Nagkakagulo ang buong estudyante ng makarating si Minami kasama si Kishimoto. "Ano bang meron bakit parang nagkakagulo ang mga estudyante." napatanong ni Kishimoto habang papasok sila.
"Miss anong meron?" tanong ni Minami sa babaeng estudyante na nakita nila.
"Darating daw ngayon ang mga player ng KANAGAWA makikita na namin personal sila Fujima, Sendoh, Maki at Rukawa." kinikilig na sagot ng babae.
Naimbitan ng TOYOTAMA ang distrito ng KANAGAWA kaya naman tuwang tuwa ang mga estudyante maging ang teacher at principal.
"Tara uwi na tayo." sabe ni Kishimoto na walang gana na makita ang distrito ng KANAGAWA.
"Bakit tayo uuwi school natin to. Wala akong pakialam kung dumayo sila dito papasok pa rin ako." seryosong sabe ni Minami saka dumiretso sa room.
Hindi naman mapagsidlan ang tuwa ni Shazaki at Tem ng mabalitaan na pupunta sa school nila ang taga distrito ng KANAGAWA. "Grabe Tem pangarap ko lang silang makita noon ngayon matutupad na." excited sambit ni Shazaki.
"Oo nga ako din eh. Sana makamayan natin silang lahat." kinikilig naman na turan ni Tem.
Unang dumating ang team ng KAINAN hindi pa man nakakapasok sila Maki sa loob hinarangan na agad sila ng mga estudyante. "Hi Maki pwede bang makamayan ka...
Ngumiti naman si Maki at kinamayan ang babae. "Hi Jin ang pogi mo pwede bang makamayan ka rin." sabe naman ng isa at ngumiti rin si Jin.
Hindi na nakapasok sila Maki sa loob dahil dinagsa sila ng mga estudyante. Sumunod naman dumating ang team ng SHOYO. "Nandito na ang SHOYO." sigawan ng mga estudyante at nilapitan din ang SHOYO.
"Pwede bang pumasok muna kami." seryosong sabe ni Hanagata at inirapan ang mga estudyante.
"Pasensya na hah." ngiting sabe ni Fujima at kinilig ang mga estudyante.
"Grabe ang pogi talaga ni Fujima at ang ganda ng ngiti nya." sambit ng mga estudyante at hinayaan ng pumasok ang team ng KAINAN at team ng SHOYO.
Pagdating naman ng team ng SHOHOKU dire-diretso silang pumasok at walang pinansin ni isa. "Ang seryoso naman ng team ng SHOHOKU sayang wala si Sakuragi." bulong ng mga estudyante habang nakatingin kay Rukawa.
Ilang minuto at dumating naman ang RYONAN. "Sendoh." sigawan nila at kumaway naman si Sendoh.
"Ang pogi mo Akira Sendoh...
"Pa autograph Sendoh....
"Sige mamaya. Papasok muna ako sa loob hehehe." ngiting sabe ni Sendoh sabay kindat sa mga estudyante.
Halos kiligin ang mga estudyante dahil sa pagkindat ni Sendoh sa kanila.
Lahat ng estudyante bumaba para makita ang mga taga distrito ng KANAGAWA bukod kay Tem na nakatingin lang sa malayo.
"Bakit di kapa bumaba gusto mo si Rukawa di ba." bungad ni Minami.
"Sa dami ng estudyante na gustong makita sya baka hindi na ako mapansin. Ayos lang na di ko sya makita nagkaroon naman na ako ng autograph mula sa kanya." sagot ni Tem.
"Bumaba kana minsan lang sila pumunta rito baka wala ng chance na makita mo ulit sya." seryosong sabe ni Minami.
"Samahan mo ko." ngiting sabe ni Tem.
"Ayoko nga." sagot ni Minami at inirapan sya ni Tem.
Bumaba na si Tem at sinundan naman ng tingin ni Minami.
Hindi naman magkamayan ang mga estudyante na gustong makita ang mga hinahangaan nila. "Pasensya na po kayo kung nalate kami. Ikinagagalak po namin na maimbitahan nyo kami." anya ni Maki sa coach ng TOYOTAMA.
"Maki ang gwapo mo." sigaw ng mga estudyante at ngumiti lang si Maki.
Bukod tanging si Maki at Akagi lang ang nagsasalita. "Ang gwapo talaga nila...
Nakatingin lang si Tem at Shazaki na nasa labas ng gym dahil nahihiya sila. "Ano na kaya nangyayare sa loob." sabe ni Shazaki dahil hindi nila makita sila Maki dahil napaka daming estudyante.
"Hi....
Nagulat pa sila Shazaki at Tem ng makita sa harap nila si Fujima at Mitsui kasama si Rukawa. "Hindi ba kayo makapasok sa loob?" tanong ni Fujima.
"Ayos lang makita lang namin kayo sa malayo okay na kami." nahihiyang sagot ni Shazaki.
"Hindi naman ata yun okay sakin." anya ni Fujima sabay ngiti kay Shazaki.
"Gusto mo ulit ng autograph ko?" tanong naman ni Rukawa kay Tem kaya lalo itong kinilig.
Nakatingin lang si Minami na hindi maitago ang selos ng makitang nag uusap si Rukawa at Tem. "Hay." sambit ni Minami habang nakatingin sa gawi nila Tem.
Nakita rin ni Kishimoto si Fujima na kausap si Shazaki kaya hindi nalang ito pumasok sa loob.
Pumasok nalang ulit sa loob si Minami at yumuko para matulog. "Aba naman ayos yan." ngiting sabe ni Sendoh at nagulat pa si Minami.
"Anong ginagawa mo rito?" inis na tanong ni Minami.
"Hindi kita nakita kaya pinagtanong ko kung saan ang room mo. Ayos ka hah matutulog ka nalang dito pa. Ano laro na." hamon ni Sendoh.
"Ayoko wala akong gana makipag laro sa inyo. Magharap harap nalang tayo sa inter high." sagot ni Minami at tumawa lang si Sendoh.
"Wala ka manlang pa welcome samin. Kamusta kana?" tanong ni Sendoh at tinabihan si Minami.
"Ayos lang nasa baba paba ang team ng SHOHOKU?" tanong nito kay Sendoh.
"Oo nasa baba pa sila hindi nila kasama si Sakuragi dahil may training daw." anya ni Sendoh.
"Uuwi na ako pakisabe nalang kay Rukawa na tatalunin ko sya." sabe ni Minami at hinawakan sya ni Sendoh.
"Bakit hindi ikaw ang magsabe nasa baba sya. Wag mong sabihin naduduwag na ang isang MINAMI." nakangiting sabe ni Sendoh na inaasar si Minami.
"Gago hindi ako naduduwag dun ayoko lang syang makita." inis na sagot ni Minami.
"Bumaba kana dun ipakita mong mas mayabang ka kesa kay Rukawa." natatawang turan ni Sendoh.
"Ulol." sabe nalang ni Minami at tumawa naman si Sendoh.
Inakbayan ni Sendoh si Minami at sabay silang bumaba. "Makipag kita ka muna sa kanila wag kana munang umuwe." sabe ni Sendoh habang naka akbay kay Minami.
"Ayoko nga." inis na sagot nya.
Hinawakan ni Sendoh si Minami at kinaladkad papunta sa gym. "Bwesit ka Sendoh." pasigaw nya.
Tumawa lang si Sendoh habang hawak si Minami.
"Nandito na ang ACE PLAYER ng TOYOTAMA." pasigaw ni Sendoh at nagulat silang lahat maging si Maki.
"Bakit ngayon ka lang Minami?" tanong ni Maki.
"Laro na ito naman ang pinunta nyo di ba." sabe ni Minami saka kinuha ang bola.
"Hindi ako nakikipaglaro sa talunan." seryosong sabe ni Rukawa.
Nagulat si Tem at Shazaki ng suntukin ni Minami si Rukawa. "Anong sinabe mo."
"Bingi ka ang sabe ko hindi ako nakikipag laro sa kagaya mong talunan." sabe ni Rukawa at sinuntok ulit sya ni Minami.
"Tama na Minami." awat ni Tem dahil dumugo na ang labi ni Rukawa.
Inis na lumabas si Minami sa gym at hindi nakita ni Tem na umiyak si Minami habang naglalakad.
"Gago ka kasi Sendoh alam mong mainit yang dalawa pinag sabong mo wala ka rin sa hulog eh." naiinis na bulyaw ni Mitsui.
"Malay ko ba." ngiting sabe nalang ni Sendoh at napabuntong hininga nalang si Maki at Akagi.
YOU ARE READING
✅ 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐘𝐎𝐓𝐀𝐌𝐀
FanfictionMinami kilala bilang mayabang na ACE PLAYER ng TOYOTAMA (Mahilig sa gulo at malaki ang sapak sa utak) .. Gaano nga ba sya kagaling bumihag ng puso ng babae?... Alamin natin yan mga lods.. ✍️ Started: February 2, 2022 ✍️ Finished: October 11, 2022 �...