"Tem hindi ba teacher's day ngayon....
Bigla naman napaisip si Tem sa sinabe ni Shazaki. "Oo nga kaya pala ang daming nagbebenta ng bulaklak sa labas."
Naisip ng dalawa na gumawa ng letter mula sa adviser nila ganun din sa ibang teacher kasama ang principal. "Hoy kayong dalawa hindi paba kayo papasok?" bungad ni Minami.
"Walang daw klase ngayon kasi teachers day." sagot ni Shazaki at napaisip naman si Minami.
"Teachers day? Meron ba nun?" tanong ni Minami.
"Oo meron nun Minami. Gumawa ka ng letter tapos ibigay mo sa favorite mong teacher o kaya naman bigyan mo sila ng flowers for sure maappreciate nila yun." ngiting sabe ni Shazaki.
"Kalokohan lang yung mga ganun. Ano sila sinuswerte bakit ko sila bibigyan ng bulaklak eh hindi naman sila naging mabait sakin." nakairap na sagot ni Minami at tumawa si Tem at Shazaki.
"Alam mo Minami kundi dahil sa mga teacher hindi tayo matututo sila ang pangalawang magulang natin." seryosong sabe ni Tem.
"Simula ng pumasok ako dito wala naman akong natutunan kaya anong sinasabe mong natuto parang wala naman silang ginawang maganda sakin kundi pagalitan, sigawan at palabasin ako...
"Eh pasaway kana man kasi talaga kaya tama lang yun." natatawang sagot ni Tem.
"Try mo gumawa Minami for sure maappreciate ng teacher yun." sabe ni Shazaki at binigyan ng card at panulat si Minami.
"Kahit ano pwede kong isulat?" tanong ni Minami.
"Oo." sagot ni Shazaki.
Nagsulat si Minami sa card na binigay ni Shazaki sa kanya.
_Kagalang galang na guro....
Maraming salamat sa mga itinuro nyo sakin kahit na wala naman akong natutunan salamat din sa napakabait nyong ugali na hindi ko naramdaman simula ng pumasok ako rito. Happy teachers day sa magigiting na guro na walang ginawa kundi pagalitan ako.
Naway magtagal pa ang buhay nyo.....
_Nagmamahal Tsuyoshi Minami...
Hindi maiwasan ni Tem at Shazaki na humagalpak ng tawa sa isinulat ni Minami. "Loko ka talaga ayusin mo naman baka imbes na matuwa ang teacher lalo lang mainis sayo." sabe ni Tem habang naiiyak na sa kakatawa.
"Nagpapakatotoo lang ako Tem nasa teacher na yan kung tatanggapin nila o hindi atleast nagsulat ako para sa kanila." seryosong sabe ni Minami.
"Kung sabagay tama ka naman kaya lang kasi sige na nga pwede na to." sabe nalang ni Tem.
"Pwede pabang huminge ng isa Shazaki?" tanong ni Minami.
"Oo naman kuha ka lang." ngiting sagot naman ni Shazaki.
Nagtaka naman si Tem kung bakit huminge pa ng isang card si Minami. "Para kanino yan?" tanong ni Tem.
"Wala kana dun." sagot ni Minami saka umalis.
Pumunta si Minami sa rooftop at doon nagsulat...
_Dear Tem....
Hindi ko masabe sayo ang gusto kong sabihin kaya idadaan ko nalang sa letter. Wag mong tatawanan to kung hindi sasakalin kita. Una sa lahat gusto kong magpasalamat sayo dahil ikaw ang nagturo sakin na pwede palang magmahal ang isang katulad ko. Ang totoo naging masaya ang high school ko ng dahil sayo ikaw ang dahilan ko kung bakit ginaganahan akong pumasok araw araw salamat dahil nandyan ka nung kailangan ko ng sandalan, salamat dahil sinamahan mo kong maging masaya at salamat dahil minahal mo ko kung sino at ano ako. Gusto ko lang din sabihin sayo na mamimiss kita dahil siguradong hindi na tayo magkikita pagkatapos nating grumaduate sana masilayan ko pa ang mga ngiti mo. Mahal na mahal kita Tem at pangako na maghihintay ako sayo hanggang sa pwede ng maging tayo....
_Nagmamahal Minami...
Nalungkot si Minami dahil malapit na silang magtapos ng high school at sa america na sya mag aaral ng college. "Minami....
Nagulat pa si Minami ng makita si Tem. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Minami.
"Akala ko kasi nakikipag away ka nanaman kaya sinundan kita. Bakit parang malungkot ka? May problema ba?" tanong ni Tem.
"Wala. Para sayo basahin mo nalang pag uwi mo." sabe ni Minami at binigay ang card kay Tem na may kasamang bulaklak.
"Tem day ba ngayon at binibigyan mo ko ng bulaklak at card." ngiting tanong ni Tem.
