A/N: please play any kind of slow music.
Paolo's pov
*sa party*
"Ang kulit talaga nina Mark at Eris, LQ na naman." sabi ni Alexa
"Oo nga e. Magbabati din naman sila." naiwan kami ni Alexa dito sa table. Sina Mark naman ayun, nag susuyuan.
"Isang semester na lang gagraduate na tayo. May plano ka na ba after graduation?"
"Sa company naming ako magtatrabaho. Sabi ni Papa sa mababang position daw muna niya ako ilalagay sa company namin. Ikaw ba?"
"Wala pa eh. Magpapahinga muna ako kahit ilang lingo lang. Nakakapagod kayang mag-aral. Ayaw mo ba magpahinga muna? Baka yumaman ka agad niyan."
"Syempre magpapahinga din. Im sure Papa will understand. Unless mangailangan na agad sila sa position na ibibigay sa akin."
"Sabagay tama ka." Sandali kaming natahimik. Umiisip ako ng pwedeng pag usapan. Baka ma bore si Alexa at iwan na lang ako bigla dito. Ayoko mangyari yun.
"H-hindi pala natin kasabay si Dylan ano?" Tumango lang siya. Di yata magandang binanggit ko pa si Dylan. Bigla kasi siyang nalungkot. Nag isip uli ako ng topic.
"Mahirap ba ako mahalin Paopao?" di ako makaimik sa tanong niya. Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang siya sa ilang sumasayaw sa dance floor habang kausap ako.
"H-hindi ka mahirap mahalin, Alexa." Bulong ko na lang.
"Masama kasi ugali ko kaya siguro hindi niya ako magustuhan. Mabait kasi si Trish." sabi niya na nakatingin na sa katapat naming table, kung saan nakaupo sina Dylan kasama sina Trish."Tama si Dylan, Paopao. Magkaiba talaga kami ni Trish."
"Iba iba ang tao Chao chao. Mabait ka naman eh. Nagkataon lang siguro na hindi niya sayo nakikita ang gusto niya sa isang babae." Tumayo ako at lumipat ng upuan sa harap nya para matakluban sina Dylan.
"Bakit ka lumipat?" kunot noong tanong naman nito sa akin. I just smiled at her.
"Ako muna tingnan mo. Masasaktan ka lalo pag tinitigan mo sila." she smiled back at me. Napakaganda niya. Iyon ang ngiti niya na gustong gusto ko laging makita.
"Tama ka. Magsaya muna tayo ngayon." Nang tumayo siya akala ko kung saan siya pupunta pero tumapat lang siya sa akin at inilahad ang kamay.
"W-why?"
"May I have this dance Paopao?" o____o ako
"Ha?!" napatayo ako sa gulat. Niyayaya ako sumayaw ng babae? Si Alexa pa!
"Geez! Tatanggihan mo ba ako? Nakakahiya oh, tinitingnan tayo ng mga schoolmate natin." She pouted.
"P-pero..." nag-aalangan ako. Pakiramdam ko kasi namumula ako sa ginagawa niya.
"Tara na!" hinila na niya ako sa dance floor.
"A-alexa..." nanginginig ang kamay ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Nakahawak ako sa waist nya, at siya sa may leeg ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Namumula ka Pao oh. Ang cute mo." Biro nito.
"Alexa naman...."
"Salamat ha." Niyakap niya ako bigla. "Hindi ko alam ang gagawi ko kung wala kayo ni Eris. Kayo na lang ang meron ako."
BINABASA MO ANG
Hundred Tears
Romance"I love you Dylan ko!" mga salitang mabilis makapagpainit ng ulo ni Dylan. Mga salitang wala na yatang sawang sasabihin sa kanya ng babaeng kinaiinisan niya mula pagkabata, si Alexa. "I love you...I love you..." napapikit siya ng sumigid na naman sa...