"Bitiwan mo nga 'ko!"
Nagpumiglas ako sa hawak n'ya pero mas lalo lamang humigpit ang kapit n'ya sa braso ko.
"Rosette, please, mag-usap naman tayo.." Aniya sa mababang tono.
Tinignan ko s'ya ng masama.
"Ano pang pag-uusapan natin? Tapos na tayo, Mike! Kung p'wede lubayan mo na 'ko! Hindi na 'ko natutuwa sa'yo!" Sabay hatak ko sa braso ko.
"Mahal mo 'ko diba? Bakit ayaw mong magkabalikan tayo? I already said sorry, Rosette. Ano pa bang gusto mo?" Nagmamakaawa n'yang sinabi pero hindi ako makaramdam ng awa, mas lalo lang n'yang binubuhay ang galit 'ko.
"Sorry? Sa tingin mo mapapatawad kita sa sorry lang? Ang kapal naman ng mukha mo! Niloko mo na 'ko at ngayon may gana ka pa talagang lapitan ako? Nasaan na 'yung baklang kasama mo? Ano iniwan ka? Wala nang maipangbayad sa serbisyo mo?" Sarkastiko akong tumawa. Tinignan ko siya nang punong puno ng disgusto. "Alam mo bang sobrang diring-diri ako sa'yo?"
Tumalim ang tingin n'ya sa 'kin pero hindi ko man lang magawang matakot.
"Ang lakas mo nang magsalita ngayon ah? Bukod doon sa baklang kasama mo ano pang maipagmamalaki mo sa'kin?" Naghahamong tanong n'ya at bahagyang inilapit ang mukha sa 'kin. "Wala nang ibang magkakagusto sa'yo, Rosette. Ako na lang ang makakapagtyaga sa'yo, kaya huwag mo 'kong niyayabangan—"
Tinulak ko s'ya ng malakas at dinuro.
"Hayop ka, ikaw na nga ang nanggago sa'ting dalawa ako pa talaga ang hinahamon mo! Kung wala nang magkakagusto sa'kin mas lalo naman sayo! Baboy ka! Bayaran!" Sigaw ko.
Mukhang ginalit ko s'ya sa sinabi ko kaya naman napadaing na lang ako nang sapuin n'ya ang pisngi ko.
"Matapang ka na ngayon. Sabihin mo nga sa 'kin anong pinagmamalaki mo, ha?" Hinigpitan n'ya ang pagpisil sa pisngi ko kaya halos maiyak ako sa sobrang sakit.
"A-aray! Bitiwan mo 'ko—"
"Dalawang taon, Rosette. Dalawang taon ang relasyon natin tapos itatapon mo lang ng basta basta dahil lang sa isang pagkakamali ko. Sino ka ba ha? Bakit nag-iinarte ka e hindi ka naman kagandahan."
Gusto ko s'yang murahin sa napakawalang kuwentang sinabi n'ya. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko kung bakit nagustuhan ko ang lalaking katulad n'ya.
"W-wag tayong maglokohan dito, Mike! Alam 'kong sa loob ng dalawang taong 'yun, ay puro panggagago lang ang ginawa mo, kaya bakit ako hindi mag-iinarte? Oo, mataba ako at hindi kagandahan pero kaya ko ring mag-inarte! Kung yung mga bakla nga ay marunong no'n ako pa kaya?" Matapang na sagot ko nang biglang maalala si Kendell. Ang maarteng si Kendell.
Mas lalo s'yang nanggigil.
"Aba't sumasagot ka—"
"HOY! GAGO KA BITIWAN MO 'YANG PINSAN KO!"
Sa isang iglap ay bigla na lang bumulagta sa harap ko si Mike at nasa ibabaw n'ya si kuya Justin na galit na galit at sinusuntok s'ya.
"S-siraulo ka, bakit nakikialam ka dito!" Hirap na hirap na sagot ni Mike habang sinasangga ang mga suntok ni kuya Justin.
"Kuya Justin!" Sigaw ko at hinila s'ya palayo kay Mike na duguan na ang mukha.
"Gago ka ba, pinsan ko 'yang sinasaktan mo e! Papatayin kitang hayop ka!"
"Kuya, tama na ano ba!" Sigaw ko ulit at pilit s'yang inaawat. Tumingin ako sa kaibigan 'kong mukhang walang pake at tuwang-tuwa pa sa nakikita.
"Sige lang, Justin bugbugin mo. Kapag nalumpo 'yan magkakaroon ka ng pag-asa sa'kin." Tumatawa pang sabi n'ya kaya sinamaan ko s'ya tingin. "What? He deserves it, Rose. Niloko ka n'ya."
BINABASA MO ANG
Montevilla Series 1: Dating The Gay
RomanceMontevilla Series 1 Kendell Clint Montevilla Hate na hate ni Rosette Divina Asuncion ang mga bakla, dahil sa bakla rin siya ipinagpalit ng ex-fiance niya. However, when she met Kendell Clint Montevilla the soft and feminine guy at the bar everythin...