CHAPTER 2

777 104 4
                                    

"Minami pinapatawag ka sa Guidance. Hindi kana talaga nagbago nanuntok ka nanaman ng estudyante...

"Pambihira naman kararating ko lang. Sila ang pumunta rito at naghamon ng away pasalamat nga sila hindi ko sila pinatulan." paliwanag ni Minami sa coach nila.

"Pumunta ka sa Guidance kong ayaw mong hindi ka makapag practice." utos nito at agad naman lumabas si Minami.

"Bullsh*t bakit ba lage nalang akong dinidiin." napapamurang sambit ni Minami saka naglakad papuntang Guidance.

Pagdating nya sa Guidance kinausap nya ang principal na si Mrs. Paloma. "Mam ano po bang kasalanan ko?" tanong ni Minami.

"Hindi mo alam kong ano kasalanan mo? Hindi ba kayo yung nasa rooftop kanina. Pinagtulungan nyo ang estudyanteng wala naman kalaban laban.

"Mam alam kong gago ako pero hindi ako sinungaling. Hindi ako ang may gawa nyan at lalong hindi ako nagpunta ng rooftop." paliwanag ni Minami.

"Totoo po yun Mrs. Paloma nasa rooftop po ako nang mangyare ang gulo at hindi ko po nakita doon si Minami.

Napatingin naman si Minami sa babaeng nagsalita. "Sige Minami makakaalis kana maiwan ka rito Shazaki at ipaliwanag mo sakin ang nakita mo sa rooftop." utos ni Mrs. Paloma.

Lumabas naman si Minami sa Guidance office. "Shazaki? Sino kaya ang babaeng yun bakit kilala nya ako? Sabagay sikat ako kaya malabong hindi ako makilala." sabe ni Minami sa sarili saka naglakad papuntang gym.

Pagdating nya sa gym nakita nya si Kishimoto at ang team na pinagtatawanan sya. "Hindi talaga nabubuo ang isang linggo na hindi ka naguguidance." pang aasar ni Kishimoto.

"Sino kayang tarantado ang gumawa nun. Muntik pa akong di makaalis dahil ako ang iniipit ng mga siraulong yun." naiinis na sambit ni Minami na hindi maiwasan magalit sa mga 3rd year.

"Paano ka naka alis?" tanong ni Kishimoto.

"May babaeng tumulong sakin." sagot ni Minami.

"Babae? As in babae?" sabay sabay na tanong ng team.

"Babae nga." naiinis na sagot ulet ni Minami.

"Tsuyoshi." pagtawag ni coach kay Minami.

"Ano nanaman kaya ang sasabihin ng matandang to." napapatanong nya saka nilapitan ang coach nila.

"Minami may mga freshman na sasali sa team at gusto ko ikaw ang pumili sa kanila." seryosong utos ng coach kay Minami.

"Bakit ako? Hindi nyo ba kayang pumili." napapatanong ni Minami at natawa naman ang team maging si Kishimoto.

"Nakakaubos kayo ng pasensyang lahat. Alam nyo kundi ko lang mahal ang TOYOTAMA matagal na akong nag quit." turan ng coach nila saka ito lumabas ng gym.

"Parang kasalanan pa namen nag stay ka sa TOYOTAMA." bulong ni Minami sa sarili saka naupo.

Walang kinatatakutan si Minami kahit na coach pa yan o principal. "Iba ka talaga." ngiting sabe ni Kishimoto.

Hindi naman sumagot si Minami dahil wala syang ibang iniisip kundi makalaban ang SHOHOKU. "Tatalunin kita Rukawa humanda kayo SHOHOKU."

✅ 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐘𝐎𝐓𝐀𝐌𝐀Where stories live. Discover now