Chapter 37

266 7 2
                                    

Mabusisi kong sinisipat ang mga tela na gagamitin ko sa wedding gown ni Gigi. Sinisiguro kong magandang klase iyon, knowing the woman, she's kinda demanding and meticulous. Ayaw ko namang may masabi siyang hindi maganda sa gawa ko. Kahit kaunti lang ang oras ay sisikapin ko na lang tapusin itong gown niya.

Habang patuloy ako sa pagbusisi ng mga materials ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa. Nang tingnan ko kung sino ang nag-text ay napabuntong hininga ako. Si Kendell na naman.

Unknown number:

Let's meet. I'll fetch you.

Napakamot ako sa sentido. Mula kahapon niya pa ako inaaya at hindi ko alam kung tatanggihan ko ba o sasama ako, tutal valid naman ang reasons niya. Aniya kasi gusto lang niyang pag-usapan ang ipapagawa niyang suit. Isa pa nga 'yun sa problema ko e, kapos na 'ko sa oras at hindi ko alam kung maisasabay ko pa yun. Gusto ko na sana siyang tanggihan pero baka sabihin naman niya ay nagdadahilan lang ako o kaya ay nagsisinungaling, tutal nahuli naman na niya talaga akong nagsisinungaling sa kaniya.

To Kendell:

Magkita na lang tayo. Wag mo na 'ko sunduin.

Nakapikit ko yung sinend sa kaniya. Makikipagkita lang ako sa kaniya para pag-usapan yung suit niya, that's it. Nothing more.

Nag-vibrate ulit ang phone ko.

Unknown number:

No. I'll fetch you. Saan ka ba?

Mariin akong napapikit. Ang kulit!

Matagal akong tumitig sa text niya. Nag-iisip ako kung papayag ba o hindi. Hindi naman ako kailangan sunduin e lalo na at siya ang kliyente ko.

Gusto kong mapaismid. Parang dati lang ayaw na ayaw niya akong sunduin kapag magkikita kami, siya pa nga ang nagpapasundo.

Hindi pa man ako nakakapag-reply ay may panibago na naman siyang text.

Unknown number:

Okay, I'll fetch you tomorrow. I know where you are.

Napasinghap ako. Ibang klase din 'tong lakaking to ah.

To Kendell:

Huwag na nga!

Gusto ko sanang lagyan pa ng emoji na galit para maparating sa kaniya na ayaw ko talaga. Pero baka iba naman ang isipin non, sabihin niya pa masyado akong oa.

Hindi na siya nag-reply pa kaya naman nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Buong maghapon kong inatupag yung wedding gown ni Gigi kaya naman pagod na pagod ako kinagabihan. Wala na akong nakausap buong araw dahil sa sobrang busy.

Kinabukasan naman ay panay ang tingin ko sa salamin at sinisipat ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang nag-aalala ako sa magiging hitsura ko.

Naka white blouse ako na pinatungan ng pink na blazer na katerno ng pang-ibabang pants. Two inches black heels lang din ang isinuot ko. Ang buhok ko ay mataas ang pag ka-ponytail bumagay sa simpleng maka-up na nilagay ko.

Pormal na pormal ang suot ko dahil gusto kong ipakita na trabaho lang talaga ang sadya ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko maiwasan ang kabahan kaya naman pabalik balik ako sa salamin para tignan ang hitsura ko.

Ano ka ba Rosette! Trabaho lang, okay? Hindi ka naman makikipag-date!

Ngumuso ako sa salamin at suminghap. Okay na yan kasi Rosette!

Sa huli ay sinunod ko ang sinasabi ng utak ko at tuluyang lumabas ng kuwarto.

"May lakad ka?" Boses ni daddy sa likod ang narinig ko.

Montevilla Series 1: Dating The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon