CHAPTER 13

303 100 9
                                    

"Sandali lang hah." sabe ni Tem kanila Fujima at lumabas ng gym para puntahan si Minami.

Hindi alam ni Tem kung saan nagpunta si Minami. Naisip nya na baka dumiretso sa room kaya pumunta sya sa room nila at hindi nga sya nagkamali ng makita si Minami na nakaupo.

"Ano yung kanina Minami." tanong ni Tem at nainis naman na tumingin sa kanya si Minami.

"Bulag kaba at hindi mo nakita yung ginawa ko. Nandun ka di ba? pinagtanggol mo pa nga sya sa harap ko. Oo nga pala nakalimutan kong gusto mo nga pala si Rukawa." sagot ni Minami.

"Bakit ba ganyan ka Minami wala nabang kasing sama yang ugali mo. Imbes na mag sorry ka sa ginawa mo kay Rukawa kung sabagay hindi mo nga pala kayang mag sorry dahil hindi ka marunong magmahal hindi ba yun ang sinabe mo sakin. Wala kang puso Minami."

"Bakit ako mag sosorry sa kanya ininsulto nya ako Tem." paliwanag ni Minami.

"Pero tama bang saktan mo yung tao?" tanong ni Tem.

"Bakit Tem hindi ba ako nasaktan ng sabihin nyang talunan ako? Masakit sakin yun bilang isang ACE PLAYER. Sana naisip mo din yung mararamdaman ko hindi lang yung nararamdaman ni Rukawa." naiiyak na sagot ni Minami.

"Bakit talunan kaba? Hindi ka masasaktan kundi yun totoo. Hindi tamang manakit ka dahil lang ininsulto ka nya."

"Oo na kasalanan ko na." sabe nalang ni Minami saka sinuntok ang pader na nasa labas.

Dumugo ang kamay nya sa lakas ng suntok nya. Hindi naman maiwasan mag alala ni Tem. "Minami yung kamay mo dumudugo."

"Marunong din akong masaktan Tem sana nakikita mo yun." umiiyak na umalis si Minami.

"Ano bang ibig mong sabihin na marunong kang masaktan Minami akala ko ba hindi ka marunong magmahal bakit ka nasasaktan." mahinang tanong ni Tem habang nakatingin kay Minami na naglalakad.

"Bakit ba di mo makita na nasasaktan ako Tem. Sana isipin mo din ako hindi lang yung nararamdaman ni Rukawa."
________

KINABUKASAN Maagang pumasok si Tem at nakita nya si Minami na nakaupo sa tabi ni Zicky. Nagtaka tuloy sya kung bakit hindi tumabi sa kanya si Minami.

"Hoy dyan kaba nakaupo hindi ba dun ka." sabe ni Tem kay Minami.

"Zicky pagkatapos ng klase pahiram ako ng notes mo hah okay lang ba?" tanong ni Minami na hindi pinansin si Tem.

"Bakit ayaw mo kong pansinin. Hoy Minami." sabe ni Tem.

"Magkakilala ba tayo? Di tayo close kaya pwede wag mo na akong kakausapin." seryosong sabe ni Minami at nagulat sila Zicky maging si Tem.

"Ganun ba hindi mo pala ako kilala. Sorry hah hayaan mo di na kita kakausapin." sabe ni Tem saka bumalik sa upuan nya.

"Ano bang problema nyong dalawa? Bakit ganun nanaman sayo si Minami?" takang tanong ni Kaila kay Tem.

"Hindi nya kasi ako kilala eh kaya siguro ganun." ngiting sagot nalang ni Tem.

Pagkatapos ng klase hindi lumabas si Tem dahil wala syang ganang kumain. Naiwan rin si Minami dahil wala rin itong ganang kumain.

Naisip ni Tem na lapitan si Minami kahit alam nyang hindi sya kakausapin nito. "Masama ang loob mo sakin di ba? Bakit di mo ko saktan hindi ba pumapatol ka naman sa babae saktan mo ko kung yun lang ang paraan para pansinin mo ko. Ang sabe mo sakin hindi ka marunong magmahal kaya bakit ka nasasaktan?" tanong ni Tem habang umiiyak.

"Noon yun hindi na ngayon dahil mula ng makilala kita natutunan kong magmahal at natutunan ko rin masaktan ng dahil sayo. Alam mo Tem ginulo mo mundo ko." seryosong sabe ni Minami habang nakayuko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Tem.

"Bobo kaba para hindi mo maintindihan ang ibig kong sabihin. MAHAL KITA isaksak mo yan sa kukote mo. Alam kong wala akong puwang dyan sa puso mo kaya hanggat maaga iniiwasan na kita." salaysay ni Minami.

"Bakit mo ko mahal Minami? Hindi ba sabe mo sakit ako ng ulo sayo kaya bakit ako?" tanong ni Tem.

"Dahil sayo ko masaya. Masaya ako kapag kasama ka, masaya ako kapag inaasar kita at masaya ako kapag masaya ka. Oo sakit ka ng ulo sakin sa sobrang sakit mo sa ulo ayaw na kitang mawala sa buhay ko. Kaya nasasaktan ako dahil di mo yun makita kasi wala kang ibang nakikita kundi si Rukawa." umiiyak na paliwanag ni Minami.

Naiyak naman si Tem ng malaman ang tunay na nararamdaman ni Minami para sa kanya. "Ganyan ka pala magmahal. Mananakit muna bago aamin." sabe ni Tem at pinunasan ni Minami ang luha nito.

"Sorry na." hinging paumanhin ni Minami at niyakap sya ni Tem.

✅ 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐘𝐎𝐓𝐀𝐌𝐀Where stories live. Discover now