Chapter 17

15.9K 288 6
                                    

Alexa's pov

"Gusto ko maging masaya ka." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Baka kasi maiyak lang ako.

"Di mo kailangan gawin ito."

"Before this semester ends, magiging kayo. Trust me."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi mo kailangang awin pa ang ganito."

"Pambawi lang sa mga nagawa ko sa iyo."

"No need Alexa."

"Hayaan mo lang ako. Bumabawi lang ako." then I walked.

Kahi gustong gusto ko ng tingnan ang mukha niya ay hindi ko ginawa. Natatakot ako nab aka patumingin ako ay hindi ko  na siya maiwan pa uli. Na baka umiyak na naman ako sa harap niya. Na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magmakaawa sa kanya na ako na lang ang mahalin niya.

"Lexi, are you sure about this?" tanong sa akin ni Eris habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Oo Eris. Huling beses ko na yun gagawin."

"Bahala ka, pero masasaktan ka lang."

"Kakayanin ko. Para na din naman yun kay Dylan."

"Alam mo, kahit kababata natin si Dylan at mas matagal na natin siyang kasama, mas gusto ko si Paolo para sa iyo." Kunot noong napatingin naman ako dito. Magkaibigan  lang kami ni Paolo.

"Ano ba namang kalokahan na naman yan Eris. Magkaibigan lang naman kami ni Paopao. Huwag mo namang bigyan ng ibang meaning."

"Tssss, magkaibigan. Ang sweet niyo kaya nung party."

"Eris talaga oh."

"Totoo naman kasi. Dati ko pa yun nakikita sa inyo. Minsan nga pagmagkakasama tayong apat, mas mapagkakamalang kayo ang mag boyfriend/girlfriend."

"Huwag ka nga Eris. Mabait lang talaga si Paopao. Yun lang yun. Guy bestfriend."

"Haaay bahala ka nga. Basta yun ang nakikita  ko. Saka ano ba naman kung magkatotoo? Mas mapapalagay ako kung siya magiging boyfriend mo."

"Oo na nga. Sige na, bye na."

"Bye. See you tomorrow."

 

Nailing na lang ako. Mabait lang naman talaga si Paolo eh. Pero kung tutuusin, boyfriend material naman talaga siya. Perfect boyfriend na nga yata. Pero hindi eh, mahirap kasi kalimutan si Dylan.

Pasakay na ako ng kotse ng may pumigil sa akin.

"Let's talk." Sabi ni Dylan na nakatingin ng diretso sa aking mata.

"What for?"

"Us."

"Us? Bakit?"

Matagal bago siya umimik. Hindi ko din naman alam kung ano pang pag-uusapan naming gayong tapos na ang lahat sa amin. Pero somehow natutuwa pa din ako dahil kahit papaano ay nakausap ko uli siya.

"Im sorry. Galit lang ako that time." I smiled at him.Humihingi siya ng sorry. Pero wala naman siyang kasalana. Sinabi ang Iang naman niy ang totoong nararamdaman niya.

"Wala ka dapat ihingi ng sorry Dylan. Ako dapat mag sorry kasi I ruined your life for many years." tumulo na nga ang luha ko. "Im sorry Dylan. Now I realized how bad I am that I did that to you. Sorry."

"Alexa...I..."

"You love Trish, that's why Im doing this. Im helping you to win her heart. Im doing this because I love you...I really do. I love you." I hugged him. "Ginagawa ko ito para ibigay ang kaligayahan at kalayaang kinuha ko sayo."

"....."

"Be ready this coming Saturday. 7pm sa Palcom Restaurant. Intayin mo dun si Trish ha." umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya. Tama nga si Eris, masakit talaga.

 

Dylan's pov

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Pero ang isa sa hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan sa pag gawa niya ng paraan sa amin ni Trish. Parang sumasakit ang isang bahagi ng puso ko. May part na gusto at may part na ayaw ko. Hindi ko alam.

Tahimik ko lang pinagmasdan ang papalayo na niyang sasakyan. Sumusuko na ba siya? Iiwan na ba talaga niya ako? Pero ako naman ang may gusto nito. Ako ang may gusto na umalis siya. Na iwan na ako. Na hayaan na ako. Ako ang may gusto. Pero bakit ako nasasaktan? Bakit?

"Yes! Bakasyon na!" sigaw ng kaklase ko. Tapos na kasi ang final exam namin. Naglalakad na ako palabas ng building naming ng makatanggap ako ng text mula sa babaeng ilang araw ng laman ng isip ko.

Fr: Alexa

"Hintayin mo siya bukas."


Natigilan ako. Friday na nga pala ngayon at bukas ang araw ng sinabi niya nung nakaraan.

 

Trish's pov

Last day of exam. Bukas sembreak na. Isang sem na lang graduation na! Kaya lang maiiwan pa dito si Dylan. Law kasi ang course niya.

Pauwi na ako ng makasalubong ko si Alexa. Kinabahan na naman ako. Simula nung mangyari ang gulo sa party ay iniwasan ko na siya. Kahit ang makasalubong sa daan. Kahit si Dylan ay iniwasan ko na din.

"Can we talk?"

"Ah e, s-sige. Saan ba?" may pagdadalawang isip pa sagot ko.

"Sa cafe na madalas ko puntahan. Treat ko na." sabi niya habang nakangiti. Weak smile I guess. Ngiti na hindi man lang umabot sa mata.

"Sige."

-

"Here...chocolate milk. Favorite ko yan." Naglagay siya ng dalawang cup sa mesa namin.

"Thanks. Mahilig ka pala dito."

"Ah oo. Itong cafe na ito ang lagi ko pinupuntahan."

"Suki ka yata na dito, kilala ka na kasi pagdating agad natin."

"Oo." Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.

"Ah Alexa...about kay Dylan, ano w-wala naman kami eh. Hindi ko alam kung anong relasyon niyo pero kung ako lang ang magiging dahilan ng pag-aaway niyo, Im sorry."

"Wala na yun sa akin Trish."

"Akala ko ba mahal mo siya?"

"Pagod na ako maghintay. I did everything para magustuhan niya ako. Pero in the end, wala din pala."

"Sorry..." hinawakan niya kamay ko

"No Trish, wala ka naman ginawa eh."

"Pero k-kasi....."

"He likes you. I know you like him too. Bukas, sa Palcom Restau, pumunta ka ha."

"Wwhy?"

"Malalaman mo bukas. Ako na susundo sayo para 100% sure na makakapunta ka."

Hundred TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon