Chapter 22

17K 283 8
                                    

Paolo's pov

March na. Ang lapit na ng graduation. Sabay sabay kami ga-graduate!

Nasa byahe ako papuntang Batangas. Ngayon pa lang ako makakabisita kay Alexa kahit matagal ko ng alam kung nasaan siya. Pinakiusapan kasi ako ni Eris na hayaan muna saka kasama naman siya. At Pero kalian ko lang nalaman ang tungkol sa condition ni Alexa ay minadali ko ang pag aasikaso ng requirements para makadalaw na sa kanya. Ang tagal ko siyang hindi nakita at nakausap. Miss na miss ko siya. Gusto ko siyang yakapin at ilayo sa mga taong walang ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko siyang isama sa lugar malayo sa kanila para hindi na siya umiyak.

Dalawa't kalahing oras ang byahe bago ako nakadating sa villa s sinabing address sa akin ni Eris. Nag park muna ako sa lilim ng isang puno at bumaba. Mula sa labas ay sinuri ko ng tingin ang paligid. Tahimik at maaliwas. Pumasok ako ng kotse at pinadiretso sa harapng malaking gate at nag door bell. Isang babae na naka apron ang nagbukas.

"Magandang tanghali po. Ano pong kailangan niyo?"

"Im Alexa's friend. Ako si Paolo. Ah-"

"Ay Sir Paolo?! Naku kayo pala yung sinasabi ni Ma'am Eris. Indi ko alam na ang gwapo nyo pala. Ibinilin na po niya kayo sa akin na dadating nga daw kayo."

"Ah salamat. Na jan ba sila?"

"Opo, opo. Ako nga po pala si Inday. Halina't pumasok po kayo."

"Sige."

Pinapasok niya ang kotseko at ng maiparada ko ng ayos ay kaagad akong bumaba.

"Sir, pumasok na po kayo sa loob. Nasa likod bahay po si Ma'am Alexa." Tumango ako.

"Inday right?" she nodded. "Alam ba ni Chao- I mean ni Alexa na dadating ako today?"

"Ay hindi po! Sabi kasi ni Ma'am Eris huwag daw sabihin."

"Ganoon ba? Sige pupuntahan ko na siya ha? Ikaw na bahala sa mga dala ko."

"No problem Sir."

Kaagad akong pumunta sa likod bahay. Napahinto ako sa paglalakad at bumilis ang tibok ng puso ko ng matanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang babaeng mahal ko. Nakaharap sa mga bulaklak at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung anong tamang sabihin sa oras na iyon. Basta ang pumasok sa isip ko ay mapasaya si Alexa. Mahalin ito lalo at ilayo sa mga taong nananaki dito. Tama na ang mga pinagdaanan niya. Oras na para sumaya ito. At gagawin niya ang lahat para dito.

"Chaocho." Nakakunot pa ang noon g lingunin n iya ako. Napangiti ako. Hindi pa din siya nagbabago.

"Paopao?!" gulat na sabi nito.

"Ako nga."

Ang kaninang nakakunot na noo ay nmalawak na ang ngiti. At hidi inaasahan ang ginawa nito. Tinakbo at niyakap ng mahigpit.

"A-alexa...."

"A-akala ko.....akala ko hindi na kita makikita. Akala ko galit ka sa akin. Akala ko nakalimutan mo na ako. Akala ko-"

"Ssshhh.....puro ka akala eh. At sinong may sabing galit ako sayo? Tampo lang ako kasi pati ako tinauan mo. Pero hindi ako galit. At sino ding may sabi na nakalimutan kita? Hindi kaya kita makakalimutan. Ikaw pa? Ang lakas mo kaya sa akin."

"T-talaga hindi ka galit?" tumango ako. "Totoo ba yan?" tumango ako uli. "Sabi mo yan ha? Wala ng bawian?" tumango lang uli ako. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan nito bago siya muling niyakap ng mahigpit. "Na miss kita!"

Hundred TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon