* Sa kotse
Tahimik lang ako sa byahe dahil iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Dylan ang tungkol sa sakit ko. Gusto ko ng sabihin sa kanya per Kakasimula pa lang namin at ayokong magkaroon agad kami ng problema at isipin. Lalo na si Dylan. Hindi ko alam kung anong magiging reaction niya pag nalaman.
"May problema ka ba? Ang tahimik mo na naman."
"W-wala. Medyo inaantok lang ako."
"Sure ka ha?"
"Oo."
"Ayaw mo bang bisitahin sina tita?" umiling ako. Alam kong ako lang din ang masasaktan. Hindi ila ako naalala. Kinalimutan na nila ako matagal na.
"Hindi din nila ako gustong makita ako." Maikling agot at umayos nan g pwesto para umidlip.
"Sige matulog ka na. Gigisingin na lang kita pagnakadating na tayo." Tumango lang ako.
Nagising ako ng maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Ang bango. Ang komportable sa pakiramdam. Nagmulat ako ng mata kahit parang ayaw ko pa. Gusto ko kasi makita kung ano ba yung niyayakap ko. Hindi na ako nagulat ng si Dylan ang makita ko. Napangiti na lang ako . Nasa kwarto ko na ako at katabi ko si Dylan na tulog. Ano bang oras na? Dumako ang tingin ko sa orasan sa tabi ko at nanlakki ang mata ko sa nakita. 7:45pm!! Gabi na pala.
"Dylan..." humarap uli ako sa kanya para gisingin pero tulog na tulog pa din.
Hindi ko inaalis ang yakap niya sa akin. Gusto ko kayakap siya. Sasamantalahin ko ang pagkakataong matitigan siya ng matagal. Ang gwapo talaga niya. Ang sarap siguro gumising tuwing umaga kapag katabi siya. Perfect ang mukha niya. Ang kilay, tangos ng ilog at labi. Napangiti ako. Ito ang mukhang gusto ko laging masilayan.
"Twinkle...twinkle little star. How I wonder what you are."
Kanta ko habang binabakat ang kilay niya pababa si labi gamit ang fore finger ko. Ang cute niya. Parang baby na natutulog.
"Up above the world so high...like a diamond in the sky."
Nanlaki ang mata ko ng bigla ako hinapit ni Dylan kaya napalapit ako lalo sa kanya. o///o
Gising na pala ang loko at ngingiti ngiti sa akin.
"D-dylan naman..." nahihiya ko pang sabi.
"Mukha ba akong baby?"
"Bakit?"
"Pang baby yang kinakanta mo eh."
"Oo baby kita." pinitik ko ng mahina ang ilong niya. Ngumiti siya sakin.
"I love you baby. Kung alam mo lang gano ako kasaya."
"Ako din baby....I love you too." sabi ko
"Hindi na kita iiwan. Kaya wag mo din ako iiwan ha?"
Hindi ako nakasagot. How could I do that kung may sakit ako. Pero as much as I can, hindi ko siya iiwan.
"Huwag mo akong iiwan."
"I will Dylan. I will."
BINABASA MO ANG
Hundred Tears
Romance"I love you Dylan ko!" mga salitang mabilis makapagpainit ng ulo ni Dylan. Mga salitang wala na yatang sawang sasabihin sa kanya ng babaeng kinaiinisan niya mula pagkabata, si Alexa. "I love you...I love you..." napapikit siya ng sumigid na naman sa...