Paghihiganti ang pangunahing motibo ni Mr. Guzman para magawa ang Krimen na 'yon kay Tito Clinton. Matagal nang may hidwaan ang pamilya nila simula noong matigil ang nakatakdang kasal nina Ella at Clive. Akala ni Tito Clinton ay maayos na ang hidwaan na 'yon sa pagitan nila pero nagkamali siya. Ang matinding galit ni Mr. Guzman sa pamilya Montevilla ay hindi nawala at ito pa ang nagtulak na ipapatay ang daddy ni Kendell.
Hindi sinasadyang nalaman ni daddy ang plano ni Mr. Guzman pero dahil sa takot niya ay wala siyang pinagsabihan. Ginamit naman itong pagkakataon ni Mr. Guzman para I-frame up si daddy. Mas maimpluwensya ang pamilya nila kaysa sa amin kaya madali iyong nagawa. Magkasosyo sa negosyo ang pamilya ko at pamilya nina Ella at Kendell kaya nadawit ang pamilya namin.
Napag-alaman ko din na noong araw na dalawin namin si daddy sa kulungan ay napagbantaan siya ni Mr. Guzman na kapag hindi niya inako ang pagkamatay ni Tito Clinton ay kaming pamilya niya ang malalagay sa alanganin.
At kaya naman nawala ang mga negosyo namin at ibang ari-arian ay dahil pinutol ng mga Montevilla ang ugnayan nila sa amin. Unti-unting nalugi ang negosyo namin kaya walang naging pagpipilian ang mga kamag-anak ko at si Daddy kung hindi ibenta na lang lahat.
Lahat ng ito ay inamin na sa akin ni Daddy. Noong una ay nagalit ako sa kaniya dahil hindi siya nagsalita na alam na pala niya ang plano ni Mr. Guzman. Kung sana ay sinabi niya baka buhay pa sana si Tito Clinton. Pero kalaunan ay naintindihan ko din siya. Dala ng takot na baka kami ay mapahamak ay pinili na lang niyang manahimik.
"Hanggang ilang araw ka naman doon, Rose?" tanong ni Kelly habang pinagmamasdan akong nag-eempake na ng mga gamit ko pabalik ng France.
"Babalik naman ako agad. Aayusin ko lang 'yung mga dapat kong ayusin at uuwi din. Isasama ko na rin pabalik si mommy dito."
Hindi naman urgent ang pagbalik ko sa France. Ang totoo niyan ay may kailangan lang akong ipasang mga papeles doon sa company na pinagtatrabahuhan ko para tuluyan na akong makaalis sa kanila. Kasalanan ko din kasi dahil hindi ko muna iyon inasikaso bago bumalik dito sa pinas. Ayan tuloy naging problema ko pa.
"Hindi ka man lang ba magpapaalam doon kay Jed? At kay... Kendell?"
"Gaya ng sabi ko hindi naman ako magtatagal doon sa France kaya hindi na kailangan. Saka busy 'yung mga 'yun." sagot ko.
Kaunti lang ang dinala kong damit dahil may mga naiwan pa naman ako doon sa France.
Hinatid ako nina Kelly at Kuya Justin sa Airport. Panay ang paalala sa akin ni Kelly ng mga kung ano ano, akala naman niya ay ilang taon na naman ako doon sa France. Baka nga isang linggo lang.
"Mag-iingat ka. Tumawag ka kapag nandoon ka na." sabi ni Kelly at niyakap ako.
"Saglit lang ako doon Kelly ano ka ba!" natatawang sabi ko dahil nagiging emosyonal na siya.
"Eh bakit ba! Noong umalis ka nga ay hindi ka nagsabi sa akin e tapos pitong taon ka pa doon."
"Isang linggo lang promise! Saka ikaw ang dapat na mag-ingat. Buntis ka pa man din."
Niyakap niya ako ulit at bumulong.
"Pagbalik mo mag-asawa ka na tapos magbuntis ka na din para konti lang ang gap ng baby natin." aniya.
Nanlaki ang mata ko saka natawa. Hinampas ko siya sa braso. Siraulong 'to! Alam naman niyang wala akong boyfriend tapos utusan pa ko magpabuntis.
Niyakap din ako ni Kuya Justin bago ako tuluyang pumasok ng Airport. Tinanaw ko pa sila sa labas at kumaway.
Halos 14 hours ang flight mula pilipinas hanggang France kaya naman noong lumapag ang eroplano ay pagod na pagod ako. Nilibot ko ang paningin ko at napangiti. Grabe isang buwan lang ako nawala pero na-miss ko agad ang France.
BINABASA MO ANG
Montevilla Series 1: Dating The Gay
RomanceMontevilla Series 1 Kendell Clint Montevilla Hate na hate ni Rosette Divina Asuncion ang mga bakla, dahil sa bakla rin siya ipinagpalit ng ex-fiance niya. However, when she met Kendell Clint Montevilla the soft and feminine guy at the bar everythin...