CHAPTER 6: Ulila

306 21 0
                                    


Isang malawak na bakuran, malaking mansion, at  magagarang sasakyan. Ito ang lugar na kinalakihan ni Sarah, Pero lahat ng ito ay hindi sa kanya,at hindi sa kanilang mag ina.

Anak siya ng isa sa mga kasambahay sa mansion na iyon. Bata palang siya alam na niya kung saan ang lugar niya, sa basement kasama ng kanyang ina at iba pang mga kasambahay, naghihintay ng mga tira tira ng mga amo nila.

Pero hindi lingid sa kanyang kaalamanan na anak din siya ng padre de pamilya ng bahay na iyon.
Oo isa din siyang Garcia, pero kailanman hindi niya pwedeng ipagsabi kanino man ang bagay na iyon,  malaki ang pagkakautang nilang mag ina sa pamilya iyon, at walang ibang lugar silang mapupuntahan kundi sa bahay na kailanman hindi sila tinatrato ng tama.

Kahit na ang totoong pamilya ng kanyang ama ay walang kaalam alam na siya ay anak din ni Miguel.

Grabe ang hirap ng kanyang ina sa pagsisilbi sa buong bahay, umabot pa na nalilipasan ito ng gutom, dahil mas inuuna siyang pakainin kaysa sa sarili. Eto ang dahilan kung bakit nagkasakit ang kanyang ina na sanhi ng pagkamatay nito. Bago mawalan ng hininga ang kanyang ina, mahigpit na binilin sa kanya na wag na wag siyang aalis sa bahay na iyon. At wag ipagsasabi kahit kanino ang kanilanh lihim.

Alam ni Miguel na anak niya si Sarah, simula ng namatay ang nanay nito, patago niyang binibigyan ng pagkain ang bata.

Sa murang katawan at edad natuto si sarah na saluhin ang mga ibang gawaing bahay.

Marga: (panganay na anak ni Miguel)
Hoi sarah, linisin mo yung kwarto ko pagkatapos mo dyan.

Sarah: opo

Marga: good, gusto ko yung sobrang linis. Naiintindihan mo ba!

Sarah: opo.

Buong maghapong naglilinis ng kwarto ni Marga si Sarah, Hindi na niya nagawang kumain sa sobrang pagod at nakatulog nalang.

Nagising si Sarah  sa mga sampal at sabunot ni Melanie ang kanyang Stepmother.

Melanie: Sarah gumising ka dyang magnanakaw ka!!!

Halos mamakat ang mga kamay nito sa mukha ni Sarah.

Melanie: ilabas mo ang alahas ng anak ko, magnanakaw na bata ka!!

Sarah: (umiiyak sa sakit ng mga sampal na natatanggap niya) Wala po akong ninakaw.

Melanie: anong wala? Ikaw lang ang naglinis ng kwarto ni Marga. Hindi mo ba alam kung magkano yun!!!

Sarah: wala po akong ninakaw na kahit ano, wala po.

Kinaladkad siya ni Melanie palabas ng mansion, Wala noon si Miguel sa bahay kaya nagawang pagtabuyan ng mag iina ang kawawang si sarah.

Pinaghahagis din sa labas ng bahay ang kakaunting gamit niya, isa na dito ang nag iisang larawan nilang mag ina.

Kasabay ng pag iyak niya habang papalayo sa impyernong bahay na iyon ay ang pagpatak ng maliliit na buhos ng ulan. Tila ba nakikidalamhati din ang kalangitan sa kanya.

Sinadya ng mag iina na mapalayas si Sarah sa mansion, napansin kasi nila na simula ng mamatay ang nanay ni Sarah, madalas na pinagtutuunan ng pansin ni Miguel ang batang si sarah.
Kaya nman gumawa sila ng eksena para mapalayas ang bata.

Habang papauwe galing trabaho napansin ni Miguel ang isang pamilyar na bata na naglalakad sa ulan. Hinintuan niya ito at isinakay sa sasakyan.

Halos di niya makausap si Sarah na nanginginig sa lamig at takot. Di na niya kailangan pang magtanong mukhang alam na niya ang nangyari sa bata. 

Minabuti niya itong dalin muna sa isang hotel para magpahinga.

Miguel: Sarah, anak alam kong alam mo na ako ang tunay mong ama, Alam kong malaki ang pagkukulang ko sayo at sa iyong ina. Sorry kung madalas hindi kita mapagtanggol sa bahay, sana naiintindihan mo ako. Pero isa lang ang sasabihin ko sayo hindi kita pababayaan.

Sarah: namimiss ko ang nanay ko, Hindi kita kailangan, kailangan ko ang nanay ko,(napahagulgol nanaman siya sa iyak)

Miguel: Alam ko hindi ko maibabalik ang buhay ng iyong ina, pero hayaan mo ko bumawi. Dito ka muna pansamantala. Alam ko dapat matagal ko na tong ginawa, Bukas na bukas din ipapaayos ko lahat ng papers mo, simula ngayon Garcia na din ang gagamitin mong apelido.

Sarah: ayaw ko, kung yan lang din ang magiging dahilan para masaktan nila ako ulit.

Miguel: hindi na mangyayari yun, ilalayo na kita. Mag aaral ka sa america. Doon wala ng mananakit sayo.

Magdamag umiiyak si Sarah habang yakap ang larawan nilang mag ina. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa mga narinig niya kanina o dapat ba siyang kabahan. Alam niya na walang sikreto ang di mabubunyag.

Isang buwan din siyang nanatili sa hotel na yun, gabi gabi siyang dinadalaw ng kanyang ama. Tinupad rin nito ang pangakong gagawin siyang isang legal na Garcia.

Dumating ang araw na kinakatakutan ni Sarah, nalaman na ni Melanie na anak si Sarah ni Miguel sa dati nilang katulong.

Galit na Galit ito, at pinapahanap si Sarah. Binantaan pa  niya si Miguel na papatayin ang bata pag nalaman nila na tinutungan niya ito at pagbibigyan ng mana.

Kaya minabuti ni Miguel na itago si Sarah sa isang malayong probinsya kasama ng pinagkakatiwalaan niya tao.

Doon nag aral at nagtapos ng highschool si Sarah, doon din niya naranasan na ituring siyang tunay na pamilya ng pamilyang kumupkop sa kanya.

Napagpasyahan din ni Miguel na pag aralin si sarah sa america.  Duon namuhay si Sarah ng mag isa at walang takot na masusundan pa siya doon ng pamilya ng kanyang ama.

Kumuha si sarah ng kursong Business Management. Doon niya nakilala at naging kaibigan si Anika.

Ang bukod tanging tao na nakagaanan niyang loob at pinagkatiwalaan niya matapos lahat ng pinagdaanan niya sa buhay.

Author's Note

Magpapatuloy ang kwento ng buhay ni Sarah sa susunod na kabanata.

ABANGAN...

This is usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon