Alexa's pov
"Ma'am!" biglang nagbalik sa kasalukuyan ang isip ko dahil nagulat ako sa biglang pagtayo ni Inday. "Ma'am dumudugo po ang ilong nyo!"
"Ha?" hinawakan ko ang ilong ko. Meron nga. "Sh-t."
Tumayo ako ng masagi ko ang baso sa harap ko at napatingin sa mesa na may mga pagkain. Nagdi dinner nga pala kami ni Inday. Ang layo ng narating ng isip ko.
"Ma'am ito po ang tissue." Kinuha ko yon at ipinunas sa dumugong ilong ko. Inalalayan ako ni Inday makapasok sa kwarto ko.
"Salamat Inday."
"Ayos lang po ba kayo? Kukuha ako ng tubig sa labas. Iiwan ko muna po kayo dito saglit."
"Oo."
Nagmamadali namang lumabas na ito. Naiwan siya sa kwarto niya. Paano nga ba ako napunta dito sa Batangas? Pagkatapos kasi nung nangyari sa amin nina mommy at daddy sa party ay umalis na agad ako ng walang pasabi sa kahit kanino. Walang nakakaalam kung nasaan ako. Buti OJT na lang kami. Kahit sang lugar ay pwede kaya dito na din sa Batangas ako nag-o-OJT. Lumuluwas lang ako sa Manila once a month para mag report sa school. At itong Villa? Pamana sa akin ni Lola, ina ni Mommy. Hindi lang bahay kundi pati 8 hectares of land n kinatatayuan ng Villa at pera sa banko na nakuha ko when I turned 18.
Eris's pov
"Damn it babe! 3 months ko ng hindi ma contact si Lexi! Wala na din siya kina Dylan at wala din sa bahay nila! Kahit sa condo ng ate nya WALA!"
Litanya ko kay Mark. Mababaliw na ako kakahanap sa kanya pero hindi ko talaga siya makita!
"Babe hinahanap naman natin eh, 'wag ka mawalan ng pag asa." Hindi ko napigilan ang sarili ko, naiyak na ako at niyakap naman ni Mark.
"Babe, bestfriend ko yun eh. Hindi ako sanay ng wala siya. Lalo na ngayon. Kailangan nya ako."
"Tumutulong naman si Paolo. Mahahanap natin siya."
"Gusto ko na siyang makita!"
Inaabangan ko siya sa faculty dahil nagrereport kami once a month sa mga nangyari sa OJT namin. Pero hindi ko siya matyempuhan! May isang subject pa ako ng kinukuha kaya hindi ako makaalis. Hindi rin naman ako makakuha ng information sa school dahil hindi sila nagbibigay.
"Lexi where are you? Bakit ba pati ako tinataguan mo?" sabi ko sa sarili ko habang nagdadrive at palinga linga sa paligid. Nakarating ako sa isa sa mga lugar kung saan madalas itog pumunta at lagi siyang isinasama. Nagbabaka sakaling makita doon. Halos mapasigaw siya sa tuwa ng makita ang hinahanap! Hindi niya malaman ang gagawin, ngalingali na niya itong takbuhin, yakapin at batukan. Pero nagpigil siya at nag isip. Pumasok siya sa café.
"Le—" no! Baka takbuhan ako nito. Inintay ko siya lumabas, pero wala pa yatang 20 minuto ay lumabas na ito. Huh? Namayat siya at mas namutla. Kaagad na pansin niya sa kaibigan. Naluha ako. Ayoko mang sabihin pero naaawa ako sa kaibigan ko.
Absent ako sa klase ko ngayon at sinundan siya kung saan siya uuwi. 3 hours na kami sa byahe pero hindi pa din kami nakakadating.
"Saan ka ba umuuwi?" Muli ko namang tanong sa sarili ko. Sobrang layo na naming s Manila at nasa, Batangas! Dito siya umuuwi?! Nakarating kami sa isang malaking gate na puro puno sa labas. Malapit sa park. Villa. Dito pala. Napangiti siya. Wala ng takas sa akin ang mahal kong bestfriend.
BINABASA MO ANG
Hundred Tears
Romance"I love you Dylan ko!" mga salitang mabilis makapagpainit ng ulo ni Dylan. Mga salitang wala na yatang sawang sasabihin sa kanya ng babaeng kinaiinisan niya mula pagkabata, si Alexa. "I love you...I love you..." napapikit siya ng sumigid na naman sa...