"Tem and Minami day ngayon kaya kita binibigyan nyan. Alam mo bang first time kong magbigay ng bulaklak sa babae at hindi ko alam na masarap pala ang feeling kapag tinatanggap nila yun lalo na kapag binigay mo sa taong mahal mo." seryosong sabe ni Minami.
"At mas masarap makatanggap nun kapag galing sayo." ngiting sabe naman ni Tem at napangiti naman si Minami.
"Minami salamat sa flowers first time ko rin maka recieved nito tapos sayo pa. Ahhm pwede ba kitang yakapin?" tanong ni Tem.
Hindi na nagsalita si Minami at niyakap nya ng mahigpit si Tem. "Ang bango mo naman Minami." sabe ni Tem habang nakayakap ng mahigpit kay Minami.
"Pawis ko lang yun." sagot ni Minami at napangiti naman si Tem.
"Masaya akong nakilala ka Minami sana hindi lang hanggang dito ang love story nating dalawa."
"Oo naman hindi ba sabe ko sayo maghihintay ako hanggang sa pwede ng maging tayo. Wag kana malungkot kasi kahit na wala ako sa tabi mo lage kapa rin nasa puso ko Tem." sabe ni Minami at hinalikan sa noo si Tem.
"Salamat Minami maghihintay rin ako hanggang sa pwede na kitang mahalin. Tara na....
Sabay na lumabas ng rooftop si Minami at Tem para pumunta sa room nila.
Hindi akalain ni Tem na nagpadala ng food si Minami para sa mga estudyante teacher at principal. "Bakit may pagkain?" tanong ni Tem kay Zicky.
"Si Minami tanungin mo sya may pakana nyan." ngiting sagot ni Zicky.
"Hindi ba sabe mo teachers day ngayon kaya nagpakain ako." wika ni Minami at natuwa naman si Tem sa ginawa nito.
Nagulat sila ng pumasok si Mrs. Homan kasama ang teacher nila Tem na si Mrs. Mina. "Okay class maupo muna kayo may mahalagang sasabihin satin si Mrs. Homan....
"Gusto ko lang magpasalamat kay Minami. Alam nyo bang nag donate si Minami para sa mga batang may sakit at nagdonate din sya ng mga gamit sa school natin. Akala ko puro gulo lang ang alam ng batang to yun pala tumutulong ng palihim wala akong masabe kundi salamat Minami kundi dahil sayo maraming bata ngayon ang wala ng buhay." sabe ni Mrs. Homan at nagulat lahat ng mga classmate nya ganun din si Tem.
"Palakpakan natin lahat si Minami." sabe ni Mrs. Mina
"Isa ka palang hero Minami....
"Malaki naman pala ang puso nito hindi lang talaga halata sa kanya...
"Marunong palang tumulong si Minami ang bait nya...
Hindi makapaniwala si Tem na ganun kabait si Minami. "Minami pwede bang pumunta ka sa harap para magsalita." utos ni Mrs Homan at pumunta naman si Minami sa harap.
"Alam nyo Mrs. Homan hindi nyo kailangan magpasalamat sakin kasi sa dami ng gulo at nasira ko kulang pa yun para mag donate sa school. Ang totoo wala naman talaga akong pakialam sa school na to pero nagbago yun ng makilala ko si Tem. Tinuruan nya ako kung paano magkaroon ng paki sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi ako tumulong kasi mayabang ako tumulong ako kasi gusto ko. Alam nyo ba kung bakit ako nagdonate para sa mga batang may sakit kasi ayokong makakita ng magulang na umiiyak dahil nasasaktan ako. Simula ng mamatay ang Mommy ko sinabe ko sa sarili ko na hindi ako papayag na makakita ng magulang na iiyak sa harap ko kasi ayoko dahil gusto ko silang makitang nakangiti." seryosong sabe ni Minami at napangiti naman si Tem maging ang mga classmate nya.
"Maraming salamat Minami isa kang inspirasyon sa lahat. Sige na class kumain na kayo." utos ni Mrs. Homan.
"Sandali lang po. Happy teachers day Mam." bati ni Minami kay Mrs Homan at Mrs. Mina.
Napangiti naman si Mrs. Homan at Mrs. Mina kay Minami. "HAPPY TEACHERS DAY MAM." bati ng buong class B.
"Napaka laki pala ng puso mo Minami akala ko noon wala kang puso hindi pala. Mas lalo tuloy kitang minahal." sabe ni Tem sa sarili habang nakatingin kay Minami na nakikipag usap sa teacher.
YOU ARE READING
✅ 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐘𝐎𝐓𝐀𝐌𝐀
FanfictionMinami kilala bilang mayabang na ACE PLAYER ng TOYOTAMA (Mahilig sa gulo at malaki ang sapak sa utak) .. Gaano nga ba sya kagaling bumihag ng puso ng babae?... Alamin natin yan mga lods.. ✍️ Started: February 2, 2022 ✍️ Finished: October 11, 2022 �...