo bang samahan kita dito.

Sarah: Alam mo ba, pangarap ko yung ganun, kumaon ng sabay sabay kasama ang buong pamilya. Bata palang ako, madalas naiinggit ako sa pamilyang pinagsisilbihan namin pag kumakain sila ng sabay sabay, ang sasaya nila, habang kame nasa sulok naghihintay sa tira tira nila. Kung tutuusin may karapatin din kame ng nanay ko na umupo sa lamesang yun, kumain ng masarap mamuhay ng marangya. Pero lahat un pinagkait sa akin, sa amin ng nanay ko. Hanngang sa mamatay siya, puro paghihirap ang dinanas niya.

Sa  murang edad naranasan kong magbanat ng buto sa araw araw. Pagmalupitan, pagbintangan nagnakaw ng bagay na hindi ko naman talaga kinuha, pagtabuyan na parang aso, kaladkarin palabas ng bahay, maglakad sa gitna ng dilim at lamig ng ulan, magtago sa mga taong gusto akong patayin. Lahat na ng kalupitan ng mundo naranasan ko na. 
Kaya hindi ko alam kung ano pa ang silbi ko sa mundong ito? Ano pa ang dahilan bakit ako lumalaban? Para kanino pa ako bumabangon araw araw.

Hindi maiwasan ni anikang maawa kay sarah, hindi niya sukat akalain na ganun pala ang mga pinagdaanan nito.

Anika: maraming rason para lumaban sarah, gawin mong rason ang mga pangarap mo, ang mga pangarap ng nanay mo para sayo. Patunayan mo sa kanila na kaya mong bumangon at magpatuloy sa buhay ng mag isa. Patunayan mo sa mga taong nanakit sayo na balang araw sila naman ang luluhod sa harap mo para magmakaawa. Hindi ka nag iisa sarah, nandito ako, nandito ang pamilya ko, ituring mo kaming pamilya mo din.

Mabilis na lumipas ang mga araw, naging masiyahin na ulit si Sarah,sa tulong ni Anika, madalas na silang magkasama, sumama na din si Anika sa apartment ni Sarah. Hindi niya hinahayang mag isa ito.

Anika: sarah, bilisan mo dyan breakfast is ready.

Sarah: teka lang, malapita na

Hinanda ni Anika ang agahan habang nagbibihis si Sarah. Nagulat si Sarah sa mga pagkain nakahain sa lamesa.

Anika: surprise, Happpy friendsary( sabay hug at kiss sa lips ni Sarah)

Isang taon na ang nakalipas simula ng maging magkaibigan ang dalawa. Natulala si sarah sa ginawang iyon ni Anika.

Anika: hoy sarah, ok ka lang? Wag mong sabihin first kiss mo yun?

Hindi malaman ni sarah kung anong gagawin sa mga pagkakataong iyon, oo tama si anika, iyon ang una niyang halik. Hindi siya makagalaw, unti unting bumibili ang tibog ng puso niya.

Anika: pagdika kumilos dyan hahalikan kita ulit.

Hindi pa rin makagalaw si Sarah, hu di niya alam ani gagawin, kikilos ba siya o hindi para matikman niya ulit ang halik na iyon.


This story is available on youtube: Nikkie's Wattpad Stories

Please Subscribe👍

This is usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon