Chapter 7

235 7 0
                                    

Habang pabalik na kami ni Kendell sa bahay nila ay walang tigil sya sa pagrereklamo sa black eye n'ya.

"Ang pangit pangit ko na, Rosette!" Ngumangawang sabi n'ya.

"Gwapo ka pa rin naman, wag kang maarte!" Sagot ko sa kanya.

Ngumuso naman s'ya sa'kin saka muling binalik ang atensyon sa pagmamaneho.

"Yun na ba yung ex- boyfriend mong pinagpalit ka sa bakla? Ang Chaka ah!"

Napabuntonghininga ako. Grabe manglait ang isang 'to. Palibhasa kahit binabae ay lalaking-lalaki ang hitsura.

"Gwapo rin naman 'yun, mas gwapo ka nga lang." Sagot ko.

Natahimik s'ya sa sinabi ko at hindi na uli nagsalita.

Aaminin kong hindi naman talaga kagwapuhan si Mike, ang totoo nga ay palagas na ang buhok nun. Wala na kong choice nung time na niligawan n'ya ko dahil tumatak na sa isip ko ang ideyang wala nang ibang magkakagusto sa'kin kaya dapat hindi na ko maging maarte. Minahal ko naman s'ya e kaya nga noong niyaya n'ya kong magpakasal ay pumayag agad ako kahit ka gagraduate ko pa lang, yun nga lang bukod sa hindi na s'ya kagwapuhan ay nakuha n'ya pang magloko.

Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi ko inaasahang nag-aabang ang daddy n'ya. Nakatayo ito sa malaki nilang double doors na pinalilibutan ng mga mahahaling halaman.

Agad na bumaba si Kendell sa sasakyan at parang babaeng tumakbo sa daddy n'ya. Bumaba na rin ako at sinalubong ang ngumangawang si Kendell at nagsusumbong sa daddy n'ya. Nakayakap pa ito kaya naman napakamot ako sa noo ko.

"What happened to your face?" Nag-aalalang tanong ni Tito Clinton sa kanya.

"Si Rosette, daddy.." Sabay turo n'ya sa 'kin kaya napaamang ako.

"Ako? Bakit ako?" Balik kong tanong sa'ka tumingin kay Tito. Kinakabahan ako baka ako sisihin niya sa black eye ng pinakamamahal n'yang anak.

"What happened, Rosette?" Seryosong tanong sa'kin ni Tito.

"Napaaway po yung anak n'yo..." Napapayukong sagot ko. "Nakipagsabunutan—este nakipagsuntukan pala."

Biglaang nanlaki ang mata ni Tito at tumingin sa anak n'ya.

"Talaga?! Nakipagsuntukan ka?" Gulat n'yang tanong sa anak. "Wow! I'm so proud of you! Finally lalaki na ang anak ko, nakipagsuntukan na! Magpapahanda ako ngayon, kailangan i-celebrate natin yan!" Masayang sabi pa n'ya.

"Daddy..." Ungot pa ni Kendell pero hindi na s'ya pinansin ng ama.

Napailing-iling na lang ako. Magkakapamilya nga sila, parehong mga oa. Kung alam lang ni Tito na yung suntukan na sinasabi ko ay ginawa lang punching bag ang gwapong mukha ng anak n'ya ay ewan ko na lang.

"Anyway, how's ​your date? Did you enjoy?" Nakangiti pang tanong n'ya.

"It was the worst date ever, dad! Walang kuwentang ka-date si Rosette." Sumbong n'ya at inismiran ako. Pinanlakihan ko naman s'ya ng mata.

"Hoy! Wag ka ngang sinungaling, bakla! Ikaw din naman wala kang kuwenta! Puro kaartehan lang naman ang ginawa mo ah?!" Buwelta ko.

"Wala ka pa ring kuwenta!" Sigaw n'ya.

"Mas lalo ka na!"

Nagsamaan kami ng tingin at natigil lang nang tumawa si Tito Clinton.

"Ang cute n'yo. Sana lagi kayong ganyan." Natutuwang sabi n'ya.

Ano namang cute sa pag-aaway ng isang bakla at isang mataba? Napaismid ako. Magtatay talaga sila parehong kakaiba mag-isip.

"Anyway, pumasok muna kayo sa loob, dito ka na kumain, Hija." Aya pa ni Tito.

Montevilla Series 1: Dating The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon