Chapter 6

228 6 0
                                    

"Ito bilhin natin 'to!"

"Rosette..."

"Pati 'to!"

"Rosette."

"Tsaka 'to!"

"Rosette!"

"At eto pa! Eto rin! Tapos ito! Tsaka-"

"ROSETTE!!"

Natigilan ako sa malakas n'yang sigaw sa pangalan ko. Tinignan ko sya at hayun na sya at nakapamewang habang inis na nakatingin sa'kin.

"B-bakit?"

"Ano bang ginagawa mo?" Inis n'yang tanong.

"Namimili?" Hindi siguradong sagot ko.

"E bakit 'yan ang pinamimili mo?" Nagtaas sya ng kilay kaya naman taka kong tinignan ang cart na pinaglalagyan ko ng mga napili ko.

Tambak na 'yun at umaapaw na rin sa sobrang dami. Naisip ko kasing lubos-lubusin ang pera ng baklang 'to kaya kung ano-ano na ang pinamimili ko.

"Bakit ba? Anong masama? Magagamit mo rin naman lahat 'yan." Sagot ko.

Napapikit sya sa sobrang inis.

"Really? Magagamit ko 'tong pampers na 'to? Etong mga napkin?!" Inis talagang bulyaw n'ya at doon ko lang na-realize ang lahat ng mga nadampot ko. Sa sobrang pag-iisip ko na kailangang mawaldas ko ang pera ng baklang 'to ay hindi ko na tinignan ang mga yun.

"Ah...Hehe.. sorry naman. Ibabalik na lang natin." Tatawa-tawa pang sagot ko.

"Nakakainis ka na ah!" Singhal n'ya pa.

"Sorry na nga e!"

"At ano 'to? May sandok, Plato, baso, kutsara, tinidor, hanger, kawali, kaldero, kaserola, at... Cerelac? Anong tingin mo naman sa'kin, Rosette?!" Madramang ani n'ya.

"Wag kang OA okay? Ibabalik natin lahat 'yan! Nagkamali lang ako ng dampot, hmp!" Pagtataray ko at sinimulang ibalik yung mga hindi naman kailangan.

"Bakit ba kasi mukha kang nagpa-panic buying d'yan?" Tanong pa n'ya.

"Wala lang, trip ko lang ubusin 'tong laman ng card mo. Nang makabawi man lang ako." Wala sa sariling sagot ko.

Napalingon ako sa kanya nang bigla syang tumawa.

"Kahit bilhin mo pa ang buong mall na 'to, hindi mauubos ang laman n'yan."

"Talaga?!" Gulat na tanong ko at mayabang naman s'yang tumango. "Psh, ganon naman pala e! Tara dun tayo sa may jewelry shop!" Sabay hila ko sa kanya palabas at dumiretso sa jewelry shop na nakita ko kanina. Sisiguraduhin ko na bibilhin ko lahat ng makita ko doong alahas.

Pagpasok namin sa shop ay agad kong dinampot lahat ng alahas na makita ko. Mukha tuloy akong kawatan, haha!

"Hoy, Rosette, sigurado kang bibilhin mo yan lahat?" Sumusunod sa'kin si Kendell at parang kabado pang tinitignan ang mga alahas sa kamay ko.

Nakita kong naalarma yung nagbabantay ng shop dahil sa ginagawa ko.

"Ah, ma'am-"

"Don't worry, babayaran namin 'to!" Pigil ko sa kanya.

"Pero-"

"Magkano 'tong buong mall?" Biglang tanong ko.

"Bakit po?"

"Bibilhin n'ya." Sabay turo ko sa kinatatayuan ni Kendell sa likod ko.

"Sino po?" Takang tanong noong sales lady.

"Sya-" Natigilan ako nang wala na pala si Kendell doon. "Nasaan na 'yun?"

"Ma'am babayaran n'yo po ba 'yan?" Alanganing tanong niya pa.

Montevilla Series 1: Dating The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon