Chapter 18

185 4 0
                                    

Kanina pa ngiwi ng ngiwi sa'kin si Kendell habang pinapanood akong kumain.

"Wag mo namang masyadong ipakitang pagkain lang talaga ang habol mo sa party 'ko, Rosette." Sarkastikong sabi n'ya.

Nilunok ko muna ang nasa bibig 'ko bago ako nagsalita.

"Bakit ba? E sa gutom ako e." Sagot 'ko sabay salpak ulit ng pagkain sa bibig.

"Lagi naman."

Nakapangalumbaba n'ya 'kong tinignan. Parang bagot na bagot s'ya sa nangyayari ngayon. Totoo nga naman. Walang ka-enjoy enjoy itong party dahil pulos matatanda. Kakaunti lang ang nakikita 'kong kasing edad namin.

Kanina pa rin s'ya tayo ng tayo dahil maya't maya ay may bumabati sa kanya.

"Ano bang problema mo? Parang galit na galit ka na kumakain ako dito." Sabi 'ko nang mapansing masama na ang tingin n'ya sa'kin.

"Bilisan mo na kasi d'yan! Libangin mo 'ko!" Maktol n'ya.

"Ano ko clown mo? Edi sana children's​ party ang ipinahanda mo sa parents mo kung gusto mo pala ng entertainment! Damay mo pa 'ko."

"Wala kang kuwenta! Birthday na birthday 'ko walang kang ginagawa d'yan kundi kumain ng kumain!" Asik n'ya.

"Hoy, bakla ka! Kasalanan ko bang nababagot ka dito sa birthday mo, ha? Anong gusto mong gawin 'ko? Magsasayaw ako dito sa harap mo? Mag magic ako ganon? " Mas lalo s'yang sumimangot sa sinabi 'ko.

"Hindi naman 'yun e!" Napapadyak pa s'ya sa sahig. Para talaga 'tong bata.

"O e ano nga?! Istorbo ka sa pagkain ko e!"

"Kain ka ng kain kaya ang taba taba mo!" Singhal n'ya.

Napabuntonghininga ako at huminto na sa pagkain.

"Alam mo, badtrip ka! Panira ka ng appetite!  Nagpapapansin ka lang ata sa'kin e..." Pang-aasar 'ko.

"Ang kapal naman ng taba nito..." Mahinang usal n'ya pero rinig na rinig 'ko.

"O e ano bang gusto mong gawin mahal 'kong bakla? Nahihiya naman ako sa'yo e, baka sabihin mo napakawalang kuwentang gerlpren 'ko naman." Todo bigay na sabi 'ko.

"Feel na feel mo e no?"

"Syempre naman no! Ang maging gerlpren ng baklang katulad mo ay napakalaking karangalan sa'kin mahal 'kong kamahalan." Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Tigilan mo nga 'yan!" Napipikong singhal​ n'ya.

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Ano bang problema ng isang 'to at panay ang maktol sa'kin.

"Ano bang problema mo, ha? Bakit nag-iinarte ka na naman? Any gwapo mo pa naman sa suot mong suit."

"WALA! Wala ka talagang alam! Birthday na birthday ko pero wala kang ibang ginawa kundi ubusin ang handa ko."

Napaamang ako. Aba't!

"Inubos ko ha? Inubos ko? Wala pa nga sa kalahati 'yung nakain 'ko dahil istorbo ka!"

"Edi ubusin mo na lahat." Umismid s'ya at tumingin na lang sa mga taong sumasayaw sa gitna.

Ano ba talagang problema nito? Nakakainis na! Oo nga't birthday n'ya pero biyernes santo naman ang mukha.

Tinitigan 'ko s'ya habang nakataas ang kilay. Inaalam ko kung ano bang ikinaaarte n'ya. Nakanguso lang s'ya habang nakatingin sa mga sumasayaw kaya naman napatingin din ako doon. Biglang may napagtanto ako.

"Ahh..." Usal 'ko at bumaling kay Kendell. "Nakalimutan ko, ikaw nga pala ang gerlpren sa'ting dalawa at ako naman ang boypren." Tumayo ako at pumunta​ sa harap n'ya. Tumingala naman s'ya sa'kin.

Montevilla Series 1: Dating The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon