1

565 23 4
                                    

Author's Note: Wait Guys! Before you go to Chapter 1 I want to ask if okay lang ba yung Book Cover natin or do I need to change? What do you think guys?

Chapter 1

I'm walking at the mall coolly. Yeah, feeling cool lang. Haha! Ang feeling ko noh? Pano ba naman kasi sinu-sundan ko kasi ngayon si Crush.

Eh... Nakita ko kasi siyang may ka-akbayan habang kuma-kain ako mag-isa sa Mcdo sa Mall. Isu-subo ko na dapat yung Big Mac na binili ko kanina ng mahagip ng mga beautiful eyes ko ang beauty ng feslak ni Crush kanina.

Kaya yun as expected sinundan ko na naman siya. Oo tama kayo ng basa. Sinu-sundan ko siya lagi, siya si Kyle o mas kilala sa pangalang Ranz schoolmate ko rin siya sa Tan's International High school. Want to know more about him? Wag na baka agawin mo pa ehh... Sige na nga! Ipapakilala ko na nga siya fully mukha kang na lugi ehh... Fully? Nah! Wag na pala fully baka hindi mo na basahin story ko.

Name: Ranz Kyle Tan

Age: 16 years old

Status in life: Single (pero balita ko may nililigawan siya ehh)

School: Tan's International High School (tama po kayo, sila nga po may-ari ng school namin.)

Hanggang diyan muna ang pakilala ko sa kanya ha? Baka kasi ma-inlove din kayo sa kanya at magkataluhan pa tayo.

So I was saying I'm walking coolly right now para hindi mahalata nila Kyle na sinu-sundan ko sila. Syempre secret agent ata ako. Alam ko lahat. Ako ang pinagpala ng langit. Nakita ko namang lumingon si Kyle sa gawi ko at nagkasalubong ang mga mata namin.

Grabe lang talaga! His brown eyes! GUYS! Ang Ganda lang talaga! Dapat na ba ako kiligin? WAHHH!! First time toh!!!

But in the end I choose to act normal and cool. Dapat swabe lang tayo. Kaya ang ginawa ko ay tinaasan ko siya ng isang kilay ang mouthed him 'what?' gusto ko sana maglumpasay sa sahig at sabihin sa kanya 'why Kyle? Di pa ba ako sapat? Masarap naman ako ehh' kaso naisip ko masyadong OA at walang salitang Kami kaya what for diba? Choss! XD

Nakita ko namang napa-iling na lang siya ng ulo at saka ngumiti sa akin ng parang nagsosorry at tina-nguan ko na lang siya at saka sila nilagpasan.

*sigh*

Ano ba yan! Muntik na ako dun kanina ahh... Buti na lang di ako nagpadala sa feelings ko kanina kundi.... Buking na talaga ako na sinu-sunda ko sila. Napasapo na lang ako sa ulo ko at napa-iling na rin.

Napahinto ako sa paglalakad ng nakita ko ang sarili ko na nakatayo na sa harapan ng Baby Porsche ko. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong makapa na susi. Kinapa ko naman ang kabila pang side pero wala pa rin kaya nagpanic na ako.

"Shit! Saan ko ba nailagay yun?"

"Calling of the attention of all the shoppers for the one who is losing their black Jansport bag please proceed to the costumer service. Once again calling of the attention of all the shoppers for the one who is losing their black Jansport bag please proceed to the costumer service. Thank you!"

"F*ck!" pagkatapos ko yun marinig napatakbo agad ako sa costumer service. Nadaan ko pa nga sila Kyle at nakita ko pang nagtatawanan sila ng kasama niyang babae habang naglalakad kaso di ko na sila pinansin at mas binilisan ko pa ang takbo ko.

Mas importante ang bag ko ngayon. Mamaya na ang landi. Papatayin ako ni Mamu pag nalaman niyang nawawala susi ng kotse ko.

Pagkadating ko sa Costumer Service ay agad akong lumapit sa babaeng naka-uniform na green na may kausap pa sa phone.

Crush ako ng HEARTTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon