Dylan's pov
Kahit walang klase ay maaga akong bumangon at nagbihis para pumsok sa school. Magpapasa lang ako ng project naming. Nakalabas na ako ng kwarto at nagtaka ako dahil pag ganitong oras paglabas ko pa lang ng kwarto ay naamoy ko na ang niluluto ni Alexa.
Nagpunta ako sa kusina pero wala siya. Baka nauna na umalis? Pagsilip ko sa grahe na dun pa ang kotse nya. Tumingin ako sa kwarto nya sa taas. Sarado. Baka naman tulog pa? Pero hindi yun tinatanghali ng gising may pasok o wala maaga siya gumising.
"Alexa?" tawag ko sa kwarto nya. Walang sumasagot. Baka nga tulog pa. Kasi kung gising yun nagmamadali na dapat yun lumabas. "Alexa? Papasok na ako, may pagkain na sa baba." Pinakinggan ko kung may maririnig ako sa loob ng kwarto niya pero wala. Still no answer. Hindi na ako nag abala na katukin uli ito. "Papasok na 'ko Alexa."
Napailing na lang ako. Nakapagluto na naman ako ng pagkain. Kung gusto niya lumabas at kumain, kakain yun.
Naiinis na umalis ako ng bahay. Bahala nga siya.
Eris's pov
"Babe, tama na nga yan kaka cellphone mo ang aga aga e." Itinago ko ang phone ko sa bag at humarap sa boyfriend kong si Mark.
"Eh babe hindi kasi sinasagot ni Lexi ang tawag at texts ko."
"Baka naman kasi tulog pa."
"Hindi. Maaga yun gumising. Tsaka sa oras na ito nakapag luto na yun. Kilalang kilala ko yun. Hindi niya hahayaang hindi makapgluto ng agahan ni Dylan." Nakaismid na sabi ko.
Napailing na lang ako ng maalala kung paano pagsilbihan ni Alexa si Dylan. Naiinis na nga siya minsan sa bestfriend niya dahil kahit minsan ay hindi man siya mapasalamatan ni Dylan pero tuloy pa din. Bulag na bulag sa pagmamahal sa kababata nila.
"Dadating din yun. Hintayin na lang natin."
Kanina pa ako naiinip. Kinuha ko uli ang phone ko tinawagan siya uli. Di talaga sumasagot si Lexi.
Nung tinawgan ako ni Paolo kagabi nag alala talaga ako. Lalo na't may sakit si Lexi. Dahil kita at alam ko kung ano ang pinagdaanan nya. Kung paano siya lumaban sa sakit nya. Indi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba at the same time natatakot ako.
Kaagad niyang nilapitan ng makita niya si Dylan pumasok ng gate ng school.
"Dylan! Sandali."
"Oh Eris bakit?"
"Nasaan si Lexi? Ba't di mo kasabay?"
"Tulog pa e. Kaya umuna na ako."
"What? Tulog pa? Pinuntahan mo ba sa kwarto nya?"
"Oo. Kinatok ko, kaso tulog pa."
"Are you sure? May sakit kasi siya...I-i mean lagnat."
"Ha? Di ko alam."
"Di mo alam? Magkasama kayo di ba? Ba't di mo alam!"
Napataas na ang boses ko dahil sa inis. Magkasama sila sa bahay, kahit ayaw niya sa bestfriend ko dapat inalam man lang nito ang kalagayan ng kaibigan.
"Eris, look, magkasama lang kami sa bahay. Di naman kami magkatabi sa kama, paano ko malalaman na nilalagnat siya?"
"Nung hindi sumasagot dapat pinasok mo na sa kwarto. Paano kung may nangyari na dun? Alam kong ayaw mo kay Lexi, pero Dylan naman! Kaibigan natin si Lexi, sana naman kahit kaunti man lang may pakialam ka!"
"Babe, tama na yan. Di ba sabi nya tatawag naman siya? O kaya puntahan na lang natin." Inilayo ako ni Mark kay Dylan. Nakakainis naman kasi, nag aalala lang naman ako!
BINABASA MO ANG
Hundred Tears
Romance"I love you Dylan ko!" mga salitang mabilis makapagpainit ng ulo ni Dylan. Mga salitang wala na yatang sawang sasabihin sa kanya ng babaeng kinaiinisan niya mula pagkabata, si Alexa. "I love you...I love you..." napapikit siya ng sumigid na naman sa